Kahit pakiramdam ni Yvette ay hindi siya nilalamig kahit pa nakatodo na yata ang airconditioning ay umabot pa rin hanggang sa kanyang leeg ang kumot na nakatabing sa kanya.
Pinilit niyang ipikit ang mga mata upang makatulog. Ngunit ang gunita ay paulit-ulit na bumabalik sa simple at madaliang civil wedding na naganap ilang oras pa lang ang nakalilipas.
Napatitig siya sa malamig na gintong bakal na nakasuot sa kaliwang palasingsingan.
She is now legally and officially Mrs. Nichos del Frias.
Napangiti siya ng patuya. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Tila siya pinaglalaruan ng kapalaran.
Noon ay halos pagkamatayan niya maging bahagi lamang ng katiting na bahagi ng puso nito. Isa na siyang del Frias.
Ngunit bakit ganun? Ngayon namang taglay na niya ang pangalan nito ay tila gusto niyang maduwal sa repulsion.
Gusto niyang sumigaw.
Muhing-muhi siya sa pang-iipit na ginawa nito sa kanya at ng sariling ama upang mapapayag siyang mapakasal dito.
Lalo na ang kanyang papa na nangakong pagbabayarin ang lalaking nanakit sa kanyang damdamin at sumira sa kanyang pagkatao.
Pero ang kabayaran palang tinutukoy nito ay ang mapakasal siya dito at maituwid ang kamaliang ginawa nito sa kanya. At nagtagumpay ang kanyang papa na maisagawa ito.
“Lahat ng tao ay nagkakamali, anak. Si Nicholas ay ganuon din, nagkamali sa iyo. But he accepted his mistakes and that’s the most humbling thing to do. He accepted it and is willing to correct that mistake.” Mahinahong paliwanag ni Don Manuel sa kanya ng magkasarilinan sila.
“Hindi niya mabubura ang pilat na itinatak niya sa akin papa.”
“The man loves you, can you not see, Ivy?”
Doon sumambulat ang galit niya.
“Love? He might be laughing right now dahil hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang pagmamahal! I won’t marry him. And that’s final!”
Halos pangapusan ng hininga si Don Manuel ng mapaupo. Matagal na sandaling hindi sila nagkaimikan bago muling binasag ang katahimikan sa pagitan nila.
“Anak maaatim mo ba na lumaking walang ama ang aking apo? Can you deny his name that was supposedly his since birth?”
Nagngitngit siya. Pakiramdam niya ay ipit na ipit siya. “Pa he denied his name even before Baste was conceived.”
“Hindi na mahalaga ang nakaraan, Ivy. Ang mahalaga ay ang ngayon, Nicholas is willing to give his name for the child.”
Nag-init siya lalo.
Yes, for the child! What else but for the child! Yes, tama kayo, only for the child, nothing but for the child. Pero paano ako papa?”
Tinitigan siya ni Don Manuel ng buong hinahon at pang-uunawa dahil guhit na guhit sa kanyang mukha ang matinding galit at pagkamuhi.
“Does it really matter to you when Baste matters mostly here? Paano ang paglaki niya? Can you bear him grow up wondering who his father is? Kaya mo bang isakripisyo ang lahat ng iyan alang-alang sa sarili mo?”
Nakuyom niya ang kanyang kamao. Ngayon naman ay makasarili siya! Ano naman ang kasunod pagkatapos?
Gusto niyang maiyak at ang tindi ng pagkamuhi kay Nicholas ay lalong sumilab. Ngunit kinimkim na niya dahil alam niyang hindi na siya mananalo pa sa usaping ito.
Mabigat ang mga hiningang ibinubuga niya. Ito na ang pinakamahirap na desisyong nagawa niya sa buong buhay niya.
“Yvette?” naghihintay ito sa kanyang kasagutan.
BINABASA MO ANG
THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 4
Romance~~~ "Well, let me tell you something, baby. Magsasama tayo whether you like it or not, whether you will it or not, and whether you've got dirt in your mind or not, magsasama tayo bilang mag-asawa at walang makapagpapabago doon kahit ikaw!" ~~~ ~~~~~...