--+--+--+--
Binasa ni Karylle ang nakasulat sa dalawang papel na inabot sa kanya ng kapatid niya. Si Karylle ang bunso sa magkakapatid.
Ayon dito, ang pahinang iyon daw ay galing sa lumang diary ng kanilang yumaong lola..
""Hindi ko akalain na ang dating pinakamasasayang araw ng buhay ko na dulot ng isang pag-ibig ay iglap na magwawakas. Ang aking dating kapaligiran na puno ng kulay ay mawawalan ng sigla. Ako'y nag mimistulang tuyong dahon na tinangay ng agos. At doon, kung saan ko natagpuan ang aking sarili, at nagising na lamang akong wala nang saysay ang lahat... maging ang aking buhay. Pag-ibig ang dahilan ng aking pagdurusa...""
Karylle :"Wow !" Umiling-iling ito, halata ang lungkot sa mukha. "Hindi ko alam na magaling palang magsulat si Lola. Sa kanya ko siguro namana ang galing ko sa literature."
Ate Nika:"Hindi ka namin pinapunta rito para maging kritiko ng gawa ni Lola." walang siglang sabi nito."Natagpuan namin yan ng Ate mo ang pahina ng diary na iyan sa lumang bahay. There is something in it, Sis. Ituloy mo ang pagbabasa."
Kumunot ang noo ni Karylle. Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa.
""Isang pag-ibig na nagbigay sa akin ng lakas na panghawakan ang isang pangako na hindi kailanman nagkaroon ng katuparan. Iniwan niya ako. Ako at ang sanggol sa aking sinapupunan. Hindi niya itinupad ang pangako niyang magbabalik upang ipaglaban ang aming pag-ibig. Labis niya akong sinaktan. Hindi ko makakalimutan ang hapdi ng isang pag-ibig at ang pagkamuhing nilikha niyon sa aking puso. Darating ang panahon na ibabalik ko sa kanila ang sakit ng dinanas kong pagdurusa. Lahat ng tulad niya ay magbabayad....""
Nanlaki ang mata ni Karylle at napatingin sa mga kapatid.Hindi sila kumikibo. Ibinalik niya ang tingin sa papel na hawak niya. Ipinaibabaw niya ang sunod na pahina at itinuloy ang tahimik na pagbabasa
"" Lahat sila ay magtatamo ng pinakamasakit na kaparusahan...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kamatayan""Karylle:"Oh, God! What's the meaning of this?" Nanggigilagas na tanong niya. Tahimik lang ang kanyang mga ate. Pinagpatuloy niya ang pagbabasa.
"" Iibig ang mga babae sa aking angkan. At iyon ang panahon ng aking paniningil. Lahat ng lalaking iibig sa mga babaeng aking kadugo ay paparusahan ko bilang kabayaran sa pagdurusang ipinaranas sa akin ng lalaking inibig ko nang higit pa sa aking buhay. Tataglayin nila ang kaganapan ng sumpa. Kamatayan pagsapit ng ikadalawampu't limang taon...""
Karylle:"God, it's a curse!" Bulalas niya.
Ate Timmy:"At naniniwala ako na mabisa ang sumpa. Naaalala mo pa ba si Christoff, yung first love ni Ate Nika? He died when Ate Nika was twenty-five. Two years ago, when I turned twenty-five, Denjo died in a vehicular accident"
Seaman si Christoff. Boyfriend ng Ate Nika ni Karylle. Sa kasawiang-palad ay nakasama si Christoff sa mga namatay nang lumubog ang barko kung saan nagtatrabaho ito tatlong taon na ang nakalipas. Si Denjo naman ay Amerikanong asawa ni Ate Timmy.
Ate Nika:"Nang mamatay si Tatay, twenty-five years old si Nanay."
Karylle:"Hindi totoo yan! Hindi totoo ang sumpa!" Sigaw ni Karylle..
--*--*--
END OF CHAPTER.A/N: Simula pa lang yan! Abangan ang mga sunod na chapters. Meet new characters sa susunod na mga chapters!
VOTE,COMMENT, FOLLOW..
BINABASA MO ANG
Love And Death
RandomKailangang mahanap ni Karylle ang lumang diary ng kanyang lola kung saan nakasulat kung paano magwawakas ang diumano'y sumpa nito. Dahil sa sumpang iyon ay hindi siya pwedeng umibig pagtuntong niya sa edad na twenty-five. Otherwise, mamamatay ang la...