The Night When I See Your Smile

5 0 0
                                    



Hi kamusta kana?

Tagal narin pala ng nakakalipas noh?

5 years nang nakalipas pero parang kahapon lang naganap lahat

Balita ko hindi kana ngumingiti
Magagalit ako nyan

Kumakain kaba ng maayos?

Lagi ka daw pinupunta sa hostipal nung unang taon, sana naman alagaan mo na sarili mo

Nandito lang naman ako ehh

Nakikita parin kita, ganun parin pag tingin ko sayo,

Mahal na mahal na mahal parin kita

Kaya sana ngumiti kana ulit

Minsan na nga lang kita makitang ngumiti tapos mawawala agad

Sana makahanap kana ng magpapangiti sayo araw araw

Tanda ko pa dati lagi kitang kinukulit ngumiti,

Kaya laking tuwa ko nung napngiti narin kita,

Tuwang tuwa ako nung araw na yun

Niyaya panga kita samahan mo ko sa carnibal non sumama kanaman tanda mo ba yun kaya lang ayun ata ang huli kong ngiti.

5 years ago

"Hey wait" gulat siya nung dali dali ko syang hinila papuntang carnabal

Tuwang tuwa ako ngayon dahil napangiti ko narin siya, with matching tawa pa.

"Yieeeeeepieeeeee" hinawakan ko na dalawang kamay nya tapos nagpaikot ikot kami na parang tanga.

"Paulene" "alex" sabay naming bigkas, nagkakatitigan kami habang umiikot, pinabayaan namin ang mga taong nakatitig lang saamin,
Na para bang kaming dalawa lang yung tao dito sa carnabal

Ako na ang unang umiwas ng tingin, kase nahihilo na ako kakaikot namin na parang tanga HAHAHA pero super enjoy kasi kasama ko sya.

"Tara alex punta tayo don!" Excited kong turo sa fereis wheel sabay hila nanaman sakanya ng mabilis, kaya muntik syang magkatumba tumba.

"Paulene dahan dahan naman" naka alburuto na ngayon ang mukha nya
Kaya natawa ako, tinignan naman nya ako ng masama, ngunit tumawa parin ako, hanggang may tumulong laway sa akin.

"Pftttt" impit na tawa nya naparang maya maya lang lalabas na.

"HAHAHAHAHA" ayan na lumabas na nga, imbis na mainis kinatuwa ko pa kase tumatawana sya ngayon.

Niyaya ko na syang sumakay sa ferris wheel, mahaba man ang pila ngunit pumila parin kami hanggang makasakay.

"Ayan na tayo na yeheeeeey!!!!!" Tuwang tuwa kong sabi dahil kami na ang susunod na sasakay, ngunit nagtaka ako sa katabi ko dahil parang napako na sya sa kanyang tinatayuan.

"Alex tayo na!!" sigaw ko dahil parang wala syang naririnig, umepektib naman dahil nagising sya ngunit parang maputla ang mukha nya.

"O-okay lang ba talaga diy-an sumak-kay paulene?" Napakunot ang noo ko dahil parang natatakot sya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Night When I See Your SmileWhere stories live. Discover now