CHAPTER 10

8 5 1
                                    

CHAPTER 10

"Kelan kaya ako makakauwi samin? Miss ko na sina nanay lalo na si bunso" Napabuntong hininga na lang ako. Sana ayos lang sila.

Nasa gubat pa din kami ngayon. Ang pinagkaiba lang may bahay na maliit dito. Yun ang nagsisilbing tahanan namin sa ngayon. Humahanap pa daw kase 'siya' ng tyempo para makaalis kami dito.

Maraming nagmamanman samin dito kaya todo ingat kami. Pang limang lugar na lipat na namin to. Ngayon lang namin napansin na may bahay pala dito pero mukha siyang hideout parang sinadyang patayuan ng bahay.

May mga gamit din. May dalawang kwarto tapos may mga damit kaya di kami nahirapan kung magbibihis na kami. Buti naman

"Hey!" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa biglaang pagsulpot ni jayden. Wala sa sariling nasapak ko siya dahil sa gulat. Sabi ng ayokong ginugulat ako.

"What the heck! Why did you slap me?" Galet niyang sigaw. Napaawang ang labi ko dahil sa lakas ng sigaw niya. "Damn it!"

Halatang nagalet siya. Bumakat kase sa pisngi niya yung sapak ko.

"S-sorry! Hindi ko sinasadya. Ano k-kase" halos di ko maituloy ang sasabihin ko dahil naiiyak ako.

Ito ang unang beses na nasigawan ako. Sina nanay malumay silang makipag usap sakin.

Napalunok siya "Damn! Sorry, I'm sorry i--" Sabi niya astang lalapitan ako pero umatras ako.

Natatakot ako sakanya. Sa loob ng dalawang linggo maayos naman ang pagsasama namin. Minsan nagkakasagutan kami pero dinadaan niya lang sa biro kaya naayos din agad. Hindi tulad ngayon.

Hindi ko naman sinasadya e. Nagulat lang ako.

Napaiyak akong lumayo sakanya. Mas lalo siya nataranta. Kaya tumakbo ako papalayo sakanya. Bahala na!

"Zahra!" Malakas niyang sigaw. Mas lalo kung binilisan ang pagtakbo ko. Ayoko na sakanya.

"Got you!" Nagulat ako nang may pumulupot na kamay sa bewang ko. Akala ko si Jayden. Yung humahabol pala samin.

"Zahra!" Hinihingal na sabi ni jayden.

"Oh Jayden! So, it's her" nakakalokong ngiting sabi niya. Sabay tutok ng baril sa ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko.

"J-jayden"

"Shut up Jian! Let her go!"

Natawa lang yung jian? Mas lalo tuloy nainis si jayden.

"May kahinaan ka din pala. Now i know" sabi nung jian saka ako tinitigan sa mukha "Hm ang galing mong pumili. She's pretty but looks innocent"

"I said let her go!" Mariing sabi ni jayden. Umiigting ang panga niya.

Natawa lang si jian "What if i kiss her? Oh i should kiss her" pilit akong nagpupumiglas. Astang hahalikan niya ako nang matumba siya.

Hinila naman ako ni jayden. Napatingin ako sakanya nakikita ko ang galet sa mga mata niya. Napayuko na lang ako.

Nagulat ako nang takpan ni jayden ang mga mata ko. Sunod kong narinig putok ng baril at daing ni jian.

Nanlaki ang mga mata ko "J-jayden" nanginginig kong sabi. Natatakot.

"Touch her again and i'll kill you! That's just a warning!" Nagbabantang sabi ni jayden saka ako hinila para maglakad. Dun niya lang inalis ang pagkakatakip ng kamay niya sa mga mata ko.

Tumigin ako sakanya "J-jayden!"

Hindi siya nagsalita hanggang makarating kami sa bahay na tinutuluyan namin.

"Damn!" Sabi niya nagulat ako nang niyakap niya. Isang mahigpit na yakap "Sorry for shouting at you earlier. Hindi ko sinasadya"

Yumakap din ako sakanya pabalik "Ako dapat ang mag sorry kase nasapak kita huhu" umiiyak kong sabi.

Hinaplos niya ang buhok ko "It's okay hmm"

"Jayden natatakot ako" wala sa sariling sabi ko. Pakiramdam ko may nakatutok pa din na baril sakin.

Tinitigan niya ang mga mata ko "Why?"

Hindi ako nagsalita. Niyakap niya naman ako ng mahigpit.

"I promise i'll protect you with the best i can" paninigurado niyang sabi. Tumango lang ako.

______________________________
______________________________

"Saan ka pupunta?" Nagtataka kong sabi. Kagigising ko lang dahil sobrang napagod ako.

"We're going to leave now" sagot niya. Abala sa pag aayos ng baril niya.

"Ha? Bakit may kalaban na naman ba? Nahanap ba tayo?" Nababahala kong sabi saka lumapit sakanya. Na trauma ata ako dahil sa nangyari kagabi.

Umiling siya  "We need to leave this place immediately. Marami nang nakapalibot satin. Nagmamanman. We need to be careful" seryoso niyang sabi. Para bang may giyera na magaganap.

Napapalunok na tumango na lang ako saka tumingin sa baril na hawak niya "Totoong baril ba yan?" Nag aalangang tanong ko.

Napatingin siya sakin "Yeah! You want one?" Nakangiti niyang sabi

Nanlaki ang mga mata ko "Talaga? Pwede akong gumamit niyan?"

Tumango siya "Of course! So you can protect yourself too"

Napakunot ang noo ko "Kala ko ba poprotektahan moko? Nagbago naba isip mo? Sabi na nga ba sa una kalang magiging mabait sakin e" nakanguso kong sabi sabay irap.

May pa promise promise pa siyang nalalaman tapos amp.

Natawa lang siya mas lalo tuloy akong napanguso.

"Stop pouting! You look like a duck" natatawa niyang sabi. Nagtaka naman ako.

"Ha?"

"Pft nothing. Ready yourself we're going to leave"

"Luh! Hindi pa ako nakaligo pwede bang mamaya na lang?"

"Mabango ka naman kahit di ka maligo" mahina niyang sabi pero nadinig ko pa din.

"Psh! Sandali lang naman e. Wag ka ng mambola"

"Pft hindi kita binobola! Go wash yourself" nakangiti niyang sabi. Tumango lang ako saka naglakad papuntang banyo.

"Nakakapagtaka! Bakit kompleto ang mga gamit dito? May dati bang nakatira dito tapos naiwan lang yung mga gamit nila?" Kausap ko sa sarili ko.

Nakakapatagka kase may mga sabon, shampoo at mga toothbrush. May sariling tubig din tapos may twalya pa.

Kompleto lahat ng gamit. Sobrang linis ng buong bahay kaya di kami nahirapan. Ayaw din ako paglabahin ni jayden. Ewan ko ba sakanya sanay naman ako sa ganong gawain.

Kapag tinatanong ko naman. Wag ko nalang daw pansinin baka umalis lang yung may ari ng bahay kaya ganun. Tumango na lang ako.

And speaking of jayden. Actually close na kaming dalawa! Mabait naman siya. Maalaga, hindi niya ako pinapabayaan saka hindi niya rin pinaparamdam sakin na iba ako sakanya. Napakagaan ng loob ko sakanya para bang matagal ko siyang nakasama at nakilala. Ganun yung pakiramdam ko.

Pagkatapos kong maligo. Lumabas na ako pero sana hindi ko na lang ginawa. Sana hindi na lang ako naligo. Sana pumayag na lang akong umalis edi sana hindi mangyayari to.

Kalasanan ko to!

To be continued...
















LOVE HURTS (ON-GOING)Where stories live. Discover now