Prolouge

429 5 0
                                    

April 16, 2014

Walang tigil na bumuhos ang luha ko nang nakita na ang katawan ng mga kaklase kong isa-isang inaangat mula sa bangka ng rescue team. Mga walang buhay at hindi na humihinga.


Sinalubong ko ang mama ko na nakaabang sa pier malapit sa dagat kung saan unti-unting lumubog ang barkong sinasakyan namin.


Isang oras na simula nang lumubog nang tuluyan ang aming barko at isang oras na rin ang nakalipas nang tuluyan nang namaalam ang aking mga kaklase.


Binalot ko nang yakap ang aking ina habang patuloy na humahagulgol. Hindi makapaniwala na ang aming masayang biyahe ay hahantong sa isang trahedya.


Trahedya na kahit sa aking panaginip ay guguluhin ako.


"Tahan na ma, ligtas ako. Nakaligtas ako." natigil ako sa pagsasalita nang may naalala. "Pero ma...ang mga kaklase ko. Hindi nila nagawa" patuloy na umagos ang luha ko, kasabay ng pagtulo ng tubig dagat sa aking katawan.


Naririnig ko rin ang mga hagulgol nang mga magulang ng mga inosenteng katulad ko na biktima sa trahedyang ito. Ang mga sigaw at poot na tuluyan nang nilamon ng galit at hinanakit. Kung bakit huli na silang dumating? Kung bakit hindi kami nailigtas nang agaran?


Tumingala ako sa langit. Isang umagang hindi ko makakalimutan. Ito ng araw kung saan ng bawat isa sa amin ay tatahak na ng ibang landas. Mabuti sana kung ito'y isang pagtatapos lamang sa paaralan, ngunit bakit iba ang pagtatapos na nangyari?

"Sana ay masaya kayo sa kung nasaan na kayo" humikbi ako kasabay namg pagtulo ng panibagong luha. "Ang daya nyo, sabi nyo magshoshopping tayo Jeju, bakit nyo ako iniwan?"


Inilagay ko ang aking palad sa ere, tila inaabot ang langit. "Kanina lang ay kumakain tayo ng sopas habang nakatagilid ang barko, hindi ko naman inaasahan na iiwan nyo rin ako"


"SEYAHHH ANAK!!" agad akong lumingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon at nakita ko ang aking matalik na kaibigan na mahigpit na hinagkan ang kanyang ina.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngunit nangibabaw ang oag-asa sa akin. Agad kong tinakbo ang pagitan namin.

Masaya na sana kung hindi ko lang napakinggan ang kanyang balita.

"Ma, ako lang ang nakaligtas sa amin" kasabay ng kaniyang balita ay ang sabay na pagtulo nang aming mga luha. Paanong siya lang ang nakaligtas. Anong nangyari sa akin. "Ako lang ang nakaligtas sa aming magkakaibigan"

Sumigaw ako nng sumigaw sa harapan nya, nananalangin na sana ay makita nya ako nang mapatunayan ko na buhay pa ako. Ngunit ni isang sulyap ay wala syang ibinigay.

Muli akong tumakbo patungo kay Mama. Maraming bangkay ang nadadaanan ko habang tumatakbo pero hindi ko muna iyon binigyang pansin. Hindi ko rin kayang tingnan ang kanilang katawang walang buhay.

Nang tuluyan na akong nakalapit, nanghina ang king mga tuhod sa aking nadatnan.



"AIRAHH" sigaw ng aking ina sa aking katawan. Hindi ang nakatayo kundi ang katawang wala nang buhay. Ang katawang maputla at basang-basa. "AIRAHH!! HINDI!!"



Sa hindi mabilang na pagkakataon ay bumuhos ang luha ko.

"MA! NANDITO AKO MA! MA!" niyakap ko sya   nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Ito na ang huling yakap ko sa'yo ma. Please alagaan mo ang sarili mo. Wala nang tutulong sa'yo sa gawaing bahay. "I love you ma, sa second life ko po, ikaw pa rin ng gusto kong nanay"


Humalik ako sa kanya sa pisngi. Ayaw kong makita syang nahihirapan dahil sa nangyari sa akin. Umiiyak sya dahil bangkay na lang akong babalik.

Ako si Airah Jung, 16, isa sa nasawi sa Sewol Ferry Tragedy

Sewol Ferry On Board (COMPLETED)Where stories live. Discover now