Meanieyah POV,
Nahagip ng aking mga mata Ang isang tao na naka suot ng itim na subrero,na mukhang sumisilip Samin ni Jelen.Kaya agad akong namaalam Kay Jelen na may titignan Lang ako.Naglalakad na ako ngayon malapit sa puno na syang tinataguan niya.
Isang hakbang nalang Ang Kulang para marating Kuna Ang puno ngunit may biglang tumawag sa'kin sa likod
"Ehrien!" boses palang,alam kuna Kung sino,boses iyon ni harold.Kaya nilingon ko muna sya,nakipag titigan muna ako sa kanya nang matagalan,ngunit nakarinig ako ng kaluskus galing sa puno kaya agad kong binaling ang aking tingin.Sa kahuli-hulihang hakbang ko ay Wala akong nakita na kahit ano,walang tao sa ilalim ng puno
Kahina-hinala
"Ehrien!" muling Sigaw sa'kin ni harold.Kaya agad akong bumalik sa kanila."Bakit kaba pumunta sa punong yon,ehrien?" takang tanong ni harold habang binalingan ng tingin Ang puno
"Wala"
"Anong wala?"
"Basta" kaya napabuntong-hininga nalang sya't ganon din si Jelen
Third Person POV,
Kabadong-kabado na ako dito sa ilalim ng puno,biglang may tumawag na lalaki Kay Meanieyah,Hindi ko Alam Kung Sino ito bagkus ay Hindi ko nakita ang mukha,ngunit pamilyar iyon
Hindi na ako nakarinig pa ng hakbang Kaya sumilip muna ako,nakalingon si Meanieyah Kay harold...Yes,si Harold ang tumawag Kay Meanieyah...Kaya sinamantala Kuna Ang pagkakataon para di Niya ako Makita..Agad akong tumingin sa itaas ng puno at may kalakihang sanga iyon na tiyak na maabot ko.Kaya agad Kong inihawak Ang aking dalawang kamay roon,at unti-unting itinaas Ang aking dalawang paa...Agad akong nagmamadaling umakyat,Hindi naging madali Ang aking pag-akyat sapagkat Hindi pwedeng gumawa ako ng ingay.Napabuntong-hininga ako ng maluwag nang tuluyan na akong maakyat sa itaas.
Agad Kong tinignan ang ibaba,at may pusa roon na tumatakbo,na syang gumawa ng ingay kaya agad na napalingon si Meanieyah sa kaluskos na kanyang narinig.Agad syang humakbang,at luminga-linga
Tinawag syang muli ni Harold Kaya agad syang bumalik roon sa kanila.Laking pasalamat ko ng di niya Tinignan Ang itaas ng puno,kasi Kapag nagkataon ay makikita niya ako
Sinundan ko muna sya ng tingin,bakas sa kanyang mukha Ang pagdududa
Agad na silang umalis tatlo,Kaya ako Naman ay agad na tumalon sa baba.Pagtalon ko ay agad kong itinukod Ang aking isang tuhod at Ang aking isang kamay sa lupa para ako'y mabalanse
Agad akong tumakbo palabas upang sila'y sundan,tapos nadin kasi Ang aking klase Kaya masusundan ko sila
Sumakay silang tatlo sa kotseng pula ni harold,Kaya ako Naman ay sumakay din sa itim Kong kotse...Diko pinahalata na sinundan ko sila,nakasunod ako sa Isang kotse na syang nakasunod sa kanila.Bali may pumapagitna samin na itim din na kotse
Makalipas Ang ilang minuto ay agad na silang huminto,hininto nila sa isang restaurant...
Ganon nalang Ang aking gulat nang Makita sila Kenneth,Joshua...tas si kheireen..Tas si James...Ba't nandyan sya?
Agad na nagtama Ang paningin nilang dalawa ni Meanieyah ngunit sya Rin Ang unang nag-iwas,inalalayan Naman ni Harold si Meanieyah sa pag-upo sa silya
Mukhang Hindi Kuna yata kaylangang bantayan si meanieyah,sapagkat nandito naman pala sya
Jelen POV,
Di ako sigurado kung mahal paba talaga ni Meanieyah si Mondraine,or what...
BINABASA MO ANG
The COLD'S GIRL REVENGE (Season 2)
ActionWag mo itong basahin kung hindi mo pa nabasa ang "The cold person which is the season 1" kasi sasakit lang ang ulo mo.