Chapter 20

164 6 1
                                    

A/n: I'm sorry if I didn't update for almost 1 month. This online class sucks!

Anway, here's my update.

Enjoy reading!

***

ZEPHYR'S POV

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag nakaharap ko na siya. Nahihiya ako. Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang ginawa niyang paghalik sa akin.

Gusto niya na ba 'ko o assuming lang ako? Sigh.

"Good Morning, Sir. Here's the document and some of the transactions made by our company for the month of August." Nakatingin lang si Boss sa mga documents na ibinigay sa kanya ni Cristel. Ni hindi niya nga yata napansin na nandito ako e.

"Okay, you may lea-" Nabitin ang sasabihin niya nang iangat niya ang kanyang ulo kasabay ng pagtama ng aming mga paningin.

Ilang segundo siyang nakatulala sa akin, bago siya tumikhim at saka hinarap muli si Cristel. "You may leave now. Thank you."

"You're welcome, Sir." Nakatingiting tugon naman ni Cristel.

Hinawakan ko ang braso ni Cristel nang akmang hahakbang na siya paalis. "Aalis ka na? 'Wag mo 'kong iwan dito." Pakiramdam ko ay nagmukha akong bata sa harapan ni Cristel. Anong magagawa ko? E, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Boss. Kailangan ko ng moral support.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanyang braso, "Kaya mo 'yan, Zeph. Hindi ka naman pagagalitan ni Sir." Saka niya ako binigyan ng isang mapanuksong ngiti bago siya tuluyan naglakad papalabas ng pinto.

Oh, God! What am I gonna do?

"And so you're back." Walang isang segundong napaharap ako nang marinig ko ang boses ni Boss.

God! I missed his voice.

Hindi pa man ako nakasasagot ng bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at saka lumapit sa akin. "Are you okay now?" Bakas pa rin ang pag-aalala sa kanyang boses.

"I-I'm okay, Sir." Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga sapatos.

Hindi ko siya kayang tingnan. Pakiramdam ko ay malulusaw ako sa oras na siya ay aking tingnan.

Yung totoo? Gusto na ba talaga kita, Boss? Tanong ko sa aking sarili.

"Why are you not looking at me?" Matapos niyang sabihin iyon ay hinawakan niya ang aking baba saka sapilitan iniangat ito upang mapatingin ako sa kanya.

Santa Maria! Bakla pa ba 'tong nasa harapan ko?? Oh, lupa! Lamunin mo na 'ko.

Kahit hawak niya ang aking baba ay hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.

"Zephyr, look at me please?" Para akong nahipnotismo dahil sa lambing ng kanyang boses kung kaya't napatingin na ako sa kanya ng tuluyan.

Tatanggalin ko na sana ang kanyang kamay na nakahawak sa aking baba nang banggitin niya ang mga salitang ni sa panaginip ko ay hindi ko narinig.

"I missed you." Para akong nakarinig ng isang malakas na pagsabog. Tibok ng puso ko nalang ang naririnig ko habang nakatitig sa nilalang na nagpapagulo sa puso't isipan ko.

"P-po? Ang s-sweet mo naman, Sir. Pati empleyado mo n-namimiss mo. Hehe."

"Silly. Maupo ka nga muna." Natatawang sabi niya saka niya binitawan ang baba ko at lumayo nang kaunti sa akin.

Operation: Seducing My Gay Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon