Chapter 24- True

670 58 15
                                    

CHAPTER 24

    Ang ilang araw na dapat pag-stay nila ay nauwi na mabilisang pag uwi. Tahimik lamang si Kean habang nagmamaneho, habang si Shaira na hindi tumabi kay Kean. Kasama lang niya si Katrina sa backseat.

 "Ang tagal gusto ko nang umuwi." inip ang nararamdaman ni Shaira dahil gusto na niyang makalabas sa sasakyan ng kanyang boss.

 "She kissed me back dahil ba gusto niya ako o napilitan lang siya?” bulong ni Kean.

12nn sa Valencia, nakauwi si Shaira ng maluwalhati. Ngunit ang salubong ni Sam ay puro pang aasar tungkol sa kanila ni Kean.

             Kinabukasan...

    Walang tigil si Cynthia at Sam sa pagtatanong kay Shaira. Wala siyang sagot at wala rin siya sa tamang timpla para makipag biruan.   

    “Matigas ba ang bato na pinagtamaan mo? Kasing hard ni Sir Harder?” giit ni Sam.

    “Gusto mo ng hard? Ito hard!” pinukpok ni Shaira kay Sam ang isang makapal na folder. Pinilit niyang tumayo at naglakad palabas ng opisina. Para bang robot kung maglakad ang dalaga. 

    Sa kanyang payapang pagtahak papunta sa elevator, nakita niya si Kean na inaatupag ang isang envelope. Nagmadaling lumapit si Shaira habang nakatingin kay Kean kung kaya’t sinalubong niya ang saradong pintuan ng elevator.

    “Ang sakit na nga ng katawan ko, magkakabukol pa ako!” 

    Buong akala niyang nag iba ng daan si Kean, ngunit hindi. Kasabay niya ito sa loob ng elevator.

    “Are you okay? Nakapag pa-x-ray ka na ba? Sasamahan na kita kung gusto mo?”

    “Okay lang ako Sir, malakas pa ho ako sa kalabaw.”

    “Are you sure?” hinawakan ni Kean ang braso ni Shaira at mabilis umiwas ang dalaga. Nahiya si Kean sa nangyari at yumuko na lang ito.

    Parehong direksyon ang pinupuntahan nila, tinungo nila ang canteen.

    “Bro! Shaira! Hey Shaira, sumama ka mamaya okay? Sinagot na ako ni Sam!” aniya ni Xyrus.

    Walang reaksyon si Kean at tinalikuran ang dalawa.

    “Ha? T-talaga? Congrats, hindi rin ako makakasama masakit ang katawan ko.”

    “Sumama ka na, kasama si Kean para may bantay ka. Promise hindi ka naman paparty,” pagpupumilit ni Xyrus.  Hindi natiis ni Kean na lumapit dahil sa lakas ng boses ni Xyrus.

    “You, stupid dick head, ayaw namin sumama! Lakas ng boses mo, tatapalan na kita ng sapatos,” asik ni Kean at muling tinalikuran ang dalawa. 

Eight in the evening, walang nagawa kung hindi sumama. Sapilitan at um-oo na si Shaira para sa kaibigan niyang si Sam.

“Akala ko bang hindi ka sasama, Kean? Tapos ngayon nandito ka kasi nandito si Shaira?” pang aasar ni Xyrus. Sa sobrang asar ni Kean, sinalpakan niya ng lemon si Xyrus sa bibig.

“Umuwi na tayo, halatang masama pa ang pakiramdam mo, Shaira.”

“Mamayang konti, may masasakyan naman po ako.”

“Ngayon na, ihahatid na kita.”

“Hindi na, kaya ko naman po.”

“Let’s go,” hinawakan ni Kean ang kamay ni Shaira at sabay na lumabas ng bar. Hinayaan nilang nagkakasiyahan ang tatlo sa dance floor.

“Hihintayin ko ang result ng x-ray mo kung ayaw mong magpasama sa akin,” giit ni Kean at sinimulang magmaneho.

Habang tinatahak nila ang daan, nilingon ni Kean ang kanyang cellphone dahil sa ilang tawag kay manong Noel.

WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon