"Love, tara dun na lang tayo kumain.." pagpupumilit niya sa akin.
"Love, ayuko dun. Sa bahay na lang. Pagluto mo asawa mo please..." I pouted. Napakaganda tlga ng asawa ko. Hehehe :">
"Hmmph.. sige na nga. Baka rin maya-maya pagtinginan ka dun sa Jollibee ng mga babae." sumimangot siya ng konti. Halatang nagpapacute si Amy. haha
Umuwi kami sa bahay namin. It's simple but still beautiful. Siyempre kami ata ng asawa ko ang nagtulungan para gawin tong bahay na to. Siya ang nagdesign ako ang nagasikaso sa mga materials and making sure na matibay to.
Yep. I'm an engineer at si Amy naman ay isang Architect.
Nakauwi na kami at pinagluto niya nga ako. Ansarap ng kare-kare niya. Nagbonding kami at umakyat na para matulog.
"Hon, tara na..." hinatak ko siya sa kama. Ang sexy talaga ng asawa ko. Nakalingerie pa siya ngayon na sobrang ikli. Hay nako... hahahha
"Love, di ako pwede ngayon..." di siya nakatingin sa akin.
Nagtaka ako. "Why not?" Naglungkut-lungkutan ako.
"Eh bastaaa...." Niyakap niya na lang ako at-
Biglang bumukas ang aking mga mata. Nasilaw ako sa ilaw.
"Kuya! Gising ka na daw! Sabi ni mommy." Si Ej, younger brother ko. "Kuya Greg bilisan mo na bago ka pa malate!"
Hays! Ang kuleet!
"Sige babangon na ako." matamlay kong sagot. Nanaginip na naman ako. Napanaginipan ko na naman si Amy. Tumulo agad luha ko.
"Kuya, sorry ah. mukhang naistorbo ulit kita sa panagi-"
"Okay lang. Okay lang." Di ko na siya pinatapos. Hindi kasi lingid sa kaalaman nila na nanaginip ako gabi-gabi tungkol sa girlfriend ko. Naaawa na sila sa akin. Baka raw dahil dito ay maslalong di ako makapag MOVE ON.
Sino ba naman kasi ang madadalian sa pagkalimot sa taong minahal mo nang lubos?
Bumaba na ako at kumain ng almusal. Sinasagot ko naman ang tanong nila mama pero yun lang ulit, di ako nagsasalita masyado. Naghanda na rin ako para sa eskwelahan.
Ako nga pala si John Gregory M. Fords. 4th year college na. Greg ang tawag ng halos lahat sa akin simula nang tawagin akong ganito ng girlfriend ko... I mean... EX Girlfriend ko pala.
Namimiss ko na siya sobra.Bakit kasi kailangan niya pa akong iwan?
****SA SCHOOL***
"Pre! Huy! Musta?" sigaw ni Bob. Inakbayan niya ako. Pssh! Mukang bakla tong mokong na ito eh.
"Ok lang." sagot ko
"Pre naman... aba. Ayusin mo naman pagsagot sa akin. Araw-araw na lang ganyan sagot mo." Tumingin siya sa akin. Yung tingin na mukang naiintindihan naman niya yung bakit ako nagkakaganito. "Ahh Captain.. (Team Captain kasi ako ng Basketball team ng university sa amin.) a-ano naman nangyari ngayon? Uh-I mean s-sa panaginip mo?" Inantay niya ang sagot ko at napahinto na kami sa paglalakad.
"Ayun... nagdate kami nang napakasaya tapos yayayain ko sana siya mag-ANO sa kama kaya lang di raw pwede nung oras na iyon at nagising na lang ako." Paliwanag ko sa kanya. Close friend ko si Bob kaya open ako sa kanya.
May sasabihin sana siya ulit pero naputol ito nang huminto ang isang estudyanteng babae sa harap namin.
"Hi Captain. Um... Condolence nga pala. I know its been 2 months since- pero its better to be late than never di ba? Sayang... akala ko pa naman sa kasalanan na tlga deretso niyo ni Amy at-"
BINABASA MO ANG
Yes, death did do us part (One-Shot)
RomanceLove after death. Love even if you are the only one left.