SAMANTHA'S POV
Ilang araw na ang nakakalipas ng ibigay ng matanda ang kwintas sa akin. Hindi ko pa rin ito isinusuot sa takot na baka may mangyaring hindi maganda, dahil sa dalang sumpa nito. Napabuntong hininga akong napatitig sa kisame habang nakahiga sa kama.
Bumangon ako sa pagkakahiga at dinampot ang bag kung saan nakasilid ang kwintas. Marahan ko itong inilabas at tinignan ng maigi na parang pinag aaralan ang desenyo nito. Ano bang kailangan nila sakin? Bakit may kakaibang nagyayare sakin kapag sinusuot ko ito. Napatingin ako sa salamin na nasa harap ko at marahan kong inisuot ang kwintas na hawak ko.
"GOOD EVENING SENYORITA MAY AMOY!" Isang malakas na sigaw niya sakin.
Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa salamin at napasigaw ng.. "AHHH!!!" malakas na sigaw ko. Napaupo ako sa kama at napatalukbong ng kumot.
"Wag kang matakot! Hindi ako mamamatay tao!"
"Bakit ka nandito?! Paano ka nakapasok sa kwarto ko?! A-anong kailangan mo sakin?" nauutal kong tanung sakanya.
Wala akong narinig na sagot mula sakanya kung kaya't napakunot ang noo kong tinanggal ang kumot na nakatalukbong sakin. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto at ni isang pigura ng lalaki ay wala akong nakita.
"Nasan na yun? Nandito lang siya kanina ah?!" Sabay silip ko pa sa ilalim ng kama ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng may makita akong pares paa sa kabilang gilid nito. Hindi ako nakagalaw ng bigla siyang sumilip sa kama!
"Anung sinisilip silip mo dyan?" Tanung niya sakin at napaupo ako sa sahig!
"OMG! MULTO!" Sigaw ko na halos bumalot ng kwarto.
"Hoy! Wag kang maingay!" Sabay turo niya pa saakin!
"Ikaw ba si sadako?!" Tanung ko sakanya at napapaatras pa.
Nanlaki ang mga mata ko ng dahan dahan siyang lumapit sakin. "Hindi ako si SADako! Si HAPPYako!"
"Huhuhu! Multong pilosopo!" Mangiyak ngiyak na sabi ko sakanya!
"Huwag ka nga kasi matakot sakin! Sa gwapo kong to, natatakot ka?!." sambit nito habang nakaturo sa sarili. Napairap ako sa sinabe nito. Ang hangin ahh.
"Sam are you ok?" Isang tanung sakin ni Lana at napatingin ako sa pinto.
Napakruss ang kamay ng lalaki at seryosong tumingin sakin. "Kahit sabihin mong nandito ako hindi niya ako makikita! Mapagkakamalan ka lang niyang baliw!"
"Tss!" Inis na sabi ko sakanya.
"Hey Sam? Are you ok in there?" Isa nanamang tanung ni Lana sakin.
Napahinga ako ng malalim at napagtanto kong tama siya. "O-ok lang! May nakita lang akong ipis! Ipis pala hahaha."
"Baliw! akala ko naman kung ano na!" Sabi ni Lana sakin at ilang saglit pa ay hindi ko na siya narinig pa.
Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at pinagpag ang bandang pwetan ko. Tinitigan ko siya mula paa hanggang ulo na parang pinag-aaralan ko ang pigura niya. Napaayos sya ng tayo ng bigla kong ikrus ang mga braso ko sa harap nya. Lumapit ako sa kanya at napahawak sa baba ko.
"Hindi ka naman pala talagang mukhang multo" sambit ko habang pinag-aaralan ang kabuuan nito.
Bigla siyang napayakap sa sarili nya at napalayo pa sakin. "Sino bang maysabing multo ako?! Hindi pa ako patay noh! Nakita mo nga yung katawan kong walang malay diba? Tsaka may nakikita ka bang dugo sa damit ko? Hindi ito katulad ng mga napapanood mong teleserye o pelikula!" mariing sabi nya at napaturo pa ito sakin.
BINABASA MO ANG
The Sky Above Us (COMPLETED)
FantasiSamantha as a Marketing Administrator finally decided to cut ties with her long time boyfriend James who happened to be the owner of Xenon Publishing Company. Lucas as a famous and mysterious writer of a best selling book met an accident and got hi...