Deja Vu

46 7 20
                                    

Bakit nga ba nasa huli ang pagsisisi? I wonder. 

Ayokong sisihin ang sarili ko pero ako ba talaga ang mali o sadyang pinaglalaruan lang ako ng tinatawag kong tadhana. 


CITY's POV


June 2019. 


Uy hello! Ako si City, short for Felicity! Oh diba ang unique ng pangalan ko. Ako lang ata ang may pangalan na ganyan sa baranggay namin. Sabi nila cute daw name ko if hindi full name, aba bastos e noh? Hello sila, ang yayamanin kaya pakinggan ng Felicity? 

"City! Ano ba yan malalate na tayo sa gathering, ano pang tinutunganga mo dyan," sigaw sakin ni Mayumi, friend ko. Pareho kaming bahagi ng youth sa church namin sa Shelter of Hopes Chapel. Pareho din kaming bente anyos na. Tanda na noh? Wala pa rin kaming trabaho. 

"Wait lang naman! Makabunganga naman 'to," irap ko sa kaniya. Nakitulog ako sa kanila since may gathering nga sa church namin ng alas-otso. Oo, alas-otso pa lang pero OA 'tong kaibigan ko. 

I stood up, took a bath, ate a bread before fixing myself then finally dressing up. "Ayos ba?" Yumi asked me habang tinitignan niya ang complexion niya sa salamin. 

"Ang OA nang pagka-ponytail mo para kang sinabunutan," I said. 

"Ito ang messy bun, sister. Huwag kang judger diyan," she rolled her eyes.

"Kita mo 'to, tinatanong mo kung ayos ba, sinabi ko yung totoo!" I shouted as she walked away sa kusina. 

"Show some support naman!" Sigaw niya pabalik. Pagbalik niya ay tinignan niya naman ang suot ko. 

"Alam mo narealize ko, pareho lang naman tayong anak ng Diyos pero bakit mas maganda ka sakin?" Kunot-noo niyang sabi. 

"Genes 'to, 'di 'to nakukuha lang sa messy bun," I said and flipped my not-so-long hair. She made a face pero nagtawanan lang kami sa huli at umalis na. 

Pagkarating namin sa church ay halos mag-8 na at madami ng tao. 

"Ate City!" Krishna called me, she was a child, 6 years old. 

"Ay naku naman talaga, pakaganda nitong si Krishna!" I adored her. She pulled me at napasama ako sa kaniya, I looked at Yumi at tumango siya. She might go to other kids, too. 

Nagpatangay lang ako sa bata hanggang sa malaman ko kung san niya ko dadalhin. Sa harap ng altar. "Kuya Levi!" She shouted in her little voice.

There was a man on his casual-formal attire. His hair is on the side of his head showing his bright skin tone. He was our youth leader and he was my suitor. 

"Oh, Krishna!" He said as he saw the little girl. She looked up to me at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "Uy, City, andito ka rin pala," he said, chuckling.

"Siyempre naman! Member ako dito, Kuya," I said.

"Oh? Why do you call him Kuya?" Krishna asked.

"E ofcourse matanda siya and leader natin siya, " I said at umupo rin sa tabi ni Krishna gaya ng posisyon ni Levi. 

"I said you don't have to call me like that," he said. I just rolled my eyes. 

"Whatever, Leviticus," I said and he laughed. 

"Hey! Don't call me Leviticus, I said! Hindi ko pangalan 'yon," he continued laughing kaya natawa na rim ako. 

"Ayaw mo no'n special call mo sakin?" I said. 

Deja VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon