CHAPTER 22

20.7K 938 149
                                    

A/N: Ang pangalan pala ni Rue ay hindi RU-WE ang pagsambit ha. It's RUH.
_____

Chapter 22: Twins

Rue



LUTANG akong hinatid ng worst section sa bahay namin. Hindi ako sumabay kay Kuya Eziel, naiinis ako sa pagmumukha niya. Pinabayaan niya lang ako kanina at wala man lang ginawa sa mga star section para pigilan akong saktan at ang worst section.

"Bye, Rue!"

"Pagaling ka, Rue!"

"Mauna na kami, ha?"

"Bye!"

"See you,"

Tango lang naitugon ko sa buong worst section. They smiled at me and I smiled back and bid goodbye. Nagpasalamat din ako dahil hinatid nila ako.

Nang hindi na sila maabot ng tingin ay napagpasyahan ko nang pumasok sa bahay. Binati ako ng seryosong mukha ni Kuya Eziel na kasalukuyang nasa living room. The atmosphere was a bit scary, parang may kung anong sasaksak sa akin anytime.

The moment my foot step on the floor ay agad na tumayo si kuya para mapalapit sa kinaroroonan ko. Bawat hakbang nito ay sobrang bigat at tiim-bagang na hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Why did you do that, Rue? Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo, ha? Ano 'yong kanina?" galit na bungad nito at sinamaan ako ng tingin. Napatahimik ako, iniiwasan na huwag siya patulan pero sumigaw ulit ito. "Are you deaf or what?! Why dis you do that?!"

Magpanting ang tainga ko sa tono ng pananalita niya. Ang ayaw na ayaw ko pa naman ang tinataasan ako ng boses at pinaparamdam na kasalanan ko talaga!

"Wow! Just wow! Ako pa talaga, ha, Eziel? Kitang-kita naman na kayo ang nagsimula ng gulo kanina! Nananahinik ang buong section namin!" inis na sagot ko.

"Call me Kuya, Rue!" saway niya.

As if!

"Fine! Ku-ya!" I gave emphasis to the last word pero napairap ako sa kaniya. Hindi ko rin maisawan ang pagtunog sarkastiko sa harap nito kaya mas lalo lamang nakita ang galit sa mukha niya.

"Ganyan na ba ang natutunan mo sa walang kuwentang section na iyon, ha, Rue?!" Tumayo  na siya at hinarap ako.

Mas lalong naputol ang pisi ng pasensya ko sa tinawag nito sa section ko.

"May luwenta amg section ko kaya wala kang karapatan sabihan kami ng ganiyan! Wala kang pakialam kung ano mang gaqin ko sa school kasama sila! Wala kang pakialam! 'Di ba nga hindi mo man lang ako tinulungan kanin,  ha? Napakawalang kwenta mong kapatid!" sigaw ko. Naikuyom ko ang mga kamao sa nararamdaman. Habol ko rin ang hininga dulot ng sinabi.

"Paano kita matutulungan kanina? Rue, kapag tutulungan kita malalaman nilang magkapatid tayo! At mas magiging delikado!" sigaw din niya.

"Ayan na naman sa delikado na 'yan! Bakit ba ayaw mong malaman nila na magkapatid tayo, ha? Or should I say,  kakambal!" Tumaas ang kilay ko.

"Rue!" He masaged his temple at pumikit.

"Mas uunahin mo pa 'yang sekre-sekreto mo kesa sa 'kin? Paano pala kung namatay ako kanina? Hindi mo pa rin ako ililigtas? Eziel ano ba! Tulog ka? D*mn you!"

Hindi ko siya maintindihan! Ano bang tinatago niya? Nakaiinis na! Nanahimik na ako at binawala ang mga pagbabawal niya at inisip na wala lang iyon. Nagpatay malisya ako!

"Rue!" Napatingin  ako sa hagdan ng makitang pababa sina mom and dad.

"What's going on? Bakit mo sinisigawan ang Kuya Eziel mo?" pagalit na tanong ni dad sa 'kin.

Me and the Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon