Chapter 36
Paalam"I want to talk to you." Nangantog ang tuhod ko habang palapit kay Ma'am Shallanie sa sala.
Tumayo siya ng makita ako. Sinuyod niya muna ang buong bahay bago umupo ulit.
"Pasensya na, pumasok na ako."
"A-ayos lang, ma'am... g-gusto niyo po ba ng...m-maiinom?" Alok ko sa kanya. Nanginginig ang labi ko at napansin niya iyon.
Nataranta ako at hindi ko na siya hinintay na sumagot. Pinagtimpla ko siya ng kape at nilapag iyon sa harap niya.
"Thank you." Marahan niyang hinawakan ang nanginginig kong kamay para hindi matapon ang kape. "Sit down, hija."
Her aura is a bit different from what I always see whenever I talk to her. Naalala ko ang pag-alo niya saakin kahapon na magiging maayos si Kier at sinabi pa niya na hindi ko kasalanan ang nangyari. Nanibago ako. I didn't know if I'll be thankful about how concerned she was on me yesterday or what. Pero siguro naman, napagtanto niya na ang lahat.
"You didn't change your clothes?" Tanong niya. Nahimigan ko ang pag-aalala sa boses niya at sinuyod niya ang suot ko.
Umiling ako. She remembered that I'm still wearing my clothes I wore yesterday.
"H-how's... Kier po?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.
"He's fine now. Pero hindi pa siya gumigising." Bahagyang nawala ang kaba at takot sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.
He's fine. Thank God he's fine.
Bago ko pa nga lang maibuka ang medyo nanginginig kong labi, ay naunahan niya na ako.
"I'm sorry about what happened to you and your family." She started the conversation. Wala akong ideya kung ano ang ipinunta niya dito pero makikinig ako. "Your parents became one of our family's most closest friends and business partners as well. Magkasundong-magkasundo kami ng mommy mo sa kahit ano. Magkakasama kami sa mga social gatherings ng mga business elites at mga kilalang tao."
"Bata ka pa noon no'ng nagdesisyon kami na i-arrange marriage kayo ni Tiller. Pero no'ng magsimulang malugi ang negosyo niyo, nagpumilit ang daddy mo na ituloy na ang kasal niyo dahil nasa tamang edad naman na kayo ng anak ko. I refused. Nagbago ang isip ko dahil ayokong mapahamak si Tiller. Maraming kalaban ang pamilya mo sa negosyo at marami silang utang, maging sa amin."
Hinawi niya ang lumandas na luha sa kanyang pisngi. She's being emotional now infront of me. A Mrs. Arteaga I know is dangerous, strong and hard to please, but seeing her now, I'm eager to see and know her even more.
Kanina pa nakaalis si Ma'am Shallanie pero tulala pa rin ako. Magang-maga na ang mga mata ko sa kakaiyak. Nagkulong ako sa kwarto at lumalabas lang kapag nagugutom. Pero dahil sa sobrang manhid na ng puso't isip ko, pati katawan ko hindi na makaramdam ng gutom.
My phone beeped and I answered it immediately.
"Ate Haven!...please...please help Kuya Kier...he needs you...please ate." Pinatay ko agad ang tawag. Crassini is crying over the phone telling me how much Kier needs me now.
Isang linggo na simula no'ng mangyari ang pagkakasaksak kay Kier dahil sa pagtanggol saakin. Hindi ako dumalaw sa kanya sa ospital even when I wanted so bad to see him. Na-discharge naman na siya kaya hindi na ako masyadong nag-alala.
Isang oras nalang para sa flight ko papuntang Hong Kong until I receive a call from Crassini. Lumabas ako ng mansyon at tinulungan ako ni Kuya Lito na ipasok na ang mga gamit ko sa sasakyan na maghahatid saakin sa airport.
"Mag-iingat ka doon, anak." Niyakap ako ni Nanay Asul, ang dati naming katiwala. Nalaman ko na hinanap ni Kier lahat ng mga kasambahay namin para bumalik dito sa mansyon.
YOU ARE READING
Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)
RomantizmLA TIERRA DE CONDE SERIES Series 1 Lies of the Heart SYNOPSIS "Better slapped with the truth than kissed with a lie." Haven Alexis del Valle, a girl living with a saunter life, smitten with luxury goods, always looking for a good night life in the l...