CHAPTER 23
Parang lumulutang sa langit si Kean habang nararamdaman ang labi ng babaeng humahalik sa kanya. Pagmulat ng mga mata, mukha ito ni Katrina.
“Papa!”
Para bang nabuhosan ng malamig na tubig si Kean dahil sa sigaw ni Katrina.
“Bakit po kayo tumatawa habang tulog?”
“Shit,” he whispered.
“Okay ka lang po ba?”
“Yes, I’m okay.”
Sa sobrang kakulitan ni Katrina, ayaw niyang umalis sa kandungan ni Shaira. Kung ano-ano ang kinukwento nito sa dalaga. Napapatingin na lang si Kean sa kawalan dahil sa panaginip niya kanina. Kagat-kagat niya ang straw mula sa buko juice na iniinom.
“Did I just? Fuck, bakit kailangan ko siyang pantasyahin?”
“Papa, picture po tayong tatlo.”
“Kayo na lang.”
“Sumama ka na Papa! Para po kumpleto na may Mama at Papa ako!”
Para bang may kuryente at agad nag iwas ng tingin ang dalawa sa tuwing ang mga mata nila'y nagtatagpo. Sa pagkatapos ng kanilang pagkain, Shaira and Katrina went to to the sea shore. Gustong-gusto nitong makipaglaro sa dagat kasama ni Shaira.
“Mama, langoy o tayo.”
“Kat, hindi ako marunong. Huwag kang lalayo ha?”
“Sige po, dito na lang po ako.”
“Sandali at sasamahan kita ha? Maghanap tayo ng seaweeds baka may dala ang alon. Saglit ha? Ilalagay ko lang ang cellphone sa tabi ng mga tsinelas okay?”
“Okay po!”
Sa paglapit ni Shaira sa kanilang iniwan na gamit sa buhangin, isang malakas na alon ang paparating.
“Mama! Help!” tili ni Katrina.
“Katrina! Oh my gosh!”
Nilusob ni Shaira ang tubig upang masaklolohan si Katrina.
“Katrina!" Sigaw ni Kean at inunahan niya si Shaira na masagip ang anak. Sa lakas ng alon, natangay si Shaira at hindi maiwasan na lumubog sa tubig.
Kean finally saved his daughter, habang si Shaira na pilit umahon sa mabatong lugar.
Pilit tinatapik ni Shaira ang mukha ni Katrina ngunit tinabig siya ni Kean upang i-CPR ang bata. Ilang sandali at nagising ito kasabay ang pagbuga ng tubig.
“Mama, Papa!” patuloy na pag iyak ni Katrina habang nakayakap sa kanyang ama.
“You are safe now, anak. I almost lost you!”
“I’m s-sorry, sir,” lumabas sa bibig ni Shaira. Nanginginig ang katawan niya sa sobrang takot.
“Stay away with my child! Pinagkatiwala ko ang anak ko sa’yo, Shaira Lancaster!" tinalikuran siya ni Kean bitbit ang bata. Naiwan ang dalaga na umiiyak. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Kung may mangyari man kay Katrina, kargo niya ito.
“Hindi ko naman sinasadya, hindi ko gusto ang nangyari,” patuloy na pag iyak ni Shaira. Pinilit siyang tumayo kahit masakit ang kanyang balakang. Alam niyang tumama siya sa bato.
“Shit!” pinilit niyang tumakbo nang makita ang dugo sa kanyang kamay pagkatapos niyang hinawakan ang batok.
Kinagabihan...
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romance"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...