"Excited ka na ba para mamaya" dagdag na tanong nya pa habang tinatahak namin ang canteen."H-hindi ko pa alam, kinakabahan ako e. Mga bigatin yung mga pupunta don" paniniguro ko pa sa kanya ngunit agad namang natawa si Creese na animo biro ang sinabi ko.
"Bigatin din naman tayo ah, kita mo to" anang sabi nya pa sabay turo sa relo nya. "Casio yan"
"H-hu ano naman" takhang sabi ko pa, nakadating na kamo sa canteen at naupo muna kami sa hindi pa occupy na table.
"Bugok wala. Ang slow mo Rei kainis wala na yung joke hahahahhaa tse" asar na tawa pa nya at kinatukan ako.
"Tsk. timang. Umorder ka na, nagugutom nako." ungot na sabi ko kaya nginiwian nya ko.
"Akin na" sabay lahad pa nya kaya napapahiya ko syang kinunutan ng noo, humagalpak naman sya ng tawa hindi alintana ang mga estudyanteng nakakakita samin. "HAHAHAHAHA umayos ka nga Rei para pupunta lang sa birthday ng crush mo nagkakanda lutang lutang ka na ahahahha. sige na order na po 'ko"
Pero totoo talagang kinakabahan ako sa mangyayari mamaya, malakas ang kutob kong hindi lang simpleng selebrasyon iyon kundi may nag iintay pang matinding pasabog dahil si Gino 'lang' naman yon tsk. Ang kauna unahang basketball player na inalpasan ang puntos ng mga dati ng manglalaro sa aming eskwelahan maski na ang coach nila.
Napailing akong napahilamos ng mukha. Hindi ko alam kung ano pa ang isusuot ko dahil wala naman ako maski desenteng damit sa bahay, ayoko magmukhang kahiya hiya doon.
Tapos ang lakas pa ng loob kong ipagpilitan na tumbler na lang ang ireregalo ko sa kanya huhuhu pano na lang pag binuksan nya ito sa harap ng maraming tao? grrrr
"Huy, ok ka lang ba?" untag ni Creese sakin, asa tabi ko na pala sya.
"Tara kain na tayo. Tsk mukhang di pa maganda ang takbo ng tyan ko, nakakainis. Anong oras ba uwian?" iritang sabi ko pa sa kanya kaya napatikhim naman sya.
"Last subject na natin. Bakit excited ka na mamaya no?" tukso pa nya sakin.
"H-hindi baliw. Natatae na kasi ako" seryosong sabi nya pa kaya napahagalpak sya ng tawa. Normal naman na samin ang ganong salitaan maski nasa hapag kainan pero tawa sya ng tawa! "Hoy tumahimik ka nga, para kang baliw Creese"
May inginuso naman sya sa likuran ko, alam na alam ko ang mga ganung expression ni Creese. Alam kong may tao sa likuran ko na naging dahilan ng pagkapahiya ko. Lumingon naman ako at agad akong napapikit ng malaman kung sino ang pigurang iyon. Shit!
"Hi" malambing nyang sabi. Pakiramdam ko'y lahat ng dugo ko ay napunta na lahat sa mukha ko.
"Oy hello Gino!! musta?! daming fans ah. nasa iisang room tayo pero di kita magawang huntahin masyado ahahah iba na talaga ang heartrob" casual na biro ni Creese. napako naman ang paningin ko sa kanya, kinalabit naman ako mula sa ilalim ng lamesa ni Creese kaya agad nabaling ang paningin ko sa kanya.
"Pwede makiupo Rei?" mahinahong sabi nya pa, tagaktak ang pawis munit maski iyon ay gwapong gwapo paring bumabagay sa kanya.
"Ah o-oo naman. sure" naghihisteryang sabi ko pa kaya rinig na rinig ko ang pigil na tawa ni Creese.
"Salamat"
"Bakit nga pala mag-isa ka? nadadalas yang pakikiupo mo samin ah ahaha" hindi parin matigil ang pauntag na biro ni Creese.
"Sorry, hindi ba ok sa inyo?" tila napahiyang sabi nya pa. Grrr napakagwapo
"Hahah hindi ano ka ba. I mean nadadalas lang na mag isa ka, nasan ba yung mga kaibigan mo?" kunwari panh nakakunot noo na lumilingang sabi nya.