Chapter 12 - Day 2 (Monday)

282 27 3
                                    

Sofi




WALANG gana akong pumasok sa school dahil hindi parin kami nagkaayos ni Harper.

Hindi rin natuloy ang roadtrip namin dahil hinatid niya na ako pauwi. Nawalan din ako ng lakas ng loob upang kausapin siya dahil paano kung tanungin niya na naman ako?

Halos hindi ako nakatulog kakaisip sa kanya, kung saan ba siya nagpunta or kung anong ginawa niya nung hindi na kami magkasama.

Tumambay pa nga ako sa sns niya pati narin kay Lyric para lang malaman kung anong ganap kay Harper kahapon ngunit miski isang post ay wala akong nakita. Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos.

"Sofi?"

Tila nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ang boses ni Macie at tinapik pa ako sa aking balikat.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya at sinipat pa ang aking noo. "Wala ka namang lagnat, may iba ka bang nararamdaman?" Muling tanong niya.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan.

"Macie, tama ba yung ginawa ko?" Tila nakuha ko agad ang attention ni Macie dahil mas lumapit pa ito sa akin.

"Bakit anong ginawa mo????" eksaheradang tanong nito.

Grabe, para namang napakalupit ng nagawa ko sa way ng tanong niya.

"Nagkasagutan kami ni Harper kahapon habang nasa byahe kami. Tinanong niya kung napipilitan lang ba ako na tanggapin yung panliligaw niya."

"Anong sinagot mo? Don't tell me, totoong napilitan ka lang?" Hindi makapaniwalang saad ni Macie.

"Of course not... siempre hindi, bat ko naman sasabihing napipilitan lang ako? Tsaka hindi naman talaga, alam mo naman kung gaano ako lagi excited na makasama si Harper tuwing gagala kami. Naging awkward lang nung nagtanong si Harper about sa panliligaw, kasi sa totoong lang... hinahayaan ko lang siya, gusto ko rin mahanap yung sagot kung kaya kong mahalin siya tulad ng pagmamahal niya sa akin. Pero parang di niya nagustuhan ang naging sagot ko."

"Ano ba isinagot mo?" curious na tanong ni Macie.

"Sabi ko sa kanya ayoko siyang mawala. Na wag niya akong iwan. Tapos naiyak na ako kasi feeling ko may magbabago na naman sa amin." Naramdaman ko bigla ang pamumuo ng luha sa aking mga mata, dahil naalala ko na naman yung mga mata ni Harper na tila nasasaktan.

"Sabi pa niya, iba yung pinapakita ko sa nararamdaman niya. Macie anong ibig sabihin ni Harper doon?"

Napatango-tango naman si Macie na akala mo ay talagang may napagtanto sa aking sinabi.

"I am sure na ang nasa isip ni Harper ngayon ay pumayag ka lang na magpaligaw sa kanya upang hindi mawala ang friendship niyo. Tell me the truth Sofi, may plano ka ba talagang mahalin siya or pinagbigyan mo lang siya para mahinto ang feelings niya sayo at ma-realized nito na mas okay kung mag bestfriend lang kayo?"

Natigilan ako sa sinabi ng aking kaibigan at hindi agad nakapagsalita, dahil ang totoo lahat ng kanyang sinabi ay pumasok sa aking isipan.


























































































































"Oh ngayon panay ang silip mo sa pinto kung lilitaw ba ang bestfriend/manliligaw mo. Samantalang pwede mo naman tawagan ngayon. Para naman magkausap kayo at baka ilang araw pa kayong di magpansinan ako naman ang maiipit." Pailing-iling pa na sabi ng kaibigan kong si Macie.

Operation: Make Her FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon