Chapter 3: Friendzoned

3 1 0
                                    

"Bro, may audition sa Saturday 'di ba?" tanong sakin ni Jacob habang inaayos ang gamit niya sa bag.

"Oo. Kailangan nandoon ka kasi isa ka sa mga officer ng club. May practice nga kami sa swimming dahil malapit na yung City Meet". Masyadong mahigpit ngayon si Coach Saki dahil last na namin ngayong year. Halos lahat ng member ng varsity ay puro fourth year na.

"Ganun ba? Tingin mo maraming mag-audition this time?" nababahalang sabi nito. Madaming nag audition last year kaya hindi kami nahirapan sa schedule.

"Siguro.." maski ako ay nabahala. Kakaunti lang ang may interes sa Music Club. Ang iba ay dahil gusto lang sumikat. Walang pakialam sa club as long as they gained popularity and.. power.

Paalis na kami ng classroom nang tawagin kami ni Andy. May meeting kami at pag uusapan nga yung parating na Audition sa Saturday. Akala ko kahit hindi na ako kasama doon ay okay lang, ngayon problemado ako. Sabay ang Audition at practice ng swimming. Ayaw naman ako payagan ni Andy dahil ako daw ang VP ng Music Club.

'This is Jacob's fault tsk'

"...anyways, that's all for today. Any objections, clarifications or violent reaction?" tanong nito sa amin ngunit walang sumagot. "Well then, meeting adhourned." pagtatapos ni Andy sa meeting. Wala man lang akong naintindihan sa sinabi niya. Bago pa man siya makaalis ng club room ay pinigilan ko siya.

"Andy naman, baka pwede pass muna ako. May practice kami sa swimming? Please?." pagmamakaawa ko sa kanya. Mahirap pakiusapan si Andy pero hindi naman masamang subukan.

"Tingin mo wala din kaming practice? Hindi lang ikaw namomoblema dito.." taas kilay nitong sambit. "Besides, this is your choice, this my choice so better bear with it." dagdag pa nito bago dire-diretsong lumabas.

Laglag balikat kong kinuha ang bag ko bago walang energy na lumayas sa club room. Mabagal akong naglakad yung bagal na parang tamad na tamad, mabigat ang katatawan. Nasa fifth floor ang club rooms at past six pm na kaya wala nang gaanong estudyante. Ginulo ko ang buhok at mabilis na naglakad pababa.

'Bakit kasi sinabay pa ni Coach!'

"Oh Flynn, bakit nandito ka pa?." natigil ako sa pagbaba mula third floor nang marinig ko si Coach.

"Club meeting, Coach" mahina kong sambit. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Coach tungkol sa Audition sa Saturday. Malamang papagalitan ako dahil ako ang inaasahan niya.

"Bakit ang tamlay mo naman ata? May sakit ka ba?" nag aalalang tanong nito at nakisabay na maglakad paalis.

"Wala naman po. Problemado lang.." pahina ng pahina kong sambit at nakamot ang sentido. Naramdaman ko namang tinignan ako nito kaya lalo akong nailang.

"Kung ang pagsasabay ng Audition ng club at practice ng swimming ang problema mo, don't worry I already moved the practice on Sunday, if that was okay with you?"

Natigil ako sa paglalakad at lumabas ang malaking ngiti sa maganda kong bibig.

"Talaga, Coach??! Okay na okay sakin yan!" masigla kong sabi. Natatawa namang itong tumango. Tinapik ang balikat ko at naunang naglakad.

Ngiting ngiti akong naglakad papuntang locker nang magvibrate ang phone ko.

"Bakit?" tanong ko kay Jacob na nasa kabilang linya. Maingay ang paligid nito.

"Bro, free ka ba? Punta ka naman dito sa FoodHub.." pasigaw na sabi nito. "Kailangan ni Kuya Mark ng banda tonight. Nag-cancel yung banda na kinausap niya".

Dear Betty (on going)Where stories live. Discover now