Part 13

810 59 0
                                    


Tila may anong kung tumitining sa ulo ni Apollo. He winced then opened his eyes. 

Urgk! 

Muli siyang napapikit nang gumuhit ang sakit sentido niya. Okay, that was the worst morning for him. May mga pagkakataong maisusumpa niya ang alak dahil sa tindi ng hangover. Parang may fire drill ang mga neurons niya sa utak. Kahit matindi ang headache ay pilit siyang dumilat. 

He exhaled then looked at his surroundings. Kung ganoon ay nagawa niyang makarating sa silid niya kahit papaano. Akmang babangon siya sa kama pero may kung anong nakahilig sa dibdib niya. He saw Faye leaning on his chest while sucking her thumb like a child.

Hindi niya napigilan ang kumawalang hagikgik sa lalamunan niya. Para siyang sira pero ang nararamdaman niyang amusement ng mga oras na 'yon ay hinawi ang sakit ng ulo niya. He was really glad that she was beside him. 

Alam niyang sinamahan siya nito buong gabi. At naa-appreciate niya ang malasakit sa kanya ng kinakapatid niya. To think na sakit sa ulo ang tingin niya dito sa simula. Pero ito pa pala ang dadamay sa kanya sa oras na masaktan siya.

Tumaas ang kamay niya at marahang hinawi ang buhok nito. Napangiti siya. Mukha itong anghel kapag tulog. Tila walang kakayahang manakit at magsungit. It was the first time for him to look on a girl at her face on his bed after waking up. Noon, hindi niya pinagkakaabalahang tingnan ang mukha ng isang babae matapos niya itong makaniig. Even Hannah. He never looked at her with so much fondness. 

Napahilamos siya sa mukha nang maalala niya ang nobya. No. Hannah is not his girlfriend anymore. She made her own choice. Totoo ang sinabi ni Rie Faye. Makikita mo lang ang halaga ng isang tao kapag nawala ito sa buhay mo. He did love her enough to hurt him like a fool. Subalit madali niyang natanggap na hindi ito ang babae para sa kanya. An opportunity that slipped on his hands. Sabi nga ng dalagang ito sa tabi niya. At marami pang opurtunidad na darating sa buhay niya. 

I guess it's not bad at all...

"Faye..." mahinang tawag niya dito. Maingat na tinapik niya ito sa pisngi upang gisingin. Ngunit kumunot lang ang noo nito at nanatiling nakapikit. 

Lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Waring unan ang turing sa katawan niya.

 "Faye, wake up... umaga na. May flight ka pa sa hapon." Bigla siyang natigilan sa sinabi. So, it was only a matter of time before they separate ways. Sumikdo ang dibdib niya. At may kung anong kahungkagan ang namahay sa isip niya. Strange, pero bakit parang mas nalulungkot siya sa napipintong pag-alis ng kinakapatid kaysa sa paghihiwalay nila ni Hannah?

Somehow, Faye made a mark on his life. Sa isang Linggong kasama niya ito, hindi niya namalayan ang paglipas ng mga araw. Diskusyon, asaran, walang katapusang pagtatalo at pag-aalala sa isa't-isa. Kahit itanggi niya, umikot dito ang one week niya. Paano kaya kung hindi ito dumating sa buhay niya? Hindi niya lubusang makikilala ang pagkatao nito.

"Hhmm..." umungol ang dalaga. Isinaklit ang paa sa binti niya.

"Whoa!..." He became so stiff. Dumaiti ang katawan nito sa parte ng katawan niyang may sariling pag-iisip. Para siyang sinilihan. At gusto niyang suntukin ang sarili sa reaksiyon ng katawan.

  Kinakapatid niya nga ang babaeng ito pero babae pa rin ito! At di lang basta ordinaryong babae kundi magandang babae. Jesus! Ang hirap naman ng sitwasyon niya!

Ingat na ingat na itinulak niya palayo ang natutulog na si Faye. At pinagpawisan siya ng todo nang ganap na makawala siya mula rito. Para pala itong tuko sa pagtulog, ang tinding kumapit.

My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon