5 (SPG)

6.1K 199 46
                                    

5 (SPG)

"Ano ulit iyong sinabi mo?"

Huminga nang malalim si Fumi, "Ang sabi ko tumigil na tayo."

Pinakatitigan siyang mabuti ni Ivan, "Why? Why did you suddenly bring this up? Di ba okay naman tayo?"

Umabot ng isang linggo si Fumi para masabi kay Ivan na kailangan na nilang tigilan ang halos dalawang buwan nilang arrangement. "I'm sorry, you're a great company Ivan." She caressed his cheek. "It is just that I don't think we're gonna work."

"I don't think so, it's more than that isn't it?" Tumayo si Ivan. "Tell me, does your manager have something to do with this?"

"What? Of course not! It's my decision." Tumayo na rin Fumi at hinarap ang binata.

"Your manager must be so jealous so he asked you to do this!"

Walang choice si Fumi kung hindi ibunyag ang totoo patungkol kay Doms, "Goodness, Ivan! My manager is gay, okay?!"

Humalukipkip si Ivan at parang di naniniwala, "Sinasabi mo lang yan para di na ako manghinala." Napasinghap si Fumi ng biglang hapitin ni Ivan ang kanyang beywang.

Halos mangalay ang leeg ni Fumi sa pagkakatingala dahil sa sobrang tangkad ng kaharap. "Listen here, Fumiko Centeno. We will not stop this, tell that to your boss."

"What? Ugh! Ang hirap mo namang kausap!" Asar na sabi niya at kumawala sa bisig niya. "Just wait there!"

Kinuha niya sa kanyang kwarto ang Ipad at bumalik din sa living room. Hinanap niya iyong litratong ipinakita ni Doms sa kanya.

"Basahin mo! Para magising ka at pumayag sa sinasabi ko."

Kunot-noong tinignan ni Ivan ang kanyang pinapakita, "This is me?"

"Of course! Ikaw lang naman ang lalaking pumapasok dito."

Ngumisi naman si Ivan at binalik sa kanya ang Ipad, "What about it?"

Her lips parted because of his response, "Ivan, what kind of question is that?! Maiissue ka sa'kin, I swear magugulo yang tahimik mong buhay. Nabasa mo ba yung isang article na sinasabing may kalive in na ako? Gusto mo 'yon?!"

"Oo, gusto."

Napahilamos sa kanyang mukha si Fumi, "No, no, no. That's not a good image for a very respectable doctor like you! Ano namang sasabihin ng pamilya mo? Alam mo bang pwede silang madamay dito? They would start with you and everything about you!" Her voice rose up because of too much frustration.

"H-Hey, are you mad?" Hinawakan siya sa magkabilaang braso ni Ivan. "I'm sorry. Is this stressing you out?"

"It is! Besides, have you forgotten what you said? Di ba wala kang balak malink sa mga personalities sa entertainment world."

"Kung sa'yo naman ako malilink, I don't mind, Fumi. Nakalimutan mo rin ang sinabi ko? You are an exemption to that rule." Niyakap naman siya ni Ivan. "Please don't push me away."

Ang yamot na nararamdaman ay natunaw dahil sa yakap at malambing na boses ni Ivan. "I'm just worried for your welfare, I don't want them invading your privacy. Isa pa, h-hindi naman natin alam ano 'tong ginagawa natin."

Humiwalay si Ivan sa kanya, "Bakit ba kasi ayaw mo pang idate kita? Let them think we are a thing Fumiko."

Umiling-iling si Fumi, "Ivan, no."

"I don't understand you. Am I not handsome enough for you?" Pagtatampo ni Ivan.

Mabibilis na umiling si Fumi, "No, that's not it." Inipit niya sa magkabilaang palad ang pisngi ni Ivan. "Ang gwapo-gwapo mo kaya. Ang hot mo pa at ang seksi!" Napangiti naman si Ivan sa kanyang sinabi.

HRS3: Offered a Hot Romance to the GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon