Our Future Selves

13 2 3
                                    

"Zaayyynnn... Ayoko mag practice." matamlay kong salubong sa kaibigan ko pagkalabas na pagkalabas palang niya galing sa sarili niyang classroom. Zayn Lucas Browns. Age, eighteen. As usual, may hawak hawak nanaman siyang libro, ewan ko ba sa kanya kung bakit subsob sya sa pagbabasa, eh ang tali talino naman nya. Ako nga tong kailangan ng aral para hindi ko palayasin ng parents ko.

"You'll get a scolding from your coach, Angel. Stop being lazy." hindi manlang siya nag abalang lumingon sa akin at pinagpatuloy lang ang pagbabasa niya. Sa dinami dami ng oras na nagkasama kami, ilang beses ko palang yata siyang narinig mag tagalog. Palibhasa galing America.

I distinctively rolled my eyes and sighed, but my energy immediately went up when a thought entered my mind. "Eh kung sabihin mo kay Coach may sakit ako?" nakangiti akong tumitig kay Zayn.

Finally. Lumingon siya sa akin at panandaliang inialis ang atensyon sa libro bago magsalita.

"Not happening." aniya at nauna sa paglalakad.

"WHYYY????" nagmamaktol akong sumunod sa kaniya, pero hindi na siya umimik hanggang sa makarating kami sa harap ng club room ko.

"Final na ba to? Di mo na ko ieexcuse?"

"No." maikling sagot niya at lumayas sa harapan ko.

"DAMOT." ikinaway niya lang ang kamay niya ng hindi lumilingon.

"SANA MADAPA KA!" sinundan ko siya ng tingin hanggang mawala siya sa paningin ko. Sana maaga kaming pauwiin ni coach para maabutan ko practice ng basketball team, minsan ko lang kaya mapanood maglaro si Zayn. Hindi sya yung Captain, pero sa kanya lagi yung atensyon ko. He's the shooting guard of their team.

Bawat my match sila isinusuot ko yung jersey kong pang volleyball kasi magkaparehas kami ng number. Both eight. Siguro destiny. Kidding.

Yes. I like my best friend. I'm already seventeen at mahigit eleven years na simula nung nakilala ko si Zayn. Our parents are good friends kaya madalas kaming dalawa ang playmates, dahil na din parehas kaming only child.

Nung bata pa ko, hindi ko alam ang ibig sabihin ng crush, love, romance etcetera etcetera. Pero is lang ang alam ko, gusto kong makalaro si Zayn hanggang sa mamatay kami. Creepy diba? Isang rason din kung bakit nagustuhan ko sya ay yung pag tututor nya sakin tuwing may hindi ako maintindihan sa lesson. Medyo mahina kasi ulo ko eh, we're total opposites.

He's smart. I'm not. He's quiet. I'm noisy. He prefers to be alone, I'm one heck of a social butterfly. He's tall, I'm average. Okay fine, I'm short. And most of all. I want to spend my life with him. And he doesn't.

Funny isn't? Halos magkasama na kami nung mag ka isip kaming dalawa pero hindi ko maipag tapat yung nararamdaman ko. I'm scared to lose him. Hindi ako natatakot na hindi nya maibalik yung feelings ko. Ang ikinatatakot ko lang, baka layuan nya na ko pag nalaman nya yung secret na ilang taon ko nang itinatago.

But one thing's for sure. I will not do anything that will turn us into strangers with memories.

~~~

"Let's wrap it up! Mag si uwi na kayo." napa yes ang karamihan sa amin ng sabihin yon ni Coach.

Sa kabutihang palad, nagkatotoo ang wish ko na mapa uwi kami ng maaga para mapanood ko ang practice ng basketball team namin. Matapos ko magbihis ay agad ako tumakbo papunta sa Basketball Gym.

Hingal na hingal akong sumilip sa pinto dahil sa pagmamadali, pero sayang lang ang effort ko dahil pagkadating ko doon ay palabas na din ang mga players, kasama si Zayn.

"Nandito na pala yung girlfriend mo Zayn." komento ni Raf, teammate niya. Kaya nakatanggap siya sa akin ng isang matalim na tingin.

"Shut up Raf. That will never happen." Ouch.

Our Future SelvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon