A/N: this story has three parts only:)
Start.
Nagtratrabaho ang tatay sa mga Sheppard maging ang nanay ay nagtratrabaho din doon. Hay bata po ko nun kunin ako ng parents ko sa totoo lang malayo ang loob ko sa kanila hindi naman kasi ako lumaki sa puder nila.
Nakarating ako sa malapalasyong bahay ng mga Sheppard na puno ng mga taong may mga baril sa totoo lang nakakatakot sila kaya wala akong ginawa kung hindi magkulong sa loob ng kwarto.
Namimiss ko na si lola kumusta na kya siya may kasama kaya siyang nagtitinda?
Nawala lang ang pag iisip ko ng bumungad sakin si nanay. Napaka ganda ng suot niya sumunod naman si tatay napakagwapo niyang tignan. Magulang ko ba talaga sila? Napaka gara kasi ng mga suot nila.
"Bakit hindi ka pa nakabihis?" Ano bang sa palagay ni nanay sakin nakahubad.
"Nakabihis na naman po ako" narinig ko na lang tumawa si tatay at kinarga ako. "Mabigat po ako baka mangawit po kayo"
"It's okay sweetheart, pero magbihis kana ng maganda it's a big celebration fo the whole Sheppard Family ipapakilala ang panganay nila" sabay halik sa pisngi ko. Hmm ewan pero bigla akong nahiya hindi naman kasi ako sanay mahalikan.
"Sige po ibaba niyo na po ako at magbibihis na" nkakahiya naman tumanggi baka magalit sila. Bumuntong hininga si tatay at ibinaba na ako.
"Gusto mo bang tulungan kita?" Ang sabi ni nanay marunong na kung magsuot ng damit ang sabi ni lola ay hindi ako dapat pala asa dahil hindi na daw ako baby.
"Hindi na po kaya ko na po" hindi ko alam pero biglang nalukot ang mukha ni nanay.
"Ah ganun ba" may nasabi ba kong masama? "Puwede bang ako na lang at pumili ng damit mo o kaya ay kahit masuklay ko lamang yang buhok mo" magagalit si lola pag nalaman niyang pinalungkot ko si nanay siguro sundin ko nalang ang gusto niya.
"Ayos lang po sakin iyon" pagkasabi ko nun bigla akong niyakap ni nanay, ganito ba talaga ang mga nanay bigla bigla nalang nangyayakap?
Hindi ko alam kung gaano kami katagal hindi naman ako marunong tumingin ng orasan kasi tatlo yung stick tapos ang dami pang number. Tapos ang sabi ni lola pag daw tumapat sa one yung stick ay bilang daw nun ay five e paano naman magiging five iyon one nga e. Pauso talaga si lola kahit kailan.
"Napakaganda mo talaga anak, kamukhang kamukha kita" isa pa itong si nanay paano naman na kami magiging magkamukha e matanda na siya atsaka hindi naman kami kambal hay ewan ang gulo nila. "Mahal kita anak, mahal ka namin ng tatay mo" hay ano nanaman isasagot ko hay nakakahiya naman bahala na nga si batman.
"Tatandaan ko po" lumabas na kami wow napakaganda naman at napaka raming tao na puro magaganda ang kasuotan mukha silang prinsesa at prinsepe sa mga suot nila.
"Ladies and gentleman May I have your attention please?" Makikita mo sa mukha ng nagsasalita na napaka kagalang galang niya. "May I present to you the Eldest son of the Sheppard Family please welcome Lord Dave Anthony Sheppard." Nag simula na silang magpalakpakan. Unti unting bumubukas ang pintuan at iniluwa doon at napakagwapong batang singkit siguro ay matanda sakin ng dalawang taon yun.
Nakakunot ang noo niya at mukha bwisit na bwisit pero grabe ang gwapo pa rin niya ngayon lang ako nakakita ng gwapong kagaya niya mukha siyang batang prinsepe.
Kailangan ko munang umihi kaya nagpaalam akong pupunta ng banyo. Matapos kung umihi naaliw ako sa paglalakad hanggang sa narating ko ang hardin. Ngayon lang ako nakapaglibot dito simula ng pumunta ako dito napaka lawak at napaka ganda sin nitong hardin punong puno ng rosas at ibat ibang bulaklak.
Lumapit ako at inamoy hindi mabaho at hindi din masama sa pang amoy tamang tama lang.
"Do you like them?" Napapitlag ako ng may marinig akong nagsalita sa likod ko mabilis akong luminggon at nakita ko ang batang gwapong singkit.
"Magandang gabi sayo" I smile pero hindi aiya ngumiti
"I.said.do you.like.those.flowers?" Oo nga pala nagtatanong siya buti nalang tinuturuan akong magsalita ng ingles ni teacher Annie.
"Oo napakaganda nila sana ay mayroon din akong bulaklak kagaya ng mga ito" ngumiti ulit ako pero siya ayun hindi pa rin ngumingiti hindi ba siya marunong ngumiti?
"I can give you hundreds of flowers" weh? Pauso din to.
"Sige nga bigyan mo nga ako ngayon kahit isa lang" lumapit siya, hmm baka matinik siya sa mga rosas then nakita ko na lang na may hawak na siyang rosas ngumiti pa ko lalo at lumapit sa kanya. Sinubukan kong kunin yung rosas pero inilayo lang niya "akala ko ba kinuha mo yan para sakin?"
"Yeah but let me do this before I give you this rose" then hinalikan niya ko sa labi. Mabilis akong lumayo.
"Bakit mo ginawa yun pakasalan mo ko!" Di dapat nagkikiss lang pagmag asawa na?
"Life is unfair and complicated so I can't marry you" feeling ko kahit anong oras ay iiyak naku "okay when we were grew I find some way to keep you and making you my wife but now I can't. Here there you have it" inabot niya sakin ang rosas. "Thanks for giving me your first" then umalis na siya
Pero bago siya umalis ay dumampi nanaman ang labi niya sakin. Hindi ko gaano naintindihan ang sinabi niya hindi naman ako bihasa sa pagsasalita ng ingles pero nalungkot ako dahil ang sabi niya ay hindi niya ako pakakasalan.
Kaya umiyak ako ng umiyak hanggang sa mamugto ang mata ko. Pagkatapos kong mag emot. Pumasok na ulit ako at sinalubong ako ni nanay.
"Umiyak kaba?" Bakit ba sila nagtatanong e halata na naman. Huhuhu!
"Gusto ko na pong umuwi kay lola" dahil sa inis ko ay tumakbo ako sa silid namin. Ayaw akong pakasalan nung batang singkit kung ayaw mo magmamadre na lang ako.
Hindi na ako tumigil sa kakaiyak hanggang sa nakatulog ako
YOU ARE READING
Childhood sweetheart
Short StoryHi I'm Jasmine Castro, I'm a working student and scholar. 23 years old. Naniniwala ba kayo na kapag may childhood sweetheart ka ay posibleng magkatuluyan kayo sa huli? or even falling for each other but in the end hindi pala kayo para sa isat isa? A...