Chapter 1: Death Is Only The Beginning

10.3K 94 2
                                    

Wala na yatang katapusan ang pagbalong ng luha sa kanyang mga mata dahil hindi ito maampat-ampat sa pagkakatulala niya habang nakaupo siya sa harap ng tokador niya.

Kanina pa niya naririnig ang mga katok ni Larina sa nakakandado niyang silid ngunit hindi niya ito sinasagot.

Wala siya sa sarili at gumugulo sa kanyang isipan na wala na nga talaga sila ni Nicholas.

Isa pang kalabog ang narinig niya. Nais na yatang wasakin ni Larina ang pintuan niya.

Ano ba ang kailangan nito sa kanya? Nandito lang naman siya sa kanyang silid at nananahimik. Gusto niyang mapag-isa kaya dapat ay huwag siyang abalahin nito.

“Ivy, open the door, ano ba!”

Palakas ng palakas ang tinig nitong rumirindi sa kanyang utak at naiirita na siya.

Please Lari, leave me alone! Leave me alone! Ang sigaw niya ngunit wala naman siyang nadidinig na lumabas sa kanyang lalamunan. Napahagulgol na isinubsob niya ang sarili sa tokador.

Ngayon lang totohanang pumapasok sa kanya ang malagim na katapusan ng mundo sa kanya. Dahil iyon sa tuluyan ng nawala sa kanya si Nicholas.

Ngayon niya napagtanto na hindi niya pala kayang mabuhay na wala ito sa kanyang tabi. Na walang kulay o halaga ang lahat kung hindi niya ito kapiling.

Hindi siya makapaniwalang isasantabi na lang siya nito ng basta-basta matapos niyang ibigay ang lahat-lahat.

Hindi niya matanggap na napakalupit nito. Na may ganitong uri ng katauhan ito na pinag-alayan niya ng kanyang puso’t kaluluwa.

Nabalewala lang pala dito ang lahat ng inialay niya.

Hindi ba nito nakita kung gaano kalinis ang hangarin niya? Na wala siyang ibang nais kundi ang mahalin ito ng walang hinihinging kapalit kundi ang makapiling lamang ito?

Hindi niya maunawaan na napakababaw ng dahilan nito upang basta na lang siya nitong ibasura.

Love? Bullshit! Sigaw ng isip niya. How dare he use love to excuse himself!

Kalokohan na gamitin nito ang pagmamahal upang makawala sa pagkakatali sa kanya.

Pero hindi ba’t sa umpisa pa lang ay alam naman niyang hindi siya mahal nito? Na wala itong ibang intensyon sa kanya kundi ang makasama siya sa kama?

Malinaw naman nitong ipinaintindi sa kanya noon na wala itong natatangi o espesyal na pagtingin para sa kanya kundi karnal na pangangailangan lamang.

Ngunit hindi pa rin siya nagpapigil sa sariling damdamin dahil tanga siya. Bobo siya. Higit sa lahat desperada.

Pero hindi siya lubos na naniniwala na wala itong pagtingin sa kanya dahil sa bawat oras na magkapiling sila ay nararamdaman niyang may puwang na siya sa ng puso nito.

Na sa sandaling pinagsamahan nila ay natitiyak niyang nagkaroon siya ng kahit na kaunti ngunit permanenteng pitak doon.

Alam niya dahil nararmdaman niya kahit hindi ito nagsasalita sa kanya.

Pero kung totoo ngang nakapitak na siya dito ay bakit kung gayon ay para siyang isang laruan na ng mapagsawaan ay madali siya nitong naisantabi ng walang panghihinayang?

No! Hindi totoo yan! Ang sigaw ng kanyang isip.

“Hindi totoo yan!” halos mababaliw na sigaw niya.

Sa galit ay pinagdadampot niya ang lahat ng mahagilap ng kanyang kamay at binato ang salamin ng kanyang tokador.

At sa isang nakakabaliw na sandali ay hindi siya nagdalawang isip na kumuha siya ng matulis na piraso ng nagkapira-pirasong salamin.

Tila dahil sa desperasyon at pagkabigo ay hindi siya nag-aalinlangan o nag-isip man ng panggigilan ang paglaslas sa kanyang pulso.

Walang tanging laman ang kanyang isip kundi ang magpakamatay ng mga sandaling iyon dahil wala na rin namang katuturan o patutunguhan ang kanyang buhay matapos ang magagandang yugto kay Nicholas.

Wala ng kwenta pa sa kanya ang buhay kung wala na rin naman siyang paglalaanan nito.

Muli niyang narinig ang sunod-sunod na pagkalabog sa kanyang pintuan.

“Ivy ano ang nangyayari sa iyo diyan! Pagbuksan mo ako please!”

Marahil ay narinig nito ang pagwawala niya kaya’t lalong nagpursigi itong mabuksan ang pintuan niya.

“Yvette open the door! Open the door!”

Hindi niya ito pinansin bagkus ay napatingin siya sa nalaslas na pulso. Malakas ang pag-agos ng dugo mula dito.

Nais niyang mapangiti. Bakit ganun? Wala siyang maramdamang sakit o anupaman? Maliban sa pamamanhid ng buong katawan niya.

Namanhid na nga ba siya ng tuluyan? Muli na naman siyang napahagulgol sa pagkahabag sa sarili habang unti-unti siyang nakakaramdam ng matinding panghihina.

Pero bakit ang dinadaing ng dibdib niya ay damang-dama niya ang sakit. Nanunuot hanggang sa kaluluwa niya.

Tinotorture ang buong katauhan niya sa pagdurugo ng kanyang puso. Ngunit bakit ang sugat niya ay hindi niya maramdaman? Ni hindi nga niya namalayang nilaslas na pala niya ito. Pinarurusahan na ba siya ng langit dahil sa kahangalan niya?

Isinubsob niya ang kanyang mukha sa nakatukod na kamay sa ibabaw ng tokador.

Patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha habang tinutunghayan ang kanyang nalaslas na pulso na tila lalong papalakas ng papalakas ang pag-agos ng dugo.

Unti-unti napapikit ang kanyang mga mata. Tila nangangapos ang kanyang hininga sanhi marahil ng pagbabara ng kanyang lalamunan at pagsisikip ng dibdib dahil sa matinding pagtatangis.

Pakiramdam niya ay papanawan siya ng ulirat. At bago pa siya nawalan ng malay ay umabot pa sa kanyang balintataw ang mga patuloy na pagsisigaw at pagkalampag ni Larina sa kanyang silid.

“Ivy, oh God, oh God! Open up please, Ivy! Yaya Santa ang duplicate key pakibilis! Yaya Santa…!”

Pabigla siyang napabangon mula sa pakakahiga nang mamalayan na hilam na hilam na ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak. Awtomatikong pumahid ang kanyang mga kamay upang punasan ito.

Napaupo siya sa gilid ng kama. Nagbabara ang kanyang lalamunan sa pagsigok.

Hindi siya halos makahinga sa matinding emosyon na tila ba kahapon lang naganap ang lahat.

Halos tatlong taon na niyang naibaon sa limot ang mapait na karanasan ngunit pakiramdam niya ay sariwang-sariwa pa rin ito sa kanya.

Hindi niya sinasadyang balikan sa alaala ang nakaraan nila ni Nicholas basta’t namalayan na lamang niyang dumaloy na lang ito ng kusa at sinasariwa.

Tinungo niya ang banyo at naghilamos. Pagtingala niya sa salamin ay bakas na bakas pa rin doon ang multo ng kahapon.

Napamura siya ng matalim sabay pikit ng mariin. Dahil doon ay hindi na siya muli pang dinalaw ng antok.

THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon