CHAPTER 1

5 0 0
                                    

Tondo.

"Anong tinitingin tingin nyo ha!"

Nasa tarangkahan pa lang ng maliit naming barong barong ay natatanaw ko na ang pasinghal na salubong ni kuya Baron sa mga tsismosa naming kapitbahay. Parang mga pagong naman na nagsitago ang mga ito sa kani-kanilang lungga.
Napakunot ang noo ko habang lumalapit si kuya.

"Ano yan!?"

Sigaw ko ng makita kung ano ba ang dala ni kuya at tingin ng tingin sa kanya ang mga kapitbahay. Sa halip na sagutin ako ay dire-diretso lang itong pumasok sa barong barong namin.

"Bulag ka ba? Kita mong bata tatanong ka pa?ang mahal mahal ng tuition fee mo bata lang tinatanong mo pa kung ano?"

Pasinghal na sagot ng barumbado kong kuya

"Aba..Aba kuya alam ko na BATA yan. Ang gusto kong malaman ay saan yan galing? Kidnapper ka na din ba ngayon?"

Pasinghal ko ding sagot di mo talaga makakailang magkapatid kami ni kuya Baron na syang naging kanlungan ko at bumuhay sakin mula ng mamatay ang mga magulang namin.

" Ha?! Anong kinidnap? Nalimot ko lang to nung nagmamatyag ako dun sa pinatitiktikan sakin nung pulis sa may bayan. Iyak ng iyak! O ikaw magbuhat ngalay na ko!"

Sabay pasa sakin ng batang walang kamuwang muwang na nakatingin sakin at ginawang tsupon ang hinlalaki. Natahimik naman ako.. Ang cute. Siguro naantig ng batang to ang puso ng kuya ko kaya dinala sa bahay.. Pero kinakabahan pa din ako kung saan ba talaga nakuha to ni kuya.

"Aalis muna ako para bumili ng gatas ng bata ikaw na muna bahala tutal wala ka namang pasok. O isang daan idagdag mo sa pangbili ng project mo nakakahiya namumulot ka ng bote sa daan! Pinagaaral kita para di ka magaya sa mga kaedad mong... Tsss alis na nga ako"

Sabi pa ni kuya sabay abot sakin ng isang daan na alam kong binawas pa nya sa kinita nya. Nakatanaw lang ako sa kanya habang umaalis. Napatingin ako sa bata tulog na ito kaya inihiga ko ito sa higaan ko.. Akin kasi ang may kutson kay kuya ay banig lang. Kinuha ko ang kahong pinagtataguan ko ng ipon ko at inilagay ang isang daang piso na bigay nya.

"Recycled kaya yung project ko kailangan ko talagang mamulot ng bote noh!"

Natatawa kong wika. Binantayan ko na lang ang bata habang nagbabasa ng libro.
Pero nababahala talaga ako.. Tinitigan ko ulit ang bata.. Sana naman ay walang ginawang masama si kuya kaya nasa amin ito ngayon.

" Isipin pa ni kuya ang pang gatas sa iyo! Kanino ka ba kasing anak? Kawawa ka naman ang pabaya ng magulang mo"

Para kong tangang kumakausap sa batang tulog.. Siguro ay nasa anim hanggang pitong buwan. Mataba ito at maputi matangos ang ilong at malantik ang pilik. Base sa hikaw nito sa tenga ay babae ang bata. Ineksamin ko ang suot nitong damit over all ito na kulay pink sa dibdib ay may nakaburda na Cherry. Wala akong makita na palatandaan o kahit anong pwedeng pag kakakilanlan maliban dun.

"Hmmm.. Sige ikaw na lang si Cherry"

Wika ko saka hinaplos ang kanyang ulo.

Nagising ako sa iyak ng bata. Pagmulat ko ay nakita ko si kuya na di malaman ang gagawing pagpapatahan sa bata.

"Sabi ko bantayan mo hindi tulugan mo! Paano kung nahulog to? Pagtimpla mo nga muna ng gatas baka gutom na to!"

Sabi agad ni kuya ng makitang gising na ako. Inirapan ko sya saka ko kinuha ang mga binili nyang supot na may lamang isang pack ng diapers, feeding bottle at dalawang kahon ng gatas binasa ko muna ang gatas baka kasi hindi akma sa edad ng bata.

" Bilisan mo!"

Sigaw ni kuya. Agad naman akong nagtimpla at iniabot sa kanya. Itinapat nya kaagad ito sa bibig ng bata na parang ilang araw di pinakain. Natulala ako sa pagubos nya sa gatas di ko namalayan ang pagkakangiti ko. Di ko namalayan na ganun din pala si kuya. Madalang ko syang makitang nakangiti lagi kasi syang seryoso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ESCAPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon