Trixie.
Wala kaming imikan sa loob ng sasakyan kaya nagulat na lang ako ng biglang huminto ang aming sinasakyan.
Nagpalinga-linga ako at nakita kong nasa parking lot na kami.
Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng magsalita siya. "Wait here." At nagmamadali siyang bumaba.
Iwan daw ba ko? Psh.
Nakasimangot na ko ng biglang bumukas ang pinto.
"Let's go wifey." Paglalahad niya ng kamay sakin. "Oh bakit ang haba ng nguso mo?" Natatawang saad pa nito.
"Wala." Walang ganang tugon ko.
Naiinis kase ako kahit na sabihing boss ko ito noh.
"Hahaha. Akala mo iiwan kita noh? I won't leave you wifey." Nang-iinis na sabi niya sakin sabay hila ng marahan pababa.
Holding hands while walking kaming dalawa.
Kaya..
Dug dug.
Puso tumigil ka naman muna oh. Di ako makapag-concentrate ng maayos e.
"Smile wifey." Sabi niya bago kami tuluyang makapasok sa loob ng building.
Hindi ako ngumiti.
Dahil sa hindi ko feel pero dahil napanganga ako.
Napanganga ako sa laki ng building na to.
Mayaman din naman kami. I mean mayaman naman si old man pero bakit parang mas mayaman tong lalaking to?
Grabe ang ganda sa loob.
Para siyang 5-star hotel sa ganda.
Yung feeling na parang laging gagawing venue yung lugar na ito.
Parang lahat ng tao ay gaganahang magtrabaho dito.
Grabe talaga hindi ako makapaniwala sa ganda nito.
Puno ng magagandang ilaw.
Sobrang liwanag na hindi mo naman ikakasilaw.
Yung tiles niya ay makintab na makintab. As in.
Yung mga couch sa waiting area parang millions na agad ang halaga.
Yung mga table sa front desk mukhang nanahalin din.
Yung elevator po. Hindi siya yung typical na elevator lang ha.
Glass siya na para bang oag nabunggo ka kahit mahina lang ay mababasag na agad.
"Ang ganda naman dito. Isama mo na lang ako dito palagi kahit tagalinis lang." Hindi ko napigilang bulalas.
Kase naman ang ganda talaga dito.
"Sure wifey. You're always welcome here. Let's go upstairs." Aya niya sakin.
May private elevator siya dito.
Ang sosyal niya noh?
Ay teka, pano ko nalaman na private to? Eh kase kaming dalawa lang ang tao dito e.
WAIT. Kaming dalawa lang?
Agad aking napatingin sa kanya kaya nahuli ko siyang titig na titig siya sakin.
Parang kagabi pa to ah.
Nagkakagusto na kaya to sakin? Masakyan nga sa trip niya.
Ngumiti ako sa kanya. "Baka ma-inlove ka sakin niyan." Nang-aasar na sabi ko.
BINABASA MO ANG
My Maid Is My Wife To Be?!
Любовные романыPapayag ka bang pakasalan ang taong itinakdang pakasalan mo? O gagawa ka ng paraan para takasan siya? Eh pano kung sa pagtakas mo may taong kang makilala na nagpatibok ng puso mo? Sinong pipiliin mo? Yung lalaking mahal mo o yung lalaking itinakda...