Alamat ng Hamog

5.9K 184 54
                                    

Alamat ng Hamog by: sunako_nakahara

Noong unang panahon.. ginawa ng Diyos ang Langit at ang Lupa..pero syempre alam na naman natin yun.. Nakita ng Langit kung anong laking pinagbago ng Lupa sa paglaon ng mga araw.. tumutubo ang mga napakagagandang halaman at punong-kahoy.. nanirahan ang mga hayop na mas lalong nagpapaganda dito.. lalong gumaganda ang Lupa sa mata ng Langit hanggang sa umibig si Langit kay Lupa.. Walang alam si Lupa sa pag-ibig sa kanya ni Langit, uso na noon ang secretly in love..kuntento na si Langit na tingnan lang ang kanyang pinakamamahal na Lupa.. subalit hindi ganun ang nasa isip ng karibal nyang si Hangin..dahil bawat ihip nito, pinapadama nito sa Lupa ang paghanga nya.. bawat ihip nito, nabibiyayaan ang mga halaman man o hayop para mabuhay at para mas maging maganda ang Lupa.. kaya naman tuwang-tuwa dito si Lupa.. samantalang ang Langit..wala.. masakit man.. hindi nya kayang gawin ang ginagawa ng Hangin

Hindi nya kayang iparamdam sa Lupa ang kayang iparamdam ng Hangin.. Langit lang sya..habang panahon sya nakatingin sa Lupa.. ang kaya lang nya ibigay ang init ng araw at ang ulan kapag kelangan.. subalit alam nyang hindi gaya ng hangin.. kahit kailangan sya ng Lupa.. may isang bagay ang Hangin na wala si Langit..

Kaya nitong ipadama ang pagmamahal nya..samantalang sya..ang Langit..masakit man pero alam nya na kahit kailan..

Hindi kayang abutin ng Langit ang Lupa.. na hindi sila magpapang-abot kahit gustuhin man yun ng Langit

Isang araw.. pinakiusapan ng Langit ang kaibigan nyang ibon para awitan si Lupa.. walang kagatol-gatol iyong ginawa ng ibon.. narinig sa buong lugar ang kagandahan ng pagkanta ng ibon.. isang kantang alay ni Langit sa kanyang pinakamamahal na Lupa.. nang marinig iyon ni Lupa, lubos syang natuwa at tinanong ng Lupa kung sino ang nag-utos sa ibon sa pagkanta..subalit bago pa nakapagsalita ang ibon, naunahan na siya ng Hangin at sinabi na sya ang nag-utos sa ibon, bago pa nakapagsalita ang ibon para itanggi iyon..ginamit na ni Hangin ang kapangyarihan nya para patahimikin ang ibon.. subalit bulag ang Lupa sa lahat ng iyon gaya ng pagkabulag nya sa pagmamahal sa kanya ng Langit.. kaya naman dahil sa inaakalang si Hangin nag may alay sa kanya ng kanta.. unti-unting nahulog na ang loob ni Lupa kay Hangin..

At kitang-kita yun ni Langit..subalit martir sya at hinayaan na lang nya yun.. kahit para sa kanya ang pagmamahal ni Lupa..mas pinilit nyang manahimik dahil alam nya na kahit alam nya na sya dapat ang mahal ni Lupa, malayo yun sa katotohanan na si Hangin ang nakikita nyang mahal nya..  

Mas kailangan man sya ni Lupa, subalit mas mahal ni Lupa si Hangin..kahit gaano kasakit yun..tinanggap ni Langit ang lahat basta makita lang nya na masaya si Lupa..subalit kahit tanggap nya yun..

Nasasaktan pa rin sya..nagdurusa..nahihirapan.. kaya naman kahit pagdurusa nya ang maging alay nya sa kanyang mahal..ibibigay nya yun..

Habang tulog si Lupa..umiiyak ang Langit at sa pagsikat ng araw..makikita sa bawat dahon at bulaklak na nagpapaganda sa Lupa ang alay ni Langit sa kanya.. mas gumaganda ang mga halaman dahil sa mga luha ni langit na pinipilit nyang itago para sa mahal nya..at yun nga..yun yung Hamog


(A/N: ang alamat na to ay nagawa ko 5years ago na ako ay 4th year highschool..salamat kay ***** sa inspirasyon dito..atleast nagamit ko pagdadrama ko para sa kwento)

Alamat ng HamogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon