GORE ACADEMIA

96 4 1
                                    

WARNING:
What you are about to read contains explicit language, mature content, violence, and some part may find disturbing (not suitable for readers under 16!)

Matagal ko nang gustong gumawa ng story about sa mga bampira pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Opo, alam kong ang dami ko pang pending works pero heto ako, gumagawa na naman ng panibago. Haha!

Sana po suportahan ninyo ang kwentong ito. Maraming Salamat!


GORE ACADEMIA: SCHOOL OF VAMPIRES
All rights reserved 2021

Do not copy anything. Any means, usage or reproduction of my stories/novels in any form is forbidden by the author. There will be some typographical error and wrong english grammar in this story, please do understand that I also mae mistakes. All the characters used in the stories have no existence whatsoever beyond the writer's imagination and all the situations and incidents happened were just inventions.

📎

"Lord Levi, m-maawa po kayo sa anak ko. H-Humihingi po ako ng tulong, pakinggan niyo ho a-ako!" naka-luhod at mangiyak-ngiyak na saad ng isang ama sa harap ng isang binatang nakaupo sa isang magarang upuan.


"Siguro naman ay alam mo ang nais kong kapalit sa bawat tulong na ibinibigay ko?" walang emosyong sagot ng binata sa matandang lalaki.


"H-Handa po akong ialay ang aking d-dugo kapalit ang buhay ng aking anak" utal na sambit ng matanda, "T-Tulungan niyo po siyang mabuhay pa. Nagmamakaawa ho ako sa inyo, L-Lord Levi!" nanginginig at nanghihina man ang buong katawan ay ipinagpatuloy pa din ng matanda ang pagmamakaawa sa binata.


"Kung ganoon, papipiliin kita. Tatalon ka mula sa pinaka tuktok ng gusali o gigilitan mo ang iyong sariling leeg ngayon mismo sa harapan ko?" naka ngisi't walang awang saad ng binata, "Mag bi-bilang ako hanggang tatlo. Bilisan mong pumili"


"Isa..."


"Dalawa.."


"Tat—" hindi pa man natatapos ang pagbibilang ng binata ay agad na tumakbo ang matanda upang kunin ang patalim na naka-patong sa ibabaw ng maliit na lamesa. Nang mahawakan ang patalim ay agad niyang ginilitan ang sariling leeg na ikinabungisngis ng binata.


"Mahusay. Sa ginawa mo'y ligtas na ngayon ang iyong anak" tumayo mula sa pagkakaupo ang binata at lumapit sa duguang matanda. Ininom niya ang dugo ng matanda animo'y uhaw na uhaw ito.


"Lord Levi," napatigil ang binata sa pag inom sa dugo ng matanda nang isa sa mga tauhan niya ang biglang pumasok sa kanyang silid, "Handa na po ang listahan ng mga mag-aaral ngayong taon sa Gore Academia"


"May iba ka pa bang sasabihin na ikatatuwa ko?"


"Meron po. Isang estudyante ang aming natagpuan na tiyak na perpekto para sa eksperimento at kasama po siya sa listahan ng mga bagong mag-aaral dito sa Gore Academia."


Muling napa-ngisi ang binata dahil sa balitang narinig, "Kung ganoon ay meron pa nga talagang half human-half vampire sa taon'g ito. Ano ang pangalan niya?"


"Zhavia Astrid.."

Gore Academia: School of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon