"Isog ka nga dun, ang sikip e."-ani ko Kay espada Ngunit pabulong dahil nasa simbahan kami.Nakakahiya na nga e kanina pa kami nagbabangayan Tapos nasa simbahan pa talaga. Kainis kasi Si mama sinama pa tong espadang to.
Di ko namalayan na Tapos na pala ang mesa kaya Bago umuwi sa bahay mamasyal na muna raw kami sabi ni mama.
Nakakahiya na kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao dahil nagbabangayan na naman kami ni sword.
"Anak?"-ani ni mama at pinukpok ang ulo ko.
"Aray ma, bakit ba ang hilig niyong pukpukin ang ulo ko?"-saad ko ng nakakunot noo.
"Kanina pa kita tinawag, bingi ka ba."-saad nito kaya napataray naman ako ng wala sa oras.
"Ano kasi yun?"-tanong ko.
"Sabi ko pupunta muna tayo sa mga Lolo at Lola mo sa bahay nila."-ani niya kaya nagulat naman ako.
Well, nasa iisang bahay lang nakatira ang grandparents ko both sides.
"Po?"
"Sabi ko pupunta tayo sa bahay ng mga Lolo at Lola mo. Kanina ka pa rin bingi ka ba anak, gusto mo magpacheck up muna tayo."-saad ni mama.
"Ma Hindi ako bingi nagulat lang ako."-ani ko.
"Takot ka bang latiguhin?"-tanong niya alam kong tinatakot na naman ako nito e.
"Ma Hindi naman sa ganoon. Pero anong gagawin natin dun?"-saad ko at tumingin sa gawi ni espada.
"Hay naku wag na nga madaming tanong hindi ko rin alam."-saad ni mama at nagpauna ng maglakad.
Sa pagdating namin dun sa bahay nila ng mga Lolo at Lola ko sinalubong naman nila kami. At nagmano na rin ako sa kanila Ngunit nagtaka naman ako ng makita si Papa, si Mr. Principal, at may iba pa. Iwan ko di ko sila kilala basta tao sila na may mukha na may katawan na humihinga.
"Mga balae siya nga pala ang apo naming si Tale."-ani ni Lolo Victor.
Lolo ko siya sa side ni papa masungit siyang Lolo pero mabait rin naman.
"Aba't ang ganda ng iyong apo balae, siguradong magaganda at gwapo ang magiging Lahi niyan."-ani nung isang lalaki na matanda din.
"Siya nga pala apo, siya si Mr.Samora o si balaeng Fred ang Lolo ni Sword sa papa."-pakilala ni Lolo dun.
Napa ah na lang ako ang gagwapo pala ng Lahi nila at ang gaganda.
"Siya naman si balaeng Jenna ang Lola ni Sword sa papa."-saad ni Lolo kaya nagmano naman ako sa kanilang lahat dahil natapos niya ring ipakilala sila sa akin.
"Masaya akong makilala ka iha at napakaganda mo pala sa malapitan."-ani ni Lola Cara ang Lola ni sword sa mother side niya.
"Naku Hindi naman po pero Maraming salamat."-ani ko ng nakangiti.
"Oh siya maghapunan muna tayo at Baka kayo'y nagugutom na."-saad ni Lolo Zich ang Lolo ko sa Mama.
Nagsitango naman ang lahat kaya't nag umpisa na kaming kumain at nag uusap naman ang mga matatanda.
Hindi naman ako tsismosa para alamin pa yun.
Nang matapos na kami ay sinabi nila sa aking may pag uusapan kami kaya tumango naman ako.
"Ano po ba yun Lolo?"-tanong ko.
"Apo, napagisipan mo na ba ang bagay na yun?"-tanong ni lolo victor kaya nagtaka naman ako sa sinabi nito.
"Po?Ano po ba yun?"-tanong ko napabuntong hininga naman siya at tinignan sila Mama at Papa.
"Yung kasal niyo ni Sword."-saad niya kaya nagulat naman ako. Akala ko nagbibiro lang sila mama nung sinabi nila yun pero totoo pala talaga.
"Pero lo 17 years old pa lang ako Wala pa ako sa tamang edad atsaka di ko naman siya gusto e."-saad ko at tumingin kay mama at papa.
"Wag kang mag alala Jan apo kami ng bahala."-saad ni Lolo kaya bigla akong napatayo
"Lo naman, Bago kayo mag desisyon ng ganyan Sana tinanong niyo man lang kami Hindi yung agad-agaran na ganito na Wala akong alam."-ani ko."Bakit lo?Pumayag na ba si sword tinanong niyo na ba siya pumayag na ba siya?"-dagdag ko.
"Oo pumayag na siya Ikaw na lang ang Hindi."-saad ni Lolo kaya napatingin naman ako sa lahat ng tao na nakaupo sa sofa.
Pumatak naman ang isang butil ng aking luha.
"Pero lo Sana tinanong niyo rin yung mararamdaman ko."-saad ko at napaiyak na.
Disclaimer
Work of fiction
Typographical errors ahead
Plagiarism is a crime.
BINABASA MO ANG
BASAGULERA AND THE SSG PRESIDENT
Ficção AdolescenteShe is Tale Aryan Ravich the campus basagulera. And he is Sword Lent Samora the SSG president. Wala tayong magagawa pag si tadhana na ang ating kalaban.