CHAPTER 1: Crush
Hindi n'ya lang basta idol ang lalaking iyon. For her, he is her long-time crush. She thinks that she's been infatuated to him.
Isang taon na ang nakararaan ng una n'ya itong makita sa isang Music Video. Bagong debut na KPOP group. Gwapo, mapuputi, demi-god pa nga ang tawag sa kanila ng ibang fan.
EXO-K ang pangalan ng group na iyon. Anim sila. But this one guy got her attention. Anong meron sa guy na ito? Nakaupo lang naman ito habang pinaglalaruan ang hangin. Kulay brown ang buhok nito na medyo gulo pero astig at cool tingnan. Maganda ang mga mata, matangos ang ilong. He is indeed her dream guy.
"Sino s'ya?" Wika ni Raina sa katabing si Hana sabay duro ng kanyang daliri sa lalaking nasa screen ng laptop. "Ah, iyan? Si Oh Sehun 'yan." Sagot naman nito sa kanya.
Oh Sehun? Ang gwapo maging ang pangalan n'ya. Sa isip nya.
She never expected it to be this far. Pero sa bawat paglubog at pagsikat ng araw, mas lalo s'yang nagagwapuhan dito. Pakiramdam n'ya, mas lalo s'yang nahuhulog.
There's something about him that reminds her of someone she can't even remember. Magulo diba? Maging si Raina ay hindi iyon maintindihan.
"Raina!" Sa di kalayuan, natanaw n'ya si Hana na kumakaway sa kanya. Kabababa n'ya lang ng taxi dito sa NAIA. Madilim pa ang langit, ganitong oras ang flight nila.
Hindi nagtagal, nakapasok na sila sa loob ng eroplano. Manghang mangha si Raina sa loob ng eroplano. First time n'ya kasing makasakay sa ganitong klase ng sasakyan.
"Raina, relax!" Wika ni Iyna. Naupo ito sa tabi nyang upuan sa tabi ng bintana. Mas pinili n'yang sa may aisle nalang maupo kaysa malula sa heights 'pag napatingin s'ya sa bintana ng eroplano.
"Seatbelt mo," paalala nito sa kanya. Isang tango naman ang kanyang isinagot sa kaibigan.
—
Mataas ang sikat ng araw ng makarating sila sa Incheon Airport.
Napakalawak ng lugar. Malamig din ang simoy ng hangin bagaman magtatanghali na.
Agad nagcheck-in sa isang hotel ang magkakaibigan. Isang kwarto para sa apat na katao. Malaki naman ang kwartong ito kaya malawak ang space na gagalawan nila.
Kakababa pa lamang ng apat ng kanya kanyang mga gamit nang may matanggap silang magandang balita.
"Ano? May concert ang Exo sa Pyeongyang?" Sigaw ni Hana na nakasagot sa telepono. Si Marichan pala ang tumawag na iyon, isang matalik ding kaibigan mula sa Pilipinas. Kpop fan din s'ya lalo na't half korean. S'ya rin ang nagsisilbing taga-update kina Raina kung sino at saan may concert at fansigning.
"Hala, nasa Seoul na kami eh." Nanlulumong wika ni Hana. "Hay, okay. Sige, salamat sa pagtawag ha. Okay, bye."
Ibinaba na ni Hana ang telepono habang nakatingin ang tatlo sa kanya. Tila hinihintay kung ano nga ba ang magandang balita.
"Narinig nyo? May concert daw ang Exo sa Pyeongyang," halos magtatalon sa tuwa ang tatlo hanggang sa awatin sila ng palad ni Hana. "Pero nasa Seoul tayo ngayon, ano?"
Bagsak ang kanilang mga balikat at bumuntong hininga. "Gagastos pa tayo?" Tanong naman ni Raina. "Mukhang gano'n na nga." Natatangong sagot ni Hana.
Pero para sa katuparan ng mga pangarap—bagaman ay mabigat sa bulsa— pinili nilang sundan ang mga idolo sa Pyeongyang.
—
Ligtas namang nakababa ang eroplanong sinakyan nila papunta doon. Ngunit pagkababa pa lamang nila sa nasabing lugar ng concert ay marami na agad ang mga tao.
Sasaengs. Nakakatakot. Ngayon lang na-encounter ni Raina ang mga sasaeng na ito. Kilala ang mga sasaeng bilang 'obsessed fans', mostly korean girls. At maging ang mga idols nila ay takot na rin sa kanila. From the word itself, they are obsessed. So obsessed that they can hurt someone, or even kill. It may be impossible for a person to kill for that reason, for those fans, it isn't. Para sa kanila, kanila lang ang mga idolo nila. At kahit ano, gagawin nila, wag lang may malapit na ibang tao dito liban sa kanila.
Naghawak hawak ng kamay ang apat na magkakaibigan. Mahigpit ang pagkahawak ni Raina kay Iyna na s'yang katabi n'ya. Halata ang takot sa namumutla n'yang mukha. It seemed like a living nightmare. And there's no other choice but to face it.
Ngunit gaano man kahigpit ang pagkapit nila sa isa't isa, majority still won. Nagkahiwahiwalay sila sa dagat ng mga tao. Halos tumilapon si Raina sa kabilang dulo ng crowd. Napa-aray s'ya nang saluhin ng matigas na kalsada ang kanyang katawan. Pero mas masakit sa kanya na hindi n'ya makita ang mga kaibigan. All of a sudden, they we're out of her sight.
"Mhaira! Ate Hana! Iyna! Nasaan kayo?" Maluha luhang sigaw ni Raina sa dagat ng mga tao. Natatakot na s'ya. Malaki ang lugar na ito, at kung mahihiwalay s'ya sa mga kaibigan, hindi n'ya na alam kung saan s'ya pupunta.
Dumilim na ang langit. Wala. Wala pa rin s'yang nakikitang Hana, Mhaira o Iyna man lang. Nilakad nya ang kalye. Tinahak n'ya ang isang eskinita kung saan makakaupo s'ya. Tago ito pero hindi gano'n kadilim. Nasisinagan ito ng ilaw ng kalye. Ang maliit na liwanag na iyon ay sapat na sa kanya. Ang problema na lang ay kung paano n'ya hahanapin ang mga kaibigan sa lawak ng lugar na ito. She's so fragile, inside and out. Lampa s'ya, kaya naman nang sabihin n'yang mangingibang bansa s'ya ay may pagtutol pa rin ang parents n'ya. Sana pala, nakinig na lang s'ya. Edi sana, hindi na umabot sa ganito.
Sinubukan n'yang tumayo, pero binigo s'ya ng kanyang binti. Parang nabali ito. Parang na-sprain. Basta, sobrang sakit, kaya natumba s'ya.
Napaiyak na lamang s'ya. She felt so hopeless. Pakiramdam n'ya, s'ya na lang ang nag-iisang buhay sa mundo.
"Miss, okay ka lang?" Isang nag-aalalang tinig ang nagpatigil sa kanyang paghikbi. Natatakpan ng anino ang mukha nito ngunit di n'ya maikakailang isa itong lalaki.
Napangiti s'ya sa kabila ng mga luhang tumutulo. Inilahad ng lalaki ang kanyang kamay at inabot n'ya naman ito. Pero gaya kanina, natumba ulit s'ya sa sakit ng binti. Laking tulong dahil nandito ang lalaki at nasalo s'ya.
"S-salamat." Halos bulong na lang iyon dahil hirap na s'yang huminga sa kakaiyak. Ipinasan s'ya nito at naramdaman na lang n'ya ang pagpikit ng kanyang mga mata sa pagod.
Nang imulat n'ya ang mga ito, nakakita s'ya ng puting ilaw, puting dingding at puting kisame. Walang duda, nasa ospital s'ya.
"Raina? Raina! Gising na si Raina!" Boses ni Hana iyon. Nakita naman n'yang lumapit ang tatlo sa kanya. "Raina, okay na ba yung pakiramdam mo?" Mababakas sa boses ni Mhaira ang pag-aalala.
Tumango naman s'ya sa kaibigan.
"Naku, mabuti na lang talaga, tinawagan kami nung nagdala sa'yo dito." Wika naman ni Iyna sabay pisil sa kanyang palad.
"N-nasaan nga pala s'ya? Yung tumulong sakin?" Tanong niya sa mga ito. Nagkibit balikat lamang ang mga ito sa kanya. "Basta pagdating namin, wala namang ibang tao dito." Sambit ni Iyna.
"Mukhang hindi na tayo makakapuntang concert n'yan." Nakangusong wika ni Hana.
"Hindi, kung gusto n'yong pumunta okay lang. Ayos na naman ako eh." Nakangiting sabi niya sa itinuring na Ate. Baganab sa loob loob n'ya ay malulungkot s'ya kung alis ang mga ito. Pero ayaw din naman nyang agawin ang kasiyahan ng mga kaibigan.
"Hindi ka namin iiwan dito, babantayan ka namin, diba guys?" Sabi naman ni Mhaira habang hawak ang isa n'yang kamay. "Oo naman!"
Napangiti s'ya. Iyon lang naman ang gusto n'yang marinig. Sa wakas, hindi rin pala s'ya mag-isa.
Pero nanatiling tanong kung nasaan at sino nga yung taong tumulong sa kanya kanina. Hindi nya man lamang ito napasalamatan.
Napatingin na lamang si Raina sa labas ng bintana, kung sino ka man, salamat sa'yo.
—

BINABASA MO ANG
Can I reach You? (DON'T READ)former MhIy HaRa goes to Korea) (editing)
FanficLove is like a star. It maybe out of reach, but someday, somehow, you'll learn how to reach it. Can I Reach You? © eichel