THIRTY ONE

1.1K 19 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

I called Joros and told him na magkita kami. But I didn't tell him na pwede niyang makasama ang anak ko ngayong araw. I still have to talk to Dad. That is why I'm on my way to his office now.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.

"Hi, dad!" bati ko sa kanya ng makapasok ako. Nakaupo siya sa swivel chair kaharap ang napakaraming papeles. Ganoon ba sila ka busy ni mommy?

"Hi, anak," ngumiti siya ng makita ako "Nandito ka pala? Need anything?"

"Well, I talked to mom. And I wanna talk to you as well."

"On what matter?"

"About Zaiah."

"What about her?"

"Si Joros, gusto niyang makasama si Zaiah. Nakausap ko na si mommy about it and she agreed but with a yaya and bodyguards. So, ikaw, dad? Ano sa tingin mo?"

Tinanggal niya 'yong glasses niya saka pinagsiklop ang mga kamay at pinatong doon ang mukha niya, nag-iisip. "Well, sa tingin ko may karapatan siya since siya ang daddy ni Zaiah."

"Mm. Okay. That's it, dad. Balikan ko lang muna si Zaiah."

"Ngayon mo ba siya ipahihiram?"

Ipahihiram?

"Yes, dad," tango ko

Tumango lang siya saka ako nagpaalam na lalabas na. Akala ko ay magiging mahirap na pumayag sila pero it turns out, nakikita pa rin nila ang value ni Joros as Zaiah's dad. And they respect it. Sana lang ay huwag niyang saktan ulit ang anak ko dahil kapag nangyaring saktan niya ulit si Zaiah. I swear, hindi niya makikita kahit ang dulo ng buhok ni Zaiah.

"Hi," ang laki laki ng pagkakangiti ni Joros nang makita kami. Napatingin siya kay Zaiah at mas lalo pang ngumiti. "Hi, baby," bati niya sa anak ko ngunit parang takot si Zaiah at nagtago sa likod ko habang ang higpit ng pagkakahawak sa kamay ko.

Tinunghayan ko siya saka nginitian no'ng mag-angat siya ng tingin sa akin. Umupo ako upang mapantayan siya.

Lumapit siya ng kaunti sa akin "Who's he, Mimi?" pabulong na tanong niya at pasimpling sinusulyapan si Joros.

Nangunot ang noo ko habang bahagyang natatawa. My baby is so cute. "He's your dad."

Nagtataka pa siyang sumulyap kay Joros at muling tumingin sa akin. "But, Mimi. I already have a dad, it's dada Kenzie," inosenting aniya.

Napatingin ako kay Joros. Ang kaninang nakangiti at masayang mukha ay napalitan ng blanko matapos marinig ang sinabi ng anak ko.

"He's not your dad, I am," seryosong sabi niya

Tumabingi ang ulo ni Zaiah, sa paraang iyon niya ipinapakita na nagugulohan siya.

"But dada told me he's my father. So, therefore I have two father?" Inosente niyang tanong sa akin.

Nakakamangha. Paanong naisip ng batang ito na dalawa ang kanyang ama? She's just two para maisip ang bagay na iyon. Isa pa, paano niyang na-kwenta 'yon?

"No, baby. You only have one father, and that's me." Tinuro pa ni Joros ang kanyang sarili.

"But dada Kenzie is my father, too. He's been there when Mimi is sad and crying because I was sick. Dada loves Mimi and Snow so much,"  malambing na giit ng anak ko bagaman bulol ang kanyang mga salita at napaka inosente ng mukha.

Pero ang una niyang sinabi ang nakapagpatigil sa akin ng ilang sandali.

Oh God! Parang maiiyak yata ako. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ng anak ko ngayon. S-she realized all of that? How come? Hindi ako makapaniwalang ang two years old ko ay parang 8 years old kung magsalita.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon