Manhid daw ako sabi ng aking mga kaibigan...
Di ko daw kasi namamalayan na may gusto siya sakin...
Sorry manhid ako. Di ko alam na may gusto ka na pala sakin. Sa iba kasi ako may gusto kaya di kita napapansin saka nandiyan ka lagi sa tabi ko. Magbestfriend tayo eh. Walang talo-talo.
Pero narealize ko na gusto rin pala kita. Ang TANGA ko noh?! Kung saka huli na ang lahat saka ko pa lang marerealize yun??? Magiging tayo pa ba kaya o magiging magkaibigan na lang tayo habang buhay?
- Sam
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
May mahal akong isang babae (alangan lalaki hindi ako bakla -.-). Hindi niya napapansin na mahal ko siya. Sa kanya ko lang pinapakita ang gentle at caring side ko, pero ba't ganun? WAEPEK. Manhid talaga yun pero mahal ko. =___= Selos ako sa bwiset na crush niya paano ba naman kasi palagi niya na lang bukang bibig yun?! Peste lang. Tapos magiging MU pa sila? DAPAK. Ewan BH ako.
Tapos sa lintik na pagkakataon, dumating siya.. Siya na kaya ang papalit dito sa manhid kong best friend?
- Ken
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Responsable, mabait, masayahin, matulungin at ano pa? Ako yun sabi nila. Maaasahan ako ng mga tao lalo na ng aking mga kaibigan. Para sa akin, kuntento na ko sa buhay ko. Meron sa aking mga nagmamahal na pamilya, kaibigan at BF. Perfect ang relationship ko sa aking kapwa. ♥
Pero dito sa boyfriend kong ito?? Hay naku. Para kaming aso at pusa kung magbayangan. Pero ayos lang, mahal naman namin ang isa't-isa eh. Hihihiihi.
- Mia
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Itong babaeng ito ang nagpabago sa akin. Anghel na hinulog ng langit siya sa akin. Naks. Kung hindi dahil sa kanya, siguro panis na panis na ang laway ko.
Suplado, mataray, clean freak, masungit daw ako sabi nitong mahal ko. Aba't naknang, sino siya para sabihan ako ng ganyan?? Isip ko nung una. Pero talaga, kung hindi dahil sa kanya hindi ko mahahanap ang mga tunay kong kaibigan.
Kahit lagi kaming nag-aaway, mahal na mahal ko siya. :)
- Michael
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ako ang pinakamakulit sa tropa. Para akong takas sa mental sa first impression. Eh ano naman?? Tsk. Masayahin lang talaga kasi ako. Supportive sa love life ng tropa lalo na kina Sam at Ken. Mukha kasi silang tanga. XD Jo~ke.
Pero sa totoo lang, kung hindi mahal ni Ken si Sam, magugustuhan ko rin si Sam. Pero walang talo-talo. Samevin love team supporter ako. ;3
Pero.... kailan kaya ako magkakalove life?? Hay naku. Love waits. I'll be waiting for you~ X)
- Jeremy
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ako ang maknae/bunso ng tropa. Pero same year level kami, matalino lang kasi ako. Ehem. ;)
Sweet at charming ako kaya marami saking nagccrush. Mabait din kasi ako eh. Actually lahat naman ata kami mababait di lang halata sa iba hahaha.
Akala ng lahat inosente ako, wala akong crush. Actually, meron talaga. Sikreto lang pero sasabihin ko na sa inyo. Siya yung babaeng nasa kabilang classroom. Cute siya pero mataray. Di ko nga alam eh pero nabighani ako sakanya.. Haii opposite attracts nga talaga naman. Third year pa lang siya kami fourth year na. Ewan ko ba talaga, di ko pa siya nakakausap pero crush na crush ko na siya. Kung nakakatunaw lang ang titig, matagal na siyang tunaw. :")
- Patrick
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Heto ang POV ng mga main characters. First story ko, iniba ko lang ang format. :)
Hope you like it. Please comment. I highly appreciate it.
BINABASA MO ANG
We had Fallen
Teen Fiction(YongShin Couple) Ito ay kwento ng dalawang matalik na magkaibigan. Si Kevin ay may sikretong pagtingin kay Sam na may gusto namang iba, si Andrew. Kailan kaya marerealize ni Irene na mahalaga si Kevin? Mayroon kayang chance si Kevin kay Sam?