"The fuck?" mahinang bulong ko sa sarili nang mapagtanto kung anong nangyari.
Kitang kita ko kung paano dahan dahang ngumiti si Ethan. Akmang ilalapit niya pang muli ang sarili niya sa akin pero agad akong umiwas.
Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit siya ang una kong naisip.
Daniel.
"Micka.." may pag-aalalang tawag ni Ethan sa pangalan ko.
I gave him a small smile before I stand up.
"Uuwi na ako, Kayo na bahala kay Clariz." sabi ko saka nagmadaling kinuha ang gamit ko at naglakad palabas ng club.
Tinawag pa ni Ethan ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon. Ramdam ko ring sinusundan niya ako kaya sinadya kong dumaan sa part kung saan maraming tao para mawala ako sa paningin niya.
Kahit medyo umiikot ang paningin ko dahil sa hilo ay nakalabas pa rin ako ng maayos. Naupo muna ako saglit para pakalmahin ang sarili saka mabilis na tumayo pero agad din akong napahinto nang may mabangga ako dahilan para ma-out of balance ako. Agad din naman akong tinulungan tumayo ng nabangga ko.
"Sorry." I said.
"So you're here." he said with his mad tone.
Nang makita ko kung sino ang taong nasa harap ko ay hinawakan ko agad ang kamay niya saka siya hinila palayo sa Club. Hindi naman siya nagreklamo at walang angal na nagpatangay sa akin.
Iginagala ko ang paningin ko para hanapin ang sasakyan ni Sir Daniel pero hindi ko iyon mahanap.
"Where's your car?"
Kumunot ang noo niya sa naging tanong ko. Magsasalita pa sana siya pero napailing nalang saka hinawakan ang kamay ko para ako naman ang hilahin niya papunta sa Sasakyan niya.
Mabilis na pumasok ako doon at ganoon din naman ang ginawa niya, "Sir, Can you take me home?"
Tahimik na inabutan niya ako tubig. Tinanggap ko iyon dahil kailangan ko ng tubig to sober myself.
Umiiling lang siya habang nakatingin sa akin na para bang sinusuri ang itsura ko, "Are you drunk?" he asked.
"Tipsy!" halos pabulong na sagot ko.
Sumasakit ang ulo ko dahil siguro naparami ang inom ko pero nasa katinuan pa naman ako. Ang hindi ko lang maipaliwanag sa sarili ko ay kung...
Bakit ako tumugon sa halik ni Ethan?
"Sober up, love."
Napairap nalang ako at hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng sasakyan at tumingin sa labas habang nagmamaneho si Sir Daniel.
"Masakit ang ulo ko." mahinang bulong ko pero alam kong narinig niya.
Hindi naman niya ako pinansin kaya hindi na ako muling nagsalita. Ipinikit ko nalang ang mata ko para mabawasan ang sakit ng ulo ko. Idinilat ko nalang iyon nang maramdaman kong huminto ang sasakyan.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko nang mapansing sa isang coffee shop kami huminto.
"To sober you up, love." aniya bago bumaba ng sasakyan.
Sumunod nalang ako sakanya kahit mabilis siyang naglakad papasok sa loob ng coffee shop. Napatingin ako sa relo ko, 12:00 midnight na? Late na pala.
Nag-message ako kay Kuya na kasama ko si Sir Daniel at tanging 'Okay' lang ang reply niya. Para bang kampanteng kampante siya na protektado ako kapag si Sir Daniel ang kasama.
BINABASA MO ANG
The President's Tint (UNEDITED)
أدب المراهقينMickalla Perez, the Student President in their Class. He is Daniel Gilles, their fresh graduate; class adviser who's always asking what shade of tint she's wearing everytime he sees her. He's so weird, is he gay? (Former title: Miss President, I l...