Title: One Kiss
Genre: Romance🌸 PART 1 🌸
Napangiwi si Atasha nang tumigil ang dulo ng boteng pinaikot ng mga officemates sa mismong harapan niya. They are having a team dinner inside a well known club. She was awarded as the best employee of the month and they celebrated together.
Suki na sila sa club na ito. Dito sila dumidiretso tuwing last day nila sa trabaho.
"Dare," napabuntong-hiningang sambit niya.
They are playing a Truth and Dare. Hindi niya alam kung bakit pumayag siya sa mga kalokohan ng mga kasama niya.
Nakita niyang ngumisi si Kathy. Bigla ay gusto niyang umatras.
"I dare you to kiss someone here." Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Ni wala pa nga siyang first kiss!
"Bawal ang umatras," natatawang sambit ni Kathy nang makita ang reaksyon niya.
"Walang madaya. Nag lap dance nga ako sa isa sa mga customer dito kanina. Kiss lang naman 'yong sa'yo," segunda ni Haurine.
"I agree with them." Masama niyang tiningnan si Alyssa na ngayon ay nakangisi na rin.
Napapailing na tumayo siya, walang magawa. Inayos niya ang damit at nag-umpisang maghanap ng puwede niyang mahalikan. Sana pala ay umatras na lang siya kanina.
Medyo nanlalabo na ang paningin niya dahil sa pagkahilo. Tinamaan na rin yata siya ng alak. Marami-rami na ang nainom nila mula pa kanina.
"Bahala na," bulong niya sa sarili at nag-umpisang maglakad.
Natawa pa siya sa sarili nang bahagyang mabuwal. Pasuray-suray siyang lumapit sa lalaking mag-isang umiinom sa sulok ng club. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil medyo madilim sa kinaroroonan nito.
"Excuse me," inagaw niya ang atensyon ng lalaki.
Bahagya siya nitong sinulyapan. She saw him frowned.
"I'm sorry to ask this but can I kiss you? It's just a dare. My friends," nilingon niya ang mga kaibigan at tinuro, "want me to kiss someone," natatawang patuloy niya.
Ang baso ng alak na hawak ng lalaki ay dahan-dahan nitong ibinaba at ipinagkrus ang mga braso sa dibdib nito.
"What will I get in return?" tanong ng baritonong boses nito.
Napakurap siya. Hindi dahil sa tanong nito kundi dahil sa pamilyar na boses ng lalaki. Tuloy ay gusto niyang batukan ang sarili. He sounded like that jerk who rejected her five years ago. That jerk named Gray.
Napakamot siya sa ulo.
"One kiss lang naman. May kapalit pala? Magpakasal na lang tayo pagkatapos nito," she jokingly said and giggled. Tinamaan na nga talaga siya ng alak.
The man stood up from his seat. Sa isang iglap lang ay nakatayo na ito sa harapan niya at hinapit siya sa beywang. Napakalapit ng mukha nito sa mukha niya.
"I'll keep that in mind then, Atasha," he murmured and claim her lips.
🌸 PART 2 🌸
She feels like she's getting more drunk because of his kiss. She thought he will gave her just one simple kiss but she felt it deepened and she don't know how to respond.
"First time, huh?" he murmured between her lips.
Mas lalo siya nitong hinapit sa beywang. Napaatras siya nang kumilos ito habang hawak-hawak pa rin siya sa beywang. He leaned her back against the wall, not leaving her lips.
YOU ARE READING
One Kiss (Completed)
RomanceA love story between Atasha and Gray. (This is a short story) Author: Rosas Vhiie Book Cover By: Christine Y.