UNANG beses na iniwan ni Olsen ang isang event at kahit pa sabihing isang malaking kliyente ngayon ang pinagsisilbihan ng kanyang photo services agency, hindi niya maaaring ipagpalit iyon para sa nakatakdang mangyari sa kanya ngayong araw.
Sukbit sukbit pa niya ang kanyang camera habang humahangos na tumakbo papasok sa ospital na itinuro ng kanyang mama noong tumawag ito sa kanyang kanina. He immediately went to the delivery room.
"Ma, anong nangyari?" bungad agad niya sa ina ng makitang naroroon ito sa labas at naghihintay kasama ang kanyang papa.
"She's in there," sabi nito sa kanya, maluha-luha. Those were tears of joy, he was so sure of that. "Pumasok ka na sa loob. They are expecting you there."
Walang pag-a-atubiling pumasok siya. Binilin na niya iyon sa doctor nilang buwan na ang nakakalipas. Hindi pwedeng siya, na isang tanyag na photographer ay walang anumang ebidensyang makakapagpaaala sa kanya ng araw ng pagsilang ng kanyang triplets.
Yes, his wife, Rissa, is now delivering their children. It was gift from God, dahil hindi lamang isang bata ang ibinigay Nito sa kanila, kundi tatlo.
Mabilis siyang lumapit kay Rissa na ngayon ay patuloy sa pag-ire. He held her hand tightly while is free hand was busy pushing the shutter button.
"You can do it, honey," usig niya sa asawa. Marahil kung may makakakita sa kanya, sasabihing baliw siya para unahin ang pagkuha ng litrato kaysa yakapin at hawakan ang asawa niya. But he knew, none of them would ever understand the beauty of capturing the moment in still life photos. It was glorifying, parang kaya niyang hawakan ang oras at itago iyon pang habang buhay.
And he really wanted that, kaya naman noong lumabas na ang tatlong bata—lahat lalaki—ay sunod sunod ang ginawa niyang pagpindot. That moment he promised that his babies will also understand the true meaning of taking photos and capturing the moments.
"Congratualtions Mr. and Mrs. Elizalde, successful po ang delivery natin ng triplets," ani ng doctor. "Ano pong ipapangalan natin sa kanila?"
He was smiling widely. Kung maaari lamang na mapunit na ang kanyang mukha sa kakangiti, marahil ay kanina pa nangyari iyon. Hinawakan niyang muli ang kamay ni Rissa at nilinon ang asawa. She smiled at him weakly.
"Nikon, Canon, and Pentax," he said confidently. "Iyon ang mga pangalan nila."
BINABASA MO ANG
Picture of Love Trilogy Book 1: Nikon's Tutti Fruity
RomanceNikon and Tutti had always been each other's worst enemies, but they were also each other's best of friends. Magulo, platonic at hindi kayang ipaliwanag ng salita ang kanilang relasyon sa isa't isa. Pero isang bagay yata ang common denominator nila:...