CHAPTER ONE

42 6 0
                                    

"HINDI pa business hours. Sa labas ka nalang maghintay," sabi ni Nikon kay Tutti nang ito ang mabungaran niya sa labas ng Photo Shop nila. "Photo Shop" talaga ng pangalan ng photography agency-slash-studio ng kanilang pamilya na sinimulan ng kanyang papa bago pa man sila iniluwal ng kanilang mama.

He and his brothers, Canon and Pentax, grew up being exposed to anything and everything about the cameras and photography. Kaya hindi nakataka-takang iyon din ang pangalan nilang magkakapatid. Iyon ang kinamulatan nilang hilig at pinagkakakitaan ng kanilang ama and all of them loved it too.

Pakiramdam niya, sa tuwing hahawak siya ng camera ay ipinangak siya para gawin iyon. He loved the feeling na para siyang nagti-time travel at nawawala sa tunay na mundo habang hawak ang camera niya. At dahil triplets sila, alam niyang iyon din ang nararamdaman ng dalawang nakababatang kapatid na parehong nasa linya rin ng photography ang trabaho.

Yes, triplets sila pero sa unang tingin hindi mo iyon aakalain dahil hindi sila magkakamukha. They were fraternal siblings. Mayroon lamang silang mga pagkakahawig kagaya ng regular na magkakapatid. He was oldest of the three by three minutes samantalang si Canon, na sumunod sa kanya, ay mas matanda ng apat na minuto sa bunso nilang si Pentax.

"Sungit mo naman," sabi ni Tutti sa kanya saka pilit na binuksan ang pinto ng shop sa pamamagitan ng pagharang ng sarili nito doon.

"Ang aga-aga kasi, nangangapitbahay ka na naman," sita niya nang tuluyang makapasok ang babae nang walang pahintulot. Dumiretso ito sa pinto sa kanan, ang daan papunta sa bahay nila na kanugnog lamang ng kanilang shop. Iyon ang main branch ng Photo Shop. Mayroon pa silang tatlong iba't ibang branches at balak pa nilang magexpand ng marami pa. Anyway, nakapasok na nga ang dalaga dahil kabisadong kabisado na iyon ni Tutti dahil throughout the years, ilang libo o milyong beses na yatang pumasok doon ang dalaga.

Isinara niya ang pinto ng shop at sumunod sa dalaga. Pagpasok niya, nasa komedor na ito, kausap ang kanyang ina na giliw na giliw sa bwisita nila.

"Nakasimangot ka na naman, Nikon," sabi ng kanyang ina nang bumaling sa kanya.

"Dahil sa'kin yan, tita," sabat ni Tutti sabay lapag ng isang mug ng kape sa harap niya. "Nangangapitbahay na naman daw kasi ako dito sa inyo."

Walang imik na kinuha niya ang kapeng ginawa ni Tutti. If there was one thing good about Tutti, it's the way she mixes coffee. Ewan ba niya, kahit ang mama niya hindi magawa ang timpla ni Tutti. Pero never niyang sinabi iyon sa bwisita nila dahil alam iyang ikalalaki lamang ng ulo nito iyon.

"Tutti has been gone for months, Nikon," sabi ng ina niya at inakbayan pa nito ang babae. "Natural na namiss niya tayo kaya nandito siya ngayon."

"Makiki-kain lang yan, Ma."

Umismid si Tutti sa kanya, "Wala kang pasalubong sa'kin, kala mo ha!"

"Hindi naman ako humihingi!"

"Tita, oh!" sumbong ni Tutti sa kanyang mama. "Hindi na ba talaga magbabago yang kasungitan niyang anak nyo? Sa halos dalawang dekada naming pagkakaibigan, palagi akong sinusungitan niyan!"

"Sayo lang siya ganyan, dahil crush ka niyan," sabi ng kanyang mama na agad niyang tinutulan. "Oh, Nikon. I'm your mother. Dalawang dekada ko na kayong pinapanuod na mag-away bati."

Napailing nalang si Nikon dahil alam niyang walang saysay kung tututol man siya. Kampi ang kanyang mama simula't sapol kay Tutti. Six years old lamang siya noon unang beses niyang makita ang babae. Kalilipat lamang nito noon sa tapat ng bahay nila, at dahil naghahanap yata ng napaglalaruan, napunta ito sa loob ng shop nila noon at nakialam ng mga camera na nakadisplay at sa kasamaang palad ay...nakabasag.

Picture of Love Trilogy Book 1: Nikon's Tutti FruityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon