'Till Death Do Us Part (Short Story)

867 6 4
                                    

'TIL DEATH DO US PART

(TRAGIC LOVE STORY)

Shannon Montemayor & Sinn Moreno

Pauwi na ako.. Pero hihintayin ko pa si Sinn.. Sabay kasi kaming uuwi eh..

Ako nga pala si Shannon.. Boyfriend ko si Sinn. Second year college ako at si Sinn graduating na..

Nakasanayan na kasi naming umuwi ng sabay.. Hinahatid niya ako lagi.. Kahit may importante itong lakad, hahanap pa rin ito ng oras maihatid lang ako pauwi.. Mas mapapanatag daw kasi ang loob nito at para hindi ito masyadong mag-alala..

“Bhe..”, tawag sakin ng isang lalaki..

Kahit di ko tignan kong sino yun, alam na alam ng puso ko kung sinong may-ari ng boses na yun..

“Bhe.. Sabi ko naman sayo.. Kahit mag-isa ko na lang munang umuwi ngayon.. Ayos lang naman sakin eh. Tsaka ngayon lang naman ah.. May praktis pa kayo ng banda..”

“Ano ka ba bhe..  Di ka pa ba nasasanay sakin? Sus, itong baby ko talaga oo. Tara na. Akin na yang mga gamit mo..”, sabi nito sa akin na kinurot pa nito ang pisngi ko..

Haaay.. Napakaswerte niya talaga. AS IN! Nakahanap siya ng lalaking sobrang nagmamahal sakanya.. Di na nga niya maisip ang buhay niya na wala ito sa tabi niya eh. MAHAL NA MAHAL NA NIYA KASI ITO..

Ang problema lang, di pa niya ito naipapakilala sa Mama niya. Busy kasi ito eh.. Busy sa negosyo nila sa ibang bansa.. Magmula nung namatay ang Papa niya at hindi na nila nahanap ang Kuya niya nagkaganun na ito. Sa pagkakaalam niya, magpi-pitong buwan pa lang siya nun at yung kuya niya magdadalawang taon pa lang.. Naging sobrang busy na ito sa trabaho at pati siya na anak nito eh hindi na ata nito magawang asikasuhin. Nabubuhay na lang siya sa piling ng mga katulong nila.. Namatay kasi sa plane crash ang Papa niya. Kasama niya ang kuya niya nun na pabalik dito sa Manila.. Pero dahil sa aksidenteng yun, hindi na nakabalik ng buhay ang kanyang ama.. At ang kanyang Kuya naman, nawala. Hindi na nila nahanap kung saan ito napadpad.

“Oh, malalim na naman yata yang iniisip mo bhe?”, sabi ni Sinn sakanya na nakapagbalik sa isip niyang lumilipad.

“Ah, wala to bhe.. May naisip lang ako..”

“Mama mo na naman? Papa mo? Kuya mo?”, sabi nito sakanya.

“Yes.. Pano kaya kung nabubuhay sina Papa at Kuya, hindi kaya magiging ganun si Mama?  Ni minsan kasi di ko naramdaman ang pag-aaruga niya sakin..”

“Baby..”, sabi nito sakanya na pinihit siya nito paharap sakanya..

“Nandito naman ako diba? Mahal na mahal kita..”, sabi ulit ni Sinn sakanya at hinalikan siya sa noo niya..

Sana nga hindi siya iwan ni Sinn. Mahal na mahal niya ito. At hindi niya siguro makakaya kung mawawala ito sakanya..

..

December 4.

1 year and 7 months na nila.. Ganito katagal. Ganito na katagal ang pagmamahalan nilang dalawa. Sana nga habangbuhay na to. Hinding hindi sila maghihiwalay. Pangako niya sa sarili niya yun..

Nag-date sila.. Nanonood ng sine. Tumambay at nagpalakad-lakad sa parke gaya ng ibang magkasintahan din.. Ang saya saya nila. Yung para bang para sa kanila, wala ng bukas pa.

“Bhe.. Sana ganito tayo lagi. Walang away. Magkayakap. Naglalambingan. Parang walang problema. At higit sa lahat, mahal na mahal natin ang isa’t isa..”, sabi sakanya ni Sinn..

“Yea Baby. Alam mo bang mahal na mahal kita? Ewan ko ba. Kasi nung una pa lang taung nagkakilala, gumaan na agad ang loob ko sayo.. You know what bhe? Sabi ni Nanay Mena, magkamukha daw kayo ng nawala kong kuya.. Kung siguro lumaki daw siya ng kaedad mo, hawig na hawig daw kayo.. Kaya nga daw gumaan agad ang loob niya sayo eh. Haay. Kung nabubuhay pa sana si kuya, siguro sobrang close kayo no?”, sabi niya kay Sinn..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Till Death Do Us Part (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon