Not A Dude
Kieffer's POV
Hindi ako makatulog. Kanina pa ako pa-ikot ikot dito sa kama. May punyetang bumabagabag sa isip ko.
What if he heard that? Ano na ang gagawin ko? Mabubuking ako sa punyetang kabaklaan na toh, bwiset. Tanga ko kasi, alam kong ang ganda ng moment namin ni Amber pero wag ka naman magsasabi ng 'mahal kita' agad!
"Hoy baklers! Kanina ka pa pa-ikot ikot diyan!" rinig kong saway sakin ni Amber, pag-umiikot kasi ako umaalog ng malakas yung kama
"S-Sorry." nauutal kong sabi, hanggang ngayon hindi parin maalis sa memorya ko kung gaano kalapit yung mukha namin ni Amber kanina jusko. *o*
Pwede mag-fanboy? Tae naman.
Naalala ko rin kung paano niya ako sinuntok ng ubod ng lakas kanina. Ang sakit kaya nun! Nagasgasan yung iniingatan kong mukha! Pero kahit ganun, tinanggap ko parin yung sorry niya
Hindi ko kasi siya matiis >3<
"AYAW MO TALAGANG TUMIGIL?!" nagulat ako ng biglang sumigaw si Amber, ay pasensya naman "Sorry. Di kasi ako makatulog eh!" rason ko sa kanya
"Then what do you want me to do?! Kailangan ko pa bang bigyan ka ng gatas at tabihan ka?" sabi nito na may halong sarcasm, sige tabihan mo ako dito dali! Hehe "Sige. Dali tabi ka dito!" pagbibiro ko at pinagpag yung side ng kama ko
Tumayo siya at kinuha yung unan niya, oh what the fck?! Tatabi talaga siya? Sht sht. Hindi ako prepared! Nag-tootbrush naman ako kanina, nag-deodorant naman ako!
Umupo siya sa kama ko at biglang...
"Mmmph.... hmmmp!" yan nalang ang nasabi ko dahil tinakpan niya yung mukha ko ng unan. Aish! Akala ko naman eh!
"Ayan! Papatayin pa ba kita para makatulog ka?" sabi nito at nakatakip parin yung unan sa mukha ko, jusko Lord! Di ako makahinga!
Natanggal ko naman yung unan at bumalikwas sa kama, nakikita ko naman si Amber na tawa na lang ng tawa. Gago talaga toh, papatayin yata ako eh
"Matulog ka na. Good Night, baklers." sabi nito at kinurot yung ilong at ngumiti, tumayo naman siya sa kama ko at humiga na sa kama niya
Hala... Amber pwede dito ka na lang sa tabi ko, please? >3<
Pagkatapos ng ilang minuto, naramdaman kong nakatulog na si Amber. Samantalang ako, gising na gising padin ang budhi. Naalala ko na naman kasi yung Jackson na transferee na bwisit na puta
BAKIT NIYA KASI BIGLA BIGLANG YAYAKAPIN SI AMBER?! NAKAKAINIS.
Ako nga tong roommate niya na ilang buwan ng magka-kilala, hindi ko pa siya nayayakap eh! Tapos siya transferee at yayakapin niya agad! Aba, masyado naman siyang pinagpala ng Panginoon.
Nagseselos ako? Oo. Sobra.
Pero paano kapag may past sila nung Jackson na yun? Pero hindi naman bakla si Amber eh. Pero paano kapag meron nga? Hay nako.
Itutulog ko na nga lang toh >3<
~*~*~*~*~*~
Amber's POV
GOOD MORNING! MADLANG FIFOLSZXC :>
Okay. Ang jeje nung fifolszxc. Good mood ako ngayong araw, bakit? Kasi pagka-gising ko may breakfast agad ako, hinanda ni baklers, pancake pa!
Sharap. Hehez. May strawberry pa at whipped cream sa taas at may chocolate syrup. *o*
"Abot tenga ngiti mo ah." puna sakin ni Kieffer "Eh kasi ang sarap nung pancake mo! Alam mo bang favorite ko 'yun?" tanong ko sa kanya "T-Talaga? Favorite mo yun?" gulat na gulat na tanong niya
BINABASA MO ANG
Not A Dude [On Going]
Teen FictionAng Winston University ang isa sa mga pinaka-sikat na all boys school sa panahong ito. Saksakan ba naman ng gwapo, talino at hotness ang mga boys dito, won't you pay a visit? Pero ano ang mangyayari kapag may nakapasok na babae sa university na ito...