Chapter One

9 0 0
                                    

Sam's POV

Maaga akong nagising dahil ginising ako ng cute but nakakairita kong purple na alarm clock. Di pa nga tapos ang panaginip ko na nahanap ko na DAW si 'the one'. Well sana kung kelan man yun at kung mangyayari man 'yon, e sana medyo bilisan na di ba? Malapit na tayo sa trenta. Mahirap na mauwi sa pagiging matandang dalaga ito. Paano ba naman daw e favourite ko yung colour na purple? E pang matandang dalaga daw yun. Sinong may sabi? Iharap mo siya sa'kin nang sa malaman ko kung sino man ang may pasimuno niyan. Kulayan ko siya ng purple e. Hmp.

I did my morning routines: shower, dry-off, change into my working clothes and shoes, dried my hair, combed and did a neat pony tail, put on some light make up, ate my breakfast, brushed my teeth and went out, oh and I locked the door and gate.

Pumunta na ako sa labasan ng village namin at nag tricycle papunta sa terminal ng mga jeepney.

Pagkarating ko sa terminal e ang haba ng pila, kaya't gasto naman ng metro nito dahil mag tataxi ako. I'm saving for my future with my furture husband and children pa naman. So no choice para hindi ma late, e nag taxi na nga ako.

Nakarating ako sa building at exactly 7:32 AM. Late ng two minutes siyempre. So binilisan ko na ang pagpunta sa opisina't pagpasok ko binati ko kaagad ang mga ka officemates ko na nagsitinginan at nagsibatian ng 'good morning' sa'kin. Umupo kaagad ako sa assigned seat and table ko. Hindi ko inaasahan ang nakita ko sa table ko. Isang bouquet ng purple roses at purple din na box na kasing laki ng box of cake.

Kinuha ko kaagad ang bouquet at sinimulang amuyin. Tinignan ko din kung may letter pero wala akong nakita, kaya't tinignan ko ang box at meron doong letter na may nakasulat na "DONT BE LATE NEXT TIME -JDB"

Sino kaya tong JDB na 'to? Kukunin ko na sana yung letter sa box nung may humablot nito sa akin at inilayo sa'kin ang box kasama na yung bouquet na hawak hawak ko kani-kanina lang. "This is for me! Dont touch this ever again! Late lang ako't may balak ka nang angkinin ang para sa'kin?" sabi ni Leona na hinahabol pa ang hininga nung inaaway niya ako. Parang leon talaga, bagay na bagay ang pangalan niya sa kan'ya.

"Aba't malay ko na sa'yo pala yang mga 'yan! Nasa table ko e. So siyempre nag assume ako na akin." at nagsimula na akong magtrabaho na napahiya dahil nag assume ako na sa akin nga ang mga 'yon. E sa matagal ko nang gustong maka receive ng mga ganong bagay e, ba't ba?

"Next time kasi 'wag assumera ha? Tatak mo na sa kokote mong 'yan na forever and ever ka nang magiging loner." At nag walk-out ang leon kasama ang mga regalo na sa 'kanya' pala.

Pinabayaan ko na lang at inatupag ng mabuti ang pagtatrabaho ko dito.

*-*
Lunch na at kasama ko ang mga ka officemates ko na mga kaibigan ko din. Anim kaming magkakasama ngayon na maglalunch. Pumunta na kami sa labas at kumain sa isang fast food chain malapit sa pinagtatrabahuan namin.

"Uy, ano ang sa inyo? Libre ko na." Sabi ni Vince nang makarating na kami sa loob. Nagsitinginan naman kami dahil bihira lang ang lalaking itong manglibre.

"Anong almusal mo kanina Vincent?" sabi ni Walter kay Vince habang namimilog ang matang nakatingin sa kan'ya.

"Gutom na gutom ka na ano?" ani Juliet sa kaniya.

"May dumukot sa papa Vince natin!" eksaheradang sabi ni Andre-bakla na kami lang magkakaibigan ang nakakaalam. Andrea daw dapat itawag namin sa kan'ya kung kami lang magkakasama.

"Anong magic spell ang ginamit ni Harry Potta sa'yo?" tanong ni Cathy, na nag British accent pa sa pangalan ni Harry Potter, na sinusuri nang mabuti ang mukha ni Vince.

"Von? Izatchu? Nabibinge ata ako." sabi ko naman kay Vince habang inilapit ang tenga't mukha ko sa kanya... And Von pala tawag ko sa kanya dahil sa intials niya.

"Problema niyo? Tigilan niyo nga ako. Kung ayaw niyo ng libre edi KKB nalang tayo. Ewan ko sa inyo." supladong ganti ni Vince saming lahat.

"Papa Vince joke lang yun!" -Andre

"Uy walang bawian Vince!" -Juliet

"Eto naman, joke lang dude." -Walter

"Di mabiro e, tara na! Libre na inaayawan niyo pa?" -Ako

"Ay galit na ang manlilibre sa'tin, pa'no na yan?" -Cathy

"Dami niyong arte. Tara na nga!" -Von

Oh ayan, libre na kami. Yey!!!
Bait ngayon ni Vincent Owen Navajo ah. Baka singilin kami neto pagkatapos namin kainin ang nilibre niya sa'min?

Umorder na ang dalwang boys at kaming mga babae at binabae ay naghanap na ng mauupuan.

Maya-maya ay nakarating na ang dalawa at dala dala ang tray na puno ng inorder namin.

Umupo na kaming lahat at nagsikainan ng tahimik dahil lahat kami'y gutom.

Pagkatapos namin kumain ay pinagtripan namin si Vince tungkol sa libre niya samin ngayon. Di rin kasi kami maka get-over na nilibre niya kami ngayong araw e. Once in a blue moon lang manglibre 'yan.

Bumalik na kami sa opisina't balik trabaho na naman hanggang sa uwian na't kami'y pagod na pagod sa trabaho.

Lumabas na ako kasama si Juliet at Cathy na sasabay ngayon sa'kin pauwi. Malapit lang kasi ang village nila sa amin kaya't sabay kaming tatlo.

Nakauwi na ako't naghanda na ng hapunan nang mag ring ang phone ko.

Gretch calling...
Accept | Decline

I pressed accept button and answered her call. "Oh Gretch? Napatawag ka?" Wala man lang 'Hello' e. Grabe talaga ang manners ko. maka 'A+' na grade!

"Hello good evening Sam. Pwede ba akong matulog sa'yo diyan? Please?" Mag sisleepover si Gretch dito? Ano kaya nangyari dito? Di naman mahilig mag sleepover si Gretch e.

"Anyare ba't ka mag sisleepover dito? May nangyari ba sa'yo or something? Inaway ka ba ng asawa mo?" Paulan ko na tanong sa kanya.

"Please Sam? I'll tell you later if you let me sleepover to your house." Sabi niya na parang desperada lang.

"Okay. Natatandaan mo pa naman siguro ang papunta dito di ba?" Sabi ko sa kanya, baka kasi nakalimutan niya.

"Yes, yes Sam. Thank you so much. Bye!" Ay oo nga pala, matalino 'tong isang 'to. Ako yata ang nakalimot.

"Kbyedot" sabi ko at binaba na kaagad ang phone ko.

Anyare kaya sa babaeng yun?
Hindi ko na naman tuloy na meet si 'the one' ko. Nubayan? Forever Alone na ata ako.

Bruhhh👽
peace and love

***Antay lang. Relax bruh. Makikilala mo din Sam si 'the one' mo. Atat much ka e.
"PATIENCE IS A VIRTUE."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Scared To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon