chapter 1

165 8 0
                                    


Corona’s pov.

“Hoyyyyy…. Babaeng hindi naman beauty queen pero may korona. Ano na? May balak ka pa bang lumabas ng kubo mo?” sigaw ni Daphne mula sa labas ng munti kong tahanan.

Dahil tuloy sa pagmamadali ko ay nagpatakan ang ilan sa mga libro ko na gagamitin ko mamaya. Basta ko na lamang ipinagsusuksok ang mga gamit ko sa loob ng bag.

“Ipinapaalala ko lang sayo na malalate na tayo. Baka nakakalimutan mo na isang dragon ang una nating prof. baka ihagis tayo nun sa bintana kapag nauna sya sa ating dumating sa room.” Muli nyang sigaw.

Lumabas na tuloy ako kahit na hindi pa ako nakakasuklay. Tumutulo pa ang buhok ko dahil  hindi ko na nagawang tuyuin ng tuwalya dahil kanina pang nageeskandalo ang babaeng ito sa labas ng bahay ko.

Nakapamewang sya at masama ang tingin ng makarating ako sa harapan nya. Tumingin pa sya sa relo nya.

“Napakabagal. Pagong ka ba?” mataray nyang tanong.

Napalabi na lang ako. “Hindi ka pa ba nasanay? Alam mo namang rumaraket pa ako sa gabi kaya tinatanghali ako ng gising. Tsaka ikaw na ang alarm ko tuwing umaga. Para kang tandang na putak ng putak sa labas ng bahay ko.”

Umirap sya pero natawa naman sa sinabi ko. Totoo kasi. “Bilisan na natin. Baka bugahan tayo ng apoy ni Mrs. Reyes kapag na late tayo.”

Natawa sa naisip na naging isang dragon si Mrs. Reyes at nagbubuga ng apoy.Agad kong ikinawit ang kamay sa mga braso ni Daphne.  Saka kami naglakad papunta sa sakayan.
Medyo malayo pa kasi ang university mula dito kaya kailangan naming sumakay ng jeep. Mabuti na lang at mabilis kaming nakasakay. At nakarating ng university.

Isa akong architecture student pati na rin itong kaibigan kong si Daphne. Kapitan ng barangay namin ang papa nya.

Lakad takbo ang ginawa namin papunta sa room naming kaya hinihingal kaming naupo sa pinakadulong row ng mga upuan. Kakadating pa lang namin ay kasunod na naming si Mrs. Reyes nilagpasan kasi naming sya kanina sa daan.

“Hayyyy. Muntik na tayo doon. Mabuti na lamang matanda at uugod ugod na si ma’am.” Natatawang bulong sa akin ni Daph.

Pasimple rin naman akong natawa para hindi kami mapansin ni Mrs. Reyes.
Halos sumubsob na ang ulo ko sa mesa sa sobrang boring ng klase. Manhid na yata si ma’am. Hindi makaramdam na walang nakikinig sa mga sinesermon nya sa unahan.Yung mga iba kong kaklase ay pasimple nang nagphophone sa ilalim ng mesa. Yung iba naman ay nagsa-sign language na kung saan sila tatambay mamaya pagkatapos ng klase. At ang katabi ko naman na si Daph ay dino-drawing na si ma’am na may buntot at sungay. Hindi ko na tuloy alam kung maawa ako kay maam o matatawa ako sa mga ginagawa ng kaklase ko.

Lahat ng atensyon ay napunta kay Mrs. Reyes ng sabihin nito ang salitang-

“Class dismiss.”

Parang nabuhay ang mga patay dahil sa dalawang salitang iyon. Kahit ako ay nagising ang diwa dahil dun.

Pagkalabas na pagkalabas ni Mrs. Reyes ay nagsigawan na ang lahat. Yung iba ay nagtalunan pa. Ibang klase.

“Pst.”

Napalingon ako kay Daph.

“Look. Ang galing ko magsketch di ba?”

Natawa ako sa sketch niya. Gayang gaya nya ang hitsura ni Mrs. Reyes at tapos na nya ang sungay at buntot nito. Grabe talaga ang galit nya sa prof naming yun.

“Ipadeliver ko kaya ‘to sa bahay nila. Magustuhan kaya ni maam.” Nakangisi nyang tanong.

Napailing-iling na lang ako. “Sige ipadeliver mo. Para malaman natin kung magugustuhan ni maam.”

Fall PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon