-8-

27 0 0
                                    

Kath's POV

(10.35 AM)

Library.

Dito talaga ako nagsstay kasi tahimik at nakakapag-iisip ako ng walang umiistorbo sa akin.

Isa pa, mas madali akong makakapagconcentrate dito lalung-lalo na kapag gumagawa ako ng school related works ko.

Nasa dulo pala ako ng library kasi to and fro yung hangin dito, tapos konti lang naman ang dumadaan dito.

"Bestiii!", tawag ni Ezha

Hinanap ko siya at nakita ko siyang tumatakbo papasok ng library habang palapit sa akin.

Hays, di ba niya alam na di pwedeng tumakbo at sumigaw sa library? Pasaway talaga 'to si Ezha.

Nang nakalapit at nakatayo na siya sa harap ko,

"Best! Paturo naman ako dito sa grammar oh, nalilito kasi ako eh!" , pakiusap ni Ezha.

"Hmm, sige. Alin ba dito?" Kinuha ko ang papel na hawak hawak ni Eza,

Ah.. Gumagawa nanaman ata siya ng story niya para sa Wattpad.

"Itong part na 'to, bes oh!" Tinuro niya ang isang stanza ng kanyang isinulat,

"Ah, ito bang Filipino?" Tanong ko

"Oo. 'Paano mo sisimulan ang pagmamahal na di naman nakatakda?' Paki-translate naman niyan, bes! Please?"

Umipo siya sa katabi kong upuan, nasa right side ko siya,

Ilang saglit pa akong nag-isip.. 'Paano mo sisimulan ang pagmamahal na di naman nakatakda?' Paano nga ba? Hmmm,

"Bes?" Kunot-noong tanong ni Ezha,

"Ah, oo.. 'How do you grow a love that was never to begin with?'" Ano nanaman kaya ang isinusulat ni Ezha sa istorya niya?

"Hehe, salamat, bes! Isa ka talagang Campus Princess!" Napa-angat bigla ang ulo ko sa sinabi niya,

"EZHA." Warning tone ko.

"Ay! Hehe, sorry, bes! Nakalimutan ko na hindi ko pala pwedeng banggitin na Campus Pri-mmmmm.." di na niya natapos ang kanyang sinasabi dahil agad kong tinakpan ang bibig niya

"EZHA. Please. Don't, okay?" Atsaka pinandilatan ko siya ng mata at tinanggal ko ang kamay ko na nakatakip sa bunganga niya. Ang daldal talaga!

"Hehe, ok! Sorry! I got to go na, bessi, ha? I have to update pa eh! See you!" At kumaripas na siya ng takbo palabas ng library.

Naku, pustahan tayo, bukas na bukas, makakakuha iyon ng note from our librarian. Medyo terror pa naman yung si Ma'am Galicha.

Ngayon ay tumitingin nanaman ako ng panibago kong libro na babasahin, HALA! Hihingi pa pala ako ng tawad kay Rence!

Dali dali kong inayos at ibinalik sa bag ko ang mga gamit ko, pati ang mga librong binasa ko ay ibinalik ko sa lagayan pagkatapos ay naglakad na papunta sa room ni Rence. Di naman malayo eh, infact, it's only 4 rooms before library.

(11.49 AM)

Nadaanan ko na ang first section, which is section ko.

"Hi Kath!"

"Hi Cutie Ellyze!"

"Mag dinner naman tayo, Ate Kathryn!"

"Kath, may naglagay pala ng chocolates sa taas ng locker mo, hulaan mo kung sino. Basta, di ako yun!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Campus HunksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon