Responsible Friend, Invinsible Lover </3

24 1 1
                                    

Mahirap yung pagiging kaibigan at "secret lover" ng magkasabay.

Hindi mo masabi yung nararamdaman mo kasi ayaw mo na masira yung pagkakaibigan nyo.

Pero halos araw-araw ay nasasaktan ka dahil sa mga nakikita mo na ginagawa nilang sweet ng bf nya.

Hello! Syempre masakit yun. Ikaw man yung nasa katayuan ko ee sigurado susuko ka na.

Pero buti nalang ee matatag ako at naniniwala ako na darating yung panahon na mamahalin nya din ako.

Ako nga pala si Ron. Syempre hindi yan ang real name ko. At eto ang kwento ng aking lihim na pagtingin sa aking BESTFRIEND. Si Diane.

----------------------------------------------------------

Nagkakilala kami ni Diane sa school nitong pasukan lang. Isa syang transferred student mula sa isang private school. Syempre sa umpisa, makikipagkaibigan ako sa kanya. Pero tulad ng iba pang mga naging kaibigan ko, suplado ang first impression nya sa akin.

Naging matatag ang pagkakaibigan naming dalawa. At tulad pa rin ng iba kong kaibigan, iisa lang ang tanong na nasabi nya mula ng maging friends kami.

"Bakla ka ba?" bigla nyang tanong.

Sanay na ako na marinig ang tanong na yan. Siguro dahil yun sa mga kilos ko. Aminado naman ako na kilos babae ako. Dahil na rin siguro sa puro babae ang kasama ko sa bahay.

Iyon at iyon din naman ang sagot ko.

"Hindi ah! Bakit mo naman natanong?'

So siguro ee nagsawa na sya sa kakatanong at ayaw na nyang marinig ang paulit-ulit kong sagot, kaya tumigil na sya sa pagtatanong.

Habang tumatagal ee lalong nalalapit ang loob ko sa kanya. At hanggang sa dumating sa punto na nahulog na ang loob ko at nahumaling ako sa kanya.

Nang mga panahong iyon naman ee kasalukuyan na palang nanliligaw sa kanya ang kaibigan kong si Kev. Nalaman na lamang ng lahat ang pagliligawan nila ng naging sila na.

Syempre  masakit para sa akin na makita na may kasamang iba si Diane. Oo, hindi kami. Pero hindi mo maiaalis sa akin ang selos. Halos lahat naman yata ng nagmamahal ee nagseselos sila man ng mahal nya o hindi.

So dahil sa pangyayaring yon, nanahimik na lamang ako at itinago ang aking nararamdaman.

Hindi ko naman inakala na sa tuwing magkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Kev ee sa akin sya lalapit. Medyo nagkaroon ng liwanag ang aking buhay dahil sa mga pangyayaring iyon.

"Sino ba ang may problema sa inyong dalawa?" minsan ko nang naitanong.

"Hindi ko alam. nahihigpitan na kasi ako." sagot niya.

"Ano gusto mong mangyari?" Tanong ko.

"Gusto ko na makipagbreak." malungkot niyang sagot.

Noong mga panahong iyon ee medyo nasiyahan ako. Syempre naman. Magkakaroon na ako ng pag-asa.

Dumating ang araw na itinuloy niya na makipagbreak kay Kev. Syempre nasaktan si Kev. Alam ko naman na mahal pa ni Diane si Kev. Nakikita ko iyon tuwing umiiyak sya.

So nagbreak na nga silang dalawa. Pero hindi ako malayo sa relasyon nila. Humingi ng tulong si Kev. Gusto kasi nya na makipagbalikan kay Diane.

"Bes, tulungan mo naman ako na maayos yung relasyon namin ni Diane. Close naman kayo diba?" banat ni Kev.

"Echos mo. Mamaya pati ako madamay pa. Kaya mo yan bes." pabiro kong sagot.

Nasabi ko lang naman yon para hindi na maibalik pa yung dati nilang relasyon. Oo, sellfish ako. Pero iyon lang naman ang pagkakataon na tumanggi ako sa tulong na hiningi ng kaibigan ko.

Pero syempre hindi ko naman matitiis na hindi mapagbigyan si Kev. Alam ko na masasaktan ako. Pero alang-alang sa pagkakaibigan namin, ginawa ko yung hiling nya. Kinausap ko si Diane at tinanong kung ano ang gusto nya na mangyari sa kanila ni Kev.

"Gusto mo pa ba? Kaya mo pa ba?" tanong ko.

"May mga bagay kasi na hindi ko na kayang tiisin pa. Hindi ko na kayang magpasakal sa kanya. Oo sweet sya. Pero sa sobrang sweet nya ee nasasakal na ako." sagot nya.

"Kung babaguhin ba nya yung mga bagay na ayaw mo ee may posibilidad na maging kayo ulit?" pahabol ko.

"Hindi ko alam." maiksi niyang sagot.

Nangyari naman yung gusto kong mangyari. Pero yung feeling ng sa akin sinasabi ni Kev lahat ng hinanakit nya. Napakasakit non dude.

Syempre kaya kong balewalain yung mga sinasabi ni Kev. So nagfocus ako sa diskarte para masabi kay Diabe yung nararamdaman ko. Naisip ko na idaan sa text.

"Bosz, Paano kung halimbawa ee nagkagusto ako sayo? ano magiging reaction mo?" tanong ko sa kanya.

"Syempre mauunawaan ko yon pero hanggang kaibigan na lang talaga." sagot niya.

Noon ko nalaman na wala na talaga akong pag-asa. Kaya sumagot na lang ako ng ganito. "Haha. Lahat na yata ng tinanong ko ee ganyan ang sinasagot."

Pinilit kong kalimutan sya. Sinubukan ko pa nga na magmahal na iba pero sya lang talaga ang laman ng puso ko.

Tumagal ng buwan ang lihim kong pagmamahal. Hanggang sa dumating yung birthday ko.

Noong mga panahong iyon naman ee gumagawa kami ng parol dahil sa ito ay proyekto namin sa isang asignatura. Naisipan namin ni Diane na kami na lamang ang bibili ng glue stick. Kaya nagbike kaming dalawa.

Noong mga panahong iyon, pakiramdam ko ba ee parang kami na at biglang pumasok sa isip ko na isa iyong napakagandang regalo para sa aking kaarawan.

Syempre dahil sa hindi pa tapos ang kwento, magtatanong na lang ako sa inyo.

Dapat ba akong magMOVE ON at kalimutan na sya para magkaroon ng pagkakataong magmahal pang muli o magpapakatanga na lamang ako at magbubulag-bulagan?

Responsible Friend, Invinsible Lover &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon