"May boyfriend ka na ba?"
Andito na naman tayo, sa super nakaka-intrigang tanong. Pagka ba tinanong ka ng isang lalaki ng ganito, ano ang meaning? Interesado siya sa'yo? May gusto siya sa'yo? O baka naman naitanong niya lang talaga. Ano ba yan, binabaha na ang utak ko ng mga katanungan at the same time bigla akong kinabahan.
"Huh? W-wala."
Yan lang naisagot ko habang nagtatakang nakatingin sa kanya.
Sumeryoso yung mukha niya at tinitigan ako sa mata.
"Nagka-boyfriend ka na ba? May nanliligaw ba sa'yo?"
Teka, ba't matanong 'tong isang 'to.
Kunwari, wala lang sakin yung pinagtatanong niya. Sumagot ako.
"Hindi pa. Tsaka walang nanliligaw noh."
Tumahimik siya. Tapos, tiningnan ulit ako nang seryoso. Tinitigan niya ako diretso sa mata.
"Paano kung ligawan kita, sasagutin mo ba ako?"
BINABASA MO ANG
I Almost Had You
Novela JuvenilWhen everything that's right just suddenly went wrong.