Chapter 06

28 10 20
                                    

Annyeong~, chingus! A update for you! (☆▽☆) This chapter is dedicated to Darkcelestial718

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Annyeong~, chingus! A update for you! (☆▽☆) This chapter is dedicated to Darkcelestial718. I kennat mention you! Huhu!

Isabela

Oo na, kinain ko na ang mga salita ko.

But can you blame me? Tao lang ako, hindi perpekto. Kaya 'di ko in-expect na ganito ako karupok, hindi naman ako bundok.

Sino ba kasing makakahindi sa offer ng lalaking 'to? Ang sama ko naman kung hindi ko tatanggapin, ayokong matawag na heartless. Cold-hearted lang dahil hindi pa naman nawawala ang puso ko.

O baka nanakaw na, hindi ko lang napansin?

Haha! Anong kalokohan 'yon? Kung may nagnakaw man ng puso ko, sana'y tigok na ako dahil wala nang bumobomba ng dugo ko. Sino na ang naghahatid ng nutrients sa katawan ko kung missing na pala ang heart ko? Imposible 'yon. Napaka-imposible.

O baka ayaw mo lang tanggapin dahil guilty ka?

Shut up, subconscious! Ayokong masiraan ng sense at baka tumalon ako palabas sa umaandar na kotse! On the way na kami sa lugar kung saan makakapag-relax ako. Huwag mong sirain ang nararamdaman kong excitement ngayon, okay?

"Sa'n ba tayo pupunta?" hindi ko napigilan na itanong. Gusto ko ng makarating sa kung saan mang lupalop niya ako dadalhin. Nakaka-suffocate kaya lalo na't kung ano-anong basura ang naiisip ko ngayon! Marimar, kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, kanina ka pa napa-aww! Dahil hindi ako komportable na kasama siya sa isang masikip at saradong espasyo. Normal ba 'to? O isang sign na nagiging abnormal na rin ako?

Saglit siyang tumingin sa akin at ngumiti. "Secret nga. Ang kulit mo, alam mo ba 'yon?" aniya habang may ngiti pa rin sa kaniyang labi.

Namula ako at napairap. "Secret secret ka pa d'yan. Whatever, basta bilisan mo na," aniya ko habang nagkukunwaring may tinitignan sa labas ng bintana. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa akin, nahihiya ako kapag nagsasalita siya. May sakit yata ako? Mukhang need ko ng magpa-appointment sa doktor.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "You are cute. Do you know that?"

Inis ko siyang tinignan. "Anong cute? Tingin mo ba sa akin bata, ha? Iniinis mo nanaman ba akong epal ka!? Oo na, maliit na ako kung ikukumpara sa iyo. Bakit pinagduduldulan mo pa sa mukha ko!?"

Natawa siya at muling napatingin sa akin, makikita ang amusement na naglalaro sa kaniyang mga mata na kulay abo. "Chill, shorty. That's a compliment."

"Sinong tinatawag mong shorty-"

Natigilan ako. A-Anong sabi niya!? Compliment!? Naramdaman ko ang pamumula ng buong mukha na agad kong tinago sa lalaking epal na 'to. Oo na, kinikilig na ako! Ang harot, eh!

"So what naman kung cute ako? Cute naman kasi talaga ako. Hindi mo na kailangan pang ipaalam sa akin dahil matagal ko ng alam. Cute, pretty, beautiful at kung ano-ano pang adjectives na p'wedeng mag-describe sa kagandahan ko, alam ko na perpekto akong dinedescribe ng mga 'yan kaya no need na sabihin mo pa," sabi ko upang itago ang pagkapahiya ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once Upon A Broken Vow | ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon