CONNECTED

3 0 0
                                    

Author's note:
Hi! So in this short story, there's one or more things I want to remind you about. I hope ma-enjoy niyo 'to and that you get someone from it. Our creative writing subject made me do this haha. Anyways, stay safe always and stay home if it's not necessary for you to go out! Take your vitamins din and stay hydrated. xo

—————-

Kasalukuyang nasa sariling kwarto si Bituin; isang teenager na spoiled brat. She is super privileged; lahat ng gusto niya, ibinibigay sa kaniya ng magulang niya.

Nanonood siya ng balita at naiinis sa nakikita niya. Many people are fighting para lamang makasakay pauwi; karamihan sa kanila ay mga manggagawang kailangang mag-trabaho para mamuhay.

Kinuha ni Butuin ang kaniyang selpon at binuksan ang Instagram app, vinideohan niya ang TV, "Fck these dumb asses. Why can't they understand that they need to stay home?" sabi niya sa habang nag vi-video.

Pinost niya kaagad ito dahil naiinis talaga siya. Napa-irap na ang dalaga at pinost napa-tweet na rin dahil naiinis pa rin siya.

@BituinStar  10m ago
Ano ba naman 'yan? Why can't people just stay in their freaking homes and relax? Can you not understand that? I don't about your jobs, just don't go out. Stop risking others' lives because of your selfishness.

Pagkatapos mag-tweet ay isinara na ni Bituin ang kaniyang Twitter app at nag Instagram na lamang. Gusto niya ang Instagram dahil nakikita niya ang mga posts ng kaniyang mga paboritong influencers.

Hindi pa umabot ng isang oras ay tunog na nang tunog ang selpon ni Butuin, "What the freak?"

Sunod sunod ang pag-tunog ng kaniyang selpon at notipikasyon mula sa Twitter ang lumalabas.

@MoiraAllain 21sec ago
Gurl, you're too privileged and it shows.

@YsabellaRingABell 7mins ago
Sis, use your utak sometimes?

@JezzaSaPusoMo 7secs ago
Girl. Mag-reflect at mag-isip ka rin minsan. It will help.

Marami pang ganitong uri ng replies ang natanggap ng tweet ni Bituin. She really did hit a nerve, right? She did receive hundreds of hates and replies, but one quote retweet caught her eye and made her blood boil.

@BawalLUNAbas   2mins ago
Tignan mo 'tong tangang 'to. Wala yatang utak. Kung anong ikinaputi ng balat mo, kabaligtaran ng budhi mo. Hoy! Hindi lahat ng tao kayang mag-relax sa bahay nila dahil may mga pamilya silang kailangang pakainin at hindi nila iyon magagawa kung hindi sila magta-trabaho!

Nag-type agad ng reply si Butuin habang nakakunot ang noo at naiinis pa rin.

@BituinStar 1sec ago
Hoy ka rin! What did you call me? Tanga? THOSE PEOPLE ARE THE ONES NA TANGA! If they weren't tanga then they wouldn't have to go out and fcking do their jobs outside because if they weren't tanga then they'd be rich already and mapapakain na nila ang family nila!

Sa kabilang dako naman ay nagalit lalo ang dalang nagngangalang Luna. Alam niya sa sarili niya na hindi tanga ang mga taong iyon at lalong hindi nila kasalanan kung bakit sila naghihirap para mag-trabaho.

@bawalLUNAbas 1sec ago
You just proved my point right; Tanga ka. Hindi nila kasalanan kung bakit sila ganiyan ngayon. Not everyone's blessed with privilege and it disgusts me na yung mga taong katulad mo pa ang nabiyayaan ng pribilehiyo. Hindi mo deserve.

Mas lalong uminit ang ulo ni Butuin and she can't help but reply to the other girl again.

@ButuinStar
At least 'di ako pangit katulad mo. AND I DESERVE THE PRIVILEGE BECAUSE MY PARENTS HAVE BEEN WORKING THEIR ASSES OFF TO PROVIDE FOR ME!

Isang boring na hapon ang bumabalot sa buhay ni Heli as usual. At ano pa nga ba ang solusyon? Mag Twitter!

Isa sa mga hobby ni Heli ay ang pagbabati sa mga taong may problema at pag-eeduka sa mga walang muwang sa nangyayari sa kanilang paligid. She likes helping other people, lalo sa Twitter. Twitter is a public social media platform at lagi na lamang nagpapakielamanan ang mga tao rito; kadalasan, masasakit at sobra na ang mga nasasabi.

Sakto ay may nakitang palitan ng tweets si Heli sa kaniyang feed.

"ButuinStar... BawalLUNAbas..." binasa niya ang mga usernames ng dalawa. Naka-agaw na ng pansin ang palitan nila ng sagot at nakakuha na ng ilang libong interaction between audiences, "Interesting..."

Naisip agad ni Heli na parang kailangan ng dalawa ang kaniyang tulong, pero medyo nagdadalawang isip pa siya. Ngunit, nang mag-reply ulit si Luna ay napag-desisyunan niya na nga talagang tumulong at makisawsaw. It's getting out of the hand.

@BawalLUNAbas
G*go! Mas pangit ka sa akin! Pangit ka na nga, pangit pa ugali mo! Pangit buong pagkatao mo!

"Haaaaaay... they really need my help," napasuko na lang na sabi ni Heli.

Hindi na nag-aksaya ng oras si Heli at agad nang gumawa ng groupchat.

Add @ButuinStar and @BawalLUNAbas?

Yes No

Sabay ang naging pag-tunog ng mga selpon nina Luna at Bituin, "group-chat?" Binuksan na nila ang direct message na kanila natanggap.

@HeliSun
Hi, I'm Heli! To help and to educate you two is what I am going to do!

Tumaas ang kilay ni Bituin at nag-chat.

@ButuinStar
About what?

@BawalLUNAbas
Sa lahat. Tanga ka kasi.

Sumakit yata ang ulo ni Heli nang kaunti?

@HeliSun
So, hey... I know you two have different opinions and sides, but the way you talk to each other is wrong.

Bituin, Luna is right, not everyone's blessed with and given privilege. Kita mo 'yung mga farmers? 'Di ba they work their asses off spending hours doing their work just to feed thousands of people? Pero even they don't have enough money and food to feed their families? Ironic, right?

Ikaw naman, Luna, you're using Ad Hominem na. Don't attack people for what they look like. Focus on the point of argument, not on their looks. Stay on the lane, 'wag lalagpas. You do not need to pick on people's appearance just to prove your point, hunny. It won't make you look better.

Napaisip ang dalawang dalaga... tama nga naman si Heli. They both crossed the invisible line and they made mistakes.

@ButuinStar
I understand now. I'm sorry.

@BawalLUNAbas
Sorry rin. Sobra na ako kanina.

Matapos humingi ang dalawang nga dalaga ng tawad, humaba pa ang diskusyon kasama si Heli. Natuto sila at nabuksan ang kanilang mga mata. Salamat, Heli.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CONNECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon