Grievance Part 2

97 16 2
                                    

3rd person pov

habang naglalakad sa kagubatang tinatahahak patungo sa target, napansin ni kc na dalawa ang tinutukoy na posisyon nang dna tracker.

ang isa ay galaw nang galaw at palipat-lipat nang posisyon, ang isa naman ay naka-steady lang sa kinaroroonan nito.

"edgar bilisan natin,kailangan natin silang maabutan sa kinaroroonan nila bago pa sila umalis, mauubus na ang enerhiya nang relo"sambit nito sa halos inip na inip na kasama na parang bibigay na sa paglalakad at puro reklamo na ang iyong maririnig.

"oo na, oo na ito na, sino ba naman kasi ang naka-isip tumira sa ganito kalib-lib at layong lugar, mas maganda atakihin natin yung naka steady, para madaling ma ambush"sabay sumang-ayon si kc at nagpatuloy sila sa paglalakad.

mga ilang oras ay dumating sila sa posisyon nang naka-steady na  target.

nakita nila ang isang maliit at lumang kubo na parang bibigay na.

dahan-dahan sila ditong pumasok at nakita nila ang isang tulog na matandang nakahiga sa lumang kama at nanghihina.

nagtaka ang dalawa, dahil hindi ang matandang ito ang nakakabit sa larawang nakakalat na may bounty sa ulo.

"ano ito? bulok naman yata yang gamit mo pinagod pa tayo"bulong ni edgar para hindi magising ang matanda.

napa-isip si kc at napagtantong kadugo nang may-ari nang nakuha nilang dna ang matanda, kaya nakuha rin nang tracker ang position nito.

kaagad niyang ibinaling ang tingin sa compass.

at napansing papalapit na rin sa lugar nila ang isa pang  pinagagalingan dna, mabilis nilang sinubukang magtago at naisipan ni edgar na magtago sa ilalim nang higaan.

kaso si kc hindi na nakapag-tago nang mabuti sa taranta at masyadong halata ang kanyang posisyon.

pagbukas nang pinto, isa itong babae na tugma ang mukha sa larawan at may dalang mga hayop mula sa pangangaso"ma,nandito na ang hapunan gis,,"ngunit bago niya pa matapos ang sasabihin.

dinakma niya na ang leeg ni kc at sinakal sabay tinutukan nang patalim"sino ka?"banta nito.

kaagad lumabas si edgar sa kanyang pinagtataguan at inilapit din  ang dagger sa matandang nakahiga"bitawan mo yang kaibigan ko o maglala-alaman tayo".

walang pagdadalawang isip, na ibinaba ng babae ang hawak na patalim"please nagmamaka-awa ako, wag mo siyang sasaktan"kitang kita ang pag-alala sa mukha nito.

sabay inalayo din ni edgar ang hawak niyang patalim sa natutulog.

sa ingay nila ay biglang nagising ang matanda"zeline ikaw na ba yan?"tanong nito, halatang hirap na hirap magsalita.

"opo ina"kaagad itong lumapit at hinawakan ang kamay nang mukhang hirap makakitang ina.

"sino yang mga kasama mo?"sabay umubo nang dugo"mga kaibigan mo ba sila?'.

"opo ina wag niyo na pung piliting magsalita, gagawan ko na po kayo nang makakain"pagpumilit nang babae.

"parang naaninag kung may kayakap ka, kasama mo na ba ang nobyo mo?"tanong nito na ikinabigla nang dalawa, bago pa sila makatangi ay muling inubo nang dugo ang matanda.

Fragile PhantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon