Chapter 2

28 7 0
                                    

Kanina ko pa iniisip kung bakit naging kaklase ko itong malas na lalaking ito,bukod sa mukha syang matanda ng three years sa amin ay bakit sa engineering pa?

"Navaro,Eva Mae!"

"Present Sir!"

"Nevesa,Jaimin Euviter!"

Ay ako na pala "Present po!"

Sinadya kong hintayin kung matatawag ba ang lalaki na naka upo sa likod ko at hindi naman ako naghintay nang matagal dahil bukod sa iilan palang ang pumasok ay mula Z to A Ang tinatawag kaya ilang pangalan lang ay ang kanya na.

"Villanueva,Bain Aiden!"

"Present" grabe din naman sa katamaran ito kanina pa sya nakayuko lang sa mesa tapos ngayon eto kakaunting salita lang ang lumalabas sa bunganga nya.

"Oh so you're the son of Governor Villanueva?" tanong ng teacher namin

"Yes"simple nyang sagot

"Okay... So student eye on the front! I'm Iledan Lopez and I'll be your teacher in Safety Management, in my subject you will learn blah blah blah blah."

Natapos ang first period ng matiwasay maliban lang sa mga matang patuloy parin sa pagtingin sa lalaking nasa likod ko.

Bukod kasi sa anak sya ng governador
ay hindi naman papahuli sa kagwapuhan at datingan na syang nang aakit sa mga mata ng kaklase ko.

Nag aayos na ako ng gamit para sa next kong klase ng lapitan ako ni Eva.

"Jaimin saan ka nyan?" Tanong nya.

"Building Design, sa second floor. Bakit?" Takang tanong ko.

"Pwedeng makisabay ako sa iyo? Tutal pareho lang naman pupuntahan natin at tsaka wala pa kasi ako kaclose." May pag akla pa sa braso kong anya.

" Okay lang pero okay lang din ba sayo kung hintayin ko muna kaibigan ko? Nasa kabilang room lang naman sya." Lumabas na kami ng room para puntahan si Zoey.

"Zoey sabay muna daw sa atin si Eva transferee lang kasi sya." Pagka usap ko kay Zoey.

"Hi Eva! I'm Zoey,nice to meet you."  Maligayang pagpapakilala sa kanya ni Zoey.

"Nice to meet you too!" Pinag angkla nya din ang kamay nila kaya nasa gitna na namin sya ni Zoey.

Kaya naging malapit ang loob ko kay Zoey bukod sa mabait na sya sakin nakikita ko din kung gaano sya makitungo sa iba.

Dumiretso na kami sa second floor kung saan ang sunod naming subject na Building Design, wala namang masyadong tinuro dahil puro pagpapakilala lang naman sa first day of class. At buti na lang hindi ko na naging kaklase ang malas nayon sa buhay ko.

Papunta na kami ng cafeteria ng magtanong si Zoey Kay Eva.

"Anong pumasok sa isip mo at si Jaimin ang una mong nilapitan ? Ang pagkakakilala ko kasi sa babaeng yan ay tahimik lang. Buti ay kinausap mo?"

"Ahh kanina kasi bago mag umpisa ang klase napatid sya kaya sya ang una kong nilapitan." Si Eva.

"Weh hindi nga? Si Jaimin napatid? Nino? Hahahahhahha" Tignan mo nga tong Zoey nato pinagtawanan pa ko.

"Yung anak ng Governor" simpleng sagot ni Eva.

"Oh my God! You mean the hot and yummy Bain Aiden?! Pinsan pa talaga ng nanligaw sayo na si Brend. Baka ginagantihan ka ng magpinsan na yun Jaimin dahil sa pagfrefriend zone mo sa kanya." Brend Villanueva ang pamangkin ng governador,tatlong buwan lang naman syang nanligaw sa akin last school year at dahil sa hindi pa ko ready pumasok sa isang relationship ay binasted ko muna at kaibigan muna ang mabibigay ko,pero ilang araw lang nakita ko may girlfriend na sya.

 A Person to Lean OnWhere stories live. Discover now