Basang basa na sa pawis ang damit ko, katatapos ko palang maglinis ng bagong renta naming bahay. Nasanay na kami na every year lumilipat ng bahay dahil sa kakulangan ng pambayad napapalayas kami, minsan nga ay anim na buwan pa lng kami ay pinapalayas na kaagad.
Dumiretso na ako sa kwarto para makapag bihis at makapag ayos.
"Ma! Alis na muna po ako para makapag enroll!" Kahit wala akong pera ay hindi na ako naghingi bukod sa nahihiya ako ay wala naman maibibigay si mama at pagagalitan lang ako.
Naglakad na lang ako patungo sa School. Hindi naman ganun kalayo at hindi rin ganun kalapit sakto lang para hingalin.
Noon pako nag aaral sa Holipard University, mas okay na din iyong bago naming tinitirahan dahil mas malapit kami sa school, kaysa noon,napapagastos kapang sikwenta makapasok lang.
Pagpasok pa lang sa gate marami ng kotse ang papasok bukod sa private Ito ay hindi na kagulat gulat kung nakakotse na ang ibang nag aaral dito
Papunta pa lang ako sa building 3 kung nasaan ang Engineering Department ay alam ko nang mahaba ang pila ng mga erollees dahil ang iba ay nasa lilim na ng puno at ang iba naman ay may dalang payong nila.
Matagal talagang mag enroll dito sa Holipard University dahil kahit old student ka ay may kailangan ka pa ring sagutan na exam.
"Friend!!!!"
"Oh Zoey akala ko nakapag enroll kana kahapon?" Pag usap ko kay Zoey habang naghintay umusad ang pila.
"My God! Kailan ka ba bibili ng phone mo ng malaman mo naman ang nangyayari sa buhay ko?"
"Zoey alam mo naman na bago ko pambili ng cellphone ang pera ko mas gugustuhin ko na munang unahin tuition ko."
"Okay.. so how's your vacation? Do you have new suitor? Gwapo? Mayaman?" Tanong nya nagnining pa mga mata.
"Wala, at kung meron mang dumating wala akong pake dahil ang mas gusto ko ngayon ay bumalik na sa amin si papa"
"You know what Jaimin? Sayang lang yang ganda mo. If I were you, I would use my beauty to make money."
"Anung gagawin ko bebenta ko katawan ko? No way.."
"It's not like that,I mean find a handsome and rich man. Yung tipong kaya kayong buhayin."
"Hindi lahat ng nasilaw sa kagandahan ay mananatili sa tabi mo dahil lang sa maganda ka, what if humanap sya ng iba na mas maganda pa sayo?edi maiiwan karin" parang si papa kay mama iniwan din kami, kung hindi ko lang talaga kailangan si papa ngayon ayos lang kung hindi na sya bumalik kaso kailangan ko sya eh,kailangan ko sya sa tabi ko.
Halos isang oras kaming naghintay para makapag exam. Hindi ganoon kahirap dahil natalakay naman lahat ng mga yun last year pero tumagal parin nang isang oras dahil sa solving.
Nang matapos lahat ng form na kailangang fill upan ay lumabas na kami ng building ni Zoey. Pagtingin ko ng oras ay dali dali nako sa pag uwi.
"Shit! wala pa pa lang lutong pagkain sa bahay!!"
"Sorry best,I need to go"
"Okay lng friend, Kita na lng tayo sa Monday."
"Okay babye love you!"
"Love you too"
"Lagot na naman ako neto Kay mama."
Malapit na mag twelve thirty at wala pang pagkain sa bahay. May kapatid naman ako kaso ayoko iparanas sa kanya ang mga naransan ko masyado pa syang bata para magtrabaho sa bahay.
YOU ARE READING
A Person to Lean On
RomantizmJaimin knows that she has a messed up life but is it right for her to be close to what she hated? Is it right for her to lean on the person who once made her suffer? And how long will the question resonate in her mind? Is this the ri...