Chapter 24: Accident

314 64 11
                                    

Arianna's POV

"Anong balak niyo sa 1 week vacation?" tanong ni Dianne samin. Nandito kami ngayon sa dorm dahil katatapos lang ng klase. Wala pang kasama si Dianne sa dorm nila kaya dito muna siya tumambay.

"Actually di ko pa alam e. Pero baka sa bahay nalang ako at magpapahinga. Depende kung may mag-aya." sagot ni Kylie.

"Sus, as if naman hindi ka aayahin ni Yuan."

"Hoy Dianne! Malisyosa ka talaga! Di porket may lakad kayo ni Ethan, di ibig sabihin nun may lakad din kami ni Yuan."

"Sus! Pustahan tayo aayahin ka din ni Yuan. Kunwari ka pang di kinililig diyan!HAHAHA" sabat ko sakanila.

"Bakit, kayo ba ni Cael saan yung lakad niyo aber?"

"Wala pa din kaming napapag-usapan e."

"Sus! Oh ikaw naman Claire? San date niyo ni Ivan?" tinignan ni Claire ng masama si Kylie dahil sa tanong niyang yun.

"Anong date pinagsasabi mo diyan?! For your information sa bahay lang ako. Susulitin ko yung 1 week vacation na yun. Tsaka ano bang pake ko kay Ivan?!" nagkatinginan kaming tatlo nila Kylie and Dianne sa sinabi ni Claire tsaka kami sabay sabay na tumawa.

"HAHAHAHAHAHA"

"Anong tinatawa niyo diyan?!"

"Hanggang ngayon ba nasa in denial stage ka parin? Obvious naman girl na may gusto ka kay Ivan! Kulang nalang nga tirisin mo na yung mga babaeng lumalapit sakanya e. You're so possessive girl!HAHAHAHA" maluha-luhang sabi ni Kylie.

"Ang OA mo, possessive your ass!" inis na sabi ni Claire tsaka siya dumapa sa kama niya.

"Ikaw naman girl! Napapansin ko na parang medyo nagiging close na ulit sila Amber and Cael ah?" tanong ni Kylie sakin kaya nawala yung ngiti ko sa labi. These past few days kasi napapansin ko din na nagiging close na ulit sila Amber and Cael. Pero sabi ni Cael sakin friends lang daw sila, naniwala naman ako sakanya dahil ayokong yun yung maging rason ng pag-aaway namin. Tsaka kailangan namin ng trust sa isa't isa.

"Ano ba kayo, magkaibigan lang sila sabi ni Cael. Tsaka may tiwala naman ako kay Cael."

"Yeah, si Cael friend lang yung turing kay Amber, pero you think ganun din yung tingin ni Amber kay Cael?" natigilan ako sa tanong ni Claire. Hindi ako makasagot sakanila.

"W-wala naman sigurong masama k-kung maging magk-kaibigan sila diba?" utal na tanong ko.

"Yes girl, walang masama na maging magkaibigan yung mag ex. Pero what if, what if lang naman ah! What if maging magka-IBIGAN ulit sila? What if magka-comeback gaya nila Ethan and Dianne."

This time natigilan na talaga ako sa tanong ni Kylie. May chance kaya na mangyari yun? Pero gaya ng sabi niya WHAT IF lang naman yun. Pero kasi natatakot din ako na mangyari yun. Paano ako? Ayokong masaktan. Pero alam ko din na di gagawin ni Cael yun. May tiwala ako sakanya.

"Ano ba girl! Huwag ka na ngang pa-stress sa tanong ng babaeng 'to. Don't mind her." tumango nalang ako sa sinabi ni Dianne. Tama siya, dapat huwag akong mag overthink. "Osige na girls, balik nako sa dorm ko. Friday na bukas, ipapasa na natin yung mga paper works natin dahil last na pasok na natin bukas at magsisimula na yung 1 week vacation haha. Byeee."

***

Kinabukasan, gaya nga ng sinabi ni Dianne, pasahan ng mga paper works ngayon. Dahil magkaka 1 week vacation kami tinadtad kami ng mga assignments and projects, hay nako! Tapos sobrang dami pa naming ginawa ngayong araw kaya sobrang napagod kami.

Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon