Nagising ako sa isang malawak na damuhan. Ang sakit Ng ulo ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko roon Ang isang pagkalaki laking pintuan. Halos triple Ang taas nito sa height Kong 5'9.
"Laura!"
Awtomatikong bumaling ang ulo ko sa direksyon na Kung saan may tumawag sa akin.
"Oh Jaime,anong ginagawa mo dito?"
Nagtaas pa Ito Ng kilay bago sumagot. Apaka taray talaga. Kalbuhin ko kilay nito,pigilan nyoko."Ako dapat Ang nagtatanong Nyan. Bakit ba kase dyan ka natutulog sa damuhan Aber."
"Ako? Natulog dito? Kailan?"
Binatukan ako nito at nagtaray na Naman.
"Aray! Masakit Yun ah. Bakit nga Naman Kasi ako matutulog dito diba."
"Tignan mo nga yang mukha mo,halatang bagong gising. Siguro sa sarap Ng tulog mo,ilang subject na Ang namissed mo."
Muli akong napalingon sa likuran ko ngunit Wala na roon Ang pinto. Siguro nga panaginip lang Yun.
"Hoy ano na. Tara na,maggagabi na uwi na Tayo." Saad nito.
Tumayo na ako at sumunod sa kanya. Masakit pa rin talaga ang ulo ko.
"Ano ba Kasing ginagawa mo dun sa field Aber."
"Wala. Nagpapahinga lang Naman ako. Nakatulog nga siguro ako."
"Eh ba't naman sumakit yang ulo mo."
"Hay nako..Hindi ko nga rin Alam."
"Ewan ko sayong bruha ka."
Nang maka uwi na kami sa boarding house naming dalawa,agad na akong nagpahinga. Hindi ko na inalala pa Yung napanaginipan ko Noong naroon ako sa field.
Isang linggo Rin Ang lumipas at medyo maayos Naman Ang pakiramdam ko. Magkaiba kami Ng class ngayon ni Jaime. Short period lang kami ngayon at maaga kaming makakauwi. Pinauna ko na si Jaime dahil may kailangan pa akong idaan sa principal's office.
Inililigpit ko pa lang Ang mga gamit ko nang may malakas na hangin ang biglang pumasok sa loob Ng classroom na ikinatayo Ng mga balahibo ko. Hindi na Naman ako makagalaw. Nag uumisa nang tumulo Ang pawis Mula sa aking ulo.
Awtomatikong napalingon Ang ulo ko sa mismong pintuan na Kung saan ay may maliit na tila liwanag. Umalis Ito at saka lamang ako nakagalaw nang may kumalabog malapit sa labas. Dali Dali akong umalis at sinundan Ang liwanag na dala na rin sa sa labis na pagtataka Kung ano iyon. napansin Kong bumagsak Ito sa mismong gitna Ng Field Kung saan ako natagpuan ni Jaime Noong nakaraang araw. Lumapit ako dito at tinignan Kung anong klaseng bagay ba Ito. Nang makarating ako sa kinaroroonan nito,Isa lamang itong alitaptap.
YOU ARE READING
Parállilos Kósmos (PART 1)
Teen Fiction(Completed) Magkaiba man Ng mundong pinanggalingan,Ang tunay na nagmamahalan ay Hindi kailanman mahahadlangan maliban na lamang Kung kamatayan na mismo ang hahadlang. Parállilos Kósmos Written by: Damonisovich