Kabanata XII

2.6K 24 0
                                    


"Tim, ikaw na ang bahala sa kanila. Itakas mo sila. Ang importante makatakas kayo habang dinidistract namin si Trevor. Heto ang susi ng kotse." Agad niya itong inabot kay Tim.

"Teka, Lucas. Paano kayo?" Tanong ko. Inaamin ko, natatakot ako. Kinakabahan.

"We will be okay. Ang importante ay ang makatakas ka." Sabi nito sa akin.
Agad akong napayakap kay Lucas.

Para na siyang kapatid sa akin. Actually silang lahat. I am very thankful na nagkaroon ako ng nga kaibigan na tulad nila. I really couldn't imagine them doing this for me. I am beyon blessed and happy.

"Mag-iingat kayo. Ingatan mo si Ellie." Napatingin ako kay Ellie.

I hugged her tight.

"Take care of yourself okay? Magkikita pa tayo tapos nito." Wika ko. Tumango naman ito.

"Umalis na kayo dali. Sa likod kayo dumaan." Agad na akong hinawakan ni Tim at agad na kaming lumabas ng kwarto.

Don't worrt guys, alam kong matatapos din ito.

---

Ellie's Point of View

"Ano? Halika na?" Sabi sa akin ni Lucas.

Agad na kaming lumabas ng kwarto. May hawak akong baseball bat habang may hawak namang palakol si Lucas.
I know Trevor, alam kong alam niya na nasabi ko na ang sikreto niya sa barkada.

I am a bit nervous. Paano pag hindi nakinig sa amin si Trevor?

Maingat kaming bumaba ng hagdan. Hindi kami gumawa ng kahit anong ingay.

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Asan si Anya?" Napalaki ang mga mata namin pareho.

Agad akong lumingon at dun ko na nakita si Trevor. Nakatayo ito at may hawak ding palakol na may bahid ng dugo. Agad nanlaki ang mga mata ko ng makita ang nakahandusay na katawan ni Cobe sa may pintuan.
Duguan ito at walang malay.

"Anong ginawa mo sa kapatid ko? Hayop ka!" Sigaw ni Lucas at agad na sinugod si Trevor.

Akmang hahampasin niya ito ng umilag si Trevor kaya siya ang nahampas nito sa tiyan.

Napaupo si Lucas sa sahig habang nakahawak sa kanyang tiyan. Umuubo ito at may kaunting dugo na lumalabas sa bibig niya.

"Trevor, please tigilan mo na ito." Napatingin sa akin si Trevor. Dahan-dahan siyang lumapit habang umaatras naman ako.

"Why so scared, Ellie?" Napangisi ito. Ibang iba na siya. Tuluyan na ngang nagbago si Trevor. Demonyo siya!

"Sobrang nagkamali ako na pinagkatiwalaan kita at pumayag ako sa sinabi mo. Alam mo, kung hindi ako nagpadala sa paiyak-iyak mo noon, sana matagal ko ng napatay si Anya." Naging seryoso siya bigla.

Kitang kita sa kanyang nga mata ang labis na galit.

"Alam ko naman na ayaw na sakin ni Anya eh. Alam kong may iba na siya. Hindi ako manhid!" Sumbat pa niya sa akin.

"Hindi, Trevor. Mahal ka ni Anya at yun ang totoo. Nago-overthink ka lang." Sabi ko.

"No!" Napatalon ako sa gulat ng bigla siyang sumigaw. "Pinapagpalit niya ako kay Tim. Mga walang hiya sila. Papatayin ko sila!" Dagdag pa niya. He is really out of his mind.

"Trevor... Tigilan mo na to... Tigilan mo na si Anya." Nabaling ang atensyon niya kay Lucas na nakahiga sa sahig. Punong puno na ng dugo ang kanyang bibig.

"Shut up! Dapat nga hindi kayo kasali dito eh. Wala kayo sa plano kaso mga pakialamero kayo!" Sabi niya dito.

"Trevor, makinig ka sa akin. Tigilan mo na to. Magsimula ka muli, tutulungan ka namin." Tumulo na ang aking mga luha.

It hurts seeing him like this. Trevor has been my friend at may pinagsamahan kami. I know that he is not like this. Hindi siya nananakit ng tao lalong lalo na hindi siya mamamatay tao.

"I don't need all of you. Wala na kayong silbi kaya mas mabuti pang mawala na lang kayo." Sabi niya. Agad siyang may kinuha sa likuran niya. Kutsilyo.

"No! No, Trevor. Ibaba mo yan." Sabi ko. Ngumisi siya tsaka napatingin kay Lucas. Noooo!

Bago pa ako makapagsalita, agad na niyang sinaksak si Lucas sa tiyan. Nakita ko kung paano lumabas ang dugo sa katawan ni Lucas.

"No! Lucas..." Tuluyan na akong napahiga. Agad siyang napatingin sa akin. May kaunting dugo sa kanyang mukha dulot ng pagtalsik ng dugo ni Lucas.

"One down. Wanna play a game, Ellie?" Wika niya. Patuloy pa rin ako sa pagiyak. Hayop siya! Walang puso!

"Run and Hide, Ellie!" Tumayo siya at lumapit sa akin. Agad akong tumakbo. Shit!

---

Tim's Point of View

"Tim, bilisan mo!" Sigaw ni Sammy sa akin. Shit! Bakit ba hindi umandar ito. Tanginang Lucas, sure ba siyang susi talaga ito ng kotse? Baka susi ng pintuan to ha.

"Ayaw umandar! Fuck!" Napamura na lang ako.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Sammy na nasa likuran. Napatingin ako kay Anya. Tahimik lang ito at para bang malalim ang iniisip.

"Anya, okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Tim, babalik tayo sa loob. Babalikan natin sina Ellie." Sabi nito.

"What? Delikado, Anya." Sabi ko naman. Damn! What is she thinking?

"No. Kung ayaw niyo ako na lang ang babalik dun. Hindi natin sila pwedeng iwan. Hindi kaya ng konsensya ko." Paliwanag niya. Fck!

"Its okay. Dito na lang kayo." Sinimulan na niyang alisin ang seat belt niya. Desidido na talaga siya.

"Anya!" Napatingin kami parehas kay Sammy. Naka lip bite ito. Shit! Bakit ang ganda nita habang naka kagat labi? Tangina! Ano ba tong iniisip ko? Mag seryoso ka nga, Tim.

"Sasamahan kita." Dagdag pa niya. Wtf!

"Iiwan niyo ako dito?" Tanong ko.

"Ayaw mong sumama eh. Bahala ka diyan." Sabi ni Sammy bago lumabas ng kotse.

"Sandali! Sasama na ako." Labag man sa kalooban ko ay sumama na ako. Hayysss, mga babae talaga di papigil!

---

Ellie's Point of View

"Ellie, lumabas ka na." Rinig kong sabi ni Trevor mula sa labas. Napahawak ako sa bibig ko para hindi niya ako marinig. Nandito ako ngayon sa loob ng cabinet at kitang kita ko ang kanyang anino mula sa labas.

"Alam kong andyan ka lang. Galing mong magtago ha. Pero kahit anong tago mo mahahanap at mahahanap pa din kita." Sabi pa nito.

Tuluyan na akong napaiyak. Sobrang nakakatakot ni Trevor.

Biglang nag ring ang phone ko. Tangina!

Dali-dali ko itong pinatay. Shit! Alam kong narinig iyon ni Trevor.

Nakikita kong papalapit na siya sa cabinet at kasabay nito ang paglakas ng kabog ng aking dibdib. Shit! Ito na ata ang katapusan ko.
Biglang bumukas ang cabinet.

"Gotcha!" Agad niyang hinawakan ang buhok ko at kinaladkad ako papalabas ng cabinet. Napahawak ako sa buhok kasi sobrang sakit ng pagkakahawak niya. Parang matatanggal ang buhok ko sa aking anit.

"Aray!" Bigla niya akong tinulak sa kama.

"I warned you to shut your mouth, Ellie. Pero anong ginawa mo? Sinabi mo yung totoo kina Anya kaya ayun, mas hindi na niya ako mapapatawad. At mas lalo ng hindi na kami magkakabalikan." Wika niya.

"Trev, Anya deserves to know the truth." Sabi ko.

"Shut up!" Sigaw niya sa akin. "I don't need your fucking opinion. Tapos na ang papel mo. Oras na para magpaalam." Sabi nito. Agad niyang kinuha ang baseball bat at tumingin sa akin. Bigla itong ngumisi.

"Magpaalam ka na, Ellie." Akmang ihahampas na niya sa akin ang baseball bat ng may biglang sumigaw.

"Trevor, tigilan mo na to!" Napatingin si Trevor sa likuran.

"Anya" Sabi ni Trevor at kasunod nito ang pagkatumba niya.

Secret Bad AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon