Wedding Vows

81 1 0
                                    

"Will you marry me, Kath?" Anthony asked while kneeling at the ground. He's holding a silver square sparkle halo ring. Gosh! I'm not expecting this. All I knew was, we're just going to have a formal dinner here in my favorite restaurant.

 

Anthony's my boyfriend and soon to be fiancé. We've been together for 6 years. Sa lahat ng problema ko sa buhay ay andyan siya. Mula college hangga't sa maka-graduate kami. Sabay kami nag board exam to become a licensed engineer and luckily, pareho kaming pumasa. 



We have differences but that was never been a hindrance for us para ipagpatuloy ang relasyon na 'to. May mga away kami na sobrang lala at parang aabot na sa puntong ang tanging solusyon na lang ay ang maghiwalay. But I'am so inlove with him to the point that I forgive him, I'd say sorry first para hindi na tumagal, and he'd do the same. 



He's a kind and a loving partner. He's the type of guy na ang pinaprioritize ay ang pag-aaral niya, family, at syempre ako. 



"Of course!" Malawak ang ngiti ko nang sabihin iyon. Malamang, pakakasalan ko ang isang 'to. 6 years of being together. That's enough for me to know that he's the one. 



Isinuot niya ang singsing sa daliri ko. It fits perfectly. This man has his own ways para malaman ang size ng ring finger ko. 



Agad niya akong niyakap at ganoon din ang ginawa ko. Sabi nila ang pag aasawa ay isang malaking desisyon na dapat mo talagang pag-isipan. You need to think if you're 100 percent sure kasi wala nang bawian. Hindi na pwedeng umatras pagkatapos. And I think I would never back out. Siya lang ang gusto kong makasama habang buhay at sigurado ako roon.



Buong buhay ko ay akala ko tatanda na lang akong dalaga. Sobrang sungit ko ba naman. Halos natatakot nga sa'kin lahat ng lalaki sa school namin. 'Yung bestfriend ko lang naman 'yung lagi kong kasama noon. Hangga't sa dumating si Anthony. He really did everything just to break the walls I build. Akala ko kasi noon ay lolokohin lang ako ng mga tao. Mas komportable ako sa mga dati ko ng naging kaibigan, dating kakilala, kasi ayoko ng bago. Natatakot kasi akong mag tiwala ulit.



Bago si Anthony ay nagkaroon pa ako ng ex. Katulad ng storya ng iba, naging masaya ako sakanya ngunit hindi siya ganoon sa'kin kaya humanap siya ng iba. Noon, hindi ko maintindihan. Bakit mo liligawan kung hindi mo naman paninindigan? Para saan pa? 



Anthony did everything. Pinasaya niya ako. He made me the happiest person alive. Alam kong kahit mag-away kami at magkaroon ng maraming misunderstanding sa future ay hindi niya ako hahayaan. Dahil alam kong ganoon siya. Hindi ako hahayaang matulog pag magkaaway kami, susuyuin ako lagi, at makikinig sa lahat ng mga kwento ko. He made me feel that I'am worth it. He valued me and he accept my flaws. Ipinaramdam niya sa'kin na kahit marami akong pagkakamali sa buhay ay may isang taong tatanggap sa'kin at siya 'yun.



"I will never leave you," bulong niya sa'kin. I will never leave him too. Na kahit anong mangyari ay hindi ako bibitaw. Kahit ano pang problema ang dumaan ay ipaglalaban ko siya, ilalaban ko 'to. 



Naging perpekto ang lahat. Sa pamimili ng wedding gown hanggang sa pagpili ng mga sing-sing. Bukas ay ibibigay ko na ang sarili ko sakanya at ganoon din siya sa'kin. Bukas ay magiging isa na kami. Bukas ay apelyido niya na ang dadalhin ko hanggang sa aking huling hininga. Bukas ay malaya na akong umalis at pumunta sa kahit saan nang siya ang kasama. A new beginning. 

Wedding VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon